Chapter 24

1102 Words
AIKO'S POV "I think we can get out now." suhestyon ni Dark matapos ang ilang minutong katahimikan. Nagkatitigan kaming lahat. Is that a good idea? "Hmm.. sabagay. Isang oras nalang na'man ay mag a-alas sais na. Sa tingin ko na'man pwede na tayong lumabas." pag sang-ayon ni Kuya sa sinabi ni Dark. Tama na'man sila. Ilang oras na kami rito sa loob ng silid na 'to. Nakatulog na rin na'man kami. Nagising lang na'man kaming lahat dahil doon sa announcement na ginawa ng Game Master. "Sigurado ba kayo d'yan? baka na'man mamaya may mga hayop pa na nagkalat sa labas. It's better to be careful that to be sorry.." pag salungat na'man ni Lili sa sinabi ng dalawa. Napaisip ako, sabagay may point din na'man s'ya. "I don't know.. It's still your choice tho. Whatever what you decide on, I'll follow. That's just my opinion." dagdag pa ni Lili at ngumiti ng tipid sa akin. "Siguro labas nalang tayo, alam kong kulang pa sa iba sa inyo 'yung kinain na'tin kanina kaya subukan na'tin tumingin sa kusina ulit." napatingin sa'kin si Kuya nang sabihin ko 'yon nang may nakataas na kilay. Luh, taray ka bhie? "Sus! Dinamay mo pa kami. Ang sabihin mo, ikaw 'yung nakulangan sa kinain natin kanina kaya gutom ka nanaman." mataray na sagot n'ya sa akin. Aba! Tignan mo 'tong taong 'to! Ang kapal ng mukha! Tinaasan ko rin s'ya at dinuro duro. "Hoy! Ang kapal talaga ng apog mo, no? Ikaw nga d'yan 'yung nakaubos ng dalawang hiwa ng manok! Tapos ako sasabihan mo ng gan'yan?! Huh! Pa-victim ka, ghorl?" pananaray ko na'man pabalik sa kan'ya. Nag palitan lang kami ng matutulis na titig. Hindi talaga ako makapaniwalang may kambal ako na kagaya n'ya! Narinig na'ming humagikgik si Lili kaya napalingon kaming dalawa sa kan'ya. "Anong tinatawa tawa mo d'yan?" sabay na tanong na'min ni Kuya. Nag titigan kami ulit at nag-taasan ng kilay. " *chuckles* Ang cute n'yo talagang dalawa. Sana ako rin may kapatid na kakulitan." napalingon kami ulit sa kan'ya nang sabihin n'ya 'yon. Napakunot ako ng noo at may naalala. Oo nga pala, sabi n'ya sa'kin nung una kaming nagkausap ay wala s'yang kapatid. "Kung hihiling ka man ng kapatid, wag 'yung kagaya ni Aiko. Matakaw na, mataray pa, masungit pa, pangit pa!" singhal ni Kuya na naging dahilan para pagbabatuhin ko s'ya ng kung anong gamit na mahawakan ko. "Ang kapal ng mukha mo! Hiyang hiya na'man ako sa'yo, no? Uhugin ka nga! Dugyot!" sigaw ko pabalik sa kan'ya. Natigil ako sa paghampas sa kan'ya nang tumayo si Dark. "Bakit? May problema ba?" tanong ko. Nakatingin s'ya sa pintuan ng kwartong kinalalagyan na'min. "Someone's watching us from there kanina." sabi n'ya. Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig 'yon. May nagmamatyag sa'min? Sino na'man kaya? 'Yung impostor ba? "Sa tingin ko mabuti pang lumabas na tayo rito at subukan kung may makikita tayong tao na malapit dito." suhestyon ni Kuya na tinanguan na'man naming lahat. The thought of someone's looking at us creeps me out. Isa isa kaming dumungaw sa labas ng pintuan bago tuluyang lumabas. Wala na'man kami napansing tao na nandoon sa hallway. "I swear I saw someone looking at us. Hindi ko lang napansin kung sino dahil mata lang ang napansin ko." pangungumbinsi ni Dark sa'min. Naglalakad na kami ngayon sa hallway at pinaplanong bumaba sa ground floor. "Naniniwala na'man kami sa'yo, hindi ka na'man siguro baliw para takutin kami at gumawa ng ganoong kwento." sabi ni Kuya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Yeah. I believe you too. Naramdaman ko rin kanina na parang may nakatingin sa'tin. Although, I thought that that's just my imagination. Totoo pala." sabi na'man ni Lili. Kung sino man 'yon, imposibleng napadaan lang s'ya doon at naisipang sumilip. Habang naglalakad ay nag iiba ang pakiramdam ko. Parang may nakatitig. Sinubukan kong tignan ang mga nadadaanan na'min sa peripheral vision ko kung may mapapansin akong nakatingin, pero wala na'man. That's weird. Binalewala ko nalang 'yon at tumuloy nalang sa paglalakad. Napa-paranoid ako sa sinabi nilang may nagmamasid sa'min, jusko! ** Andito na kami sa ground floor at so far, wala na'man kaming nakasalubong na ni isang Hyena. Siguro nakulong na 'yun lahat sa kwartong pinagkulungan ni Dark at ni Kuya. Or baka 'yung iba nasa ibang parte ng mansyon at hindi kami napansin. Pagkapasok sa kusina ay nagkalkal agad ako ng pagkain sa ref at sa cupboards. Nagliwanag ang mga mata ko nang may makitang iba't ibang klase ng instant noodles doon, spicy noodles at mga chocolates sa ref. Bigatin talaga 'yung Game Master! Hindi na'man pala s'ya ganun kasama kung tutuusin. Hindi n'ya kami ginugutom. O baka, ayaw n'ya lang kaming mamatay na gutom? Ay, ewan! Basta makakakain ako ngayon tapos! "Oh tamo, napakatakaw mo talagang nilalang ka. Ano bang meron d'yan sa t'yan mo? Bulate? Ahas? O dragon?" tinitigan ko ng masama si Kuya nang magsalita s'ya. "Wala kang pake! Basta ako gutom at kakain ako kung kailan ko gusto! Choo!" pagtataboy ko sa kan'ya. Nag 'tss' lang s'ya at dinilaan ko s'ya. Napaka pakialamero! Abala ako sa pagkain nang may marinig na parang countdown sa loob ng mansyon. Meganon? May pa-countdown? Ano 'to New Year's Eve? Nang matapos ang countdown na 'yon ay s'yang hudyat na may magsasalita sa speaker. "It's 6 AM in the morning. That means, we survived the event." sabi ni Dark nang tignan ang kan'yang wrist watch. Nagliwanag ang mga ekspresyon ng bawat isa. "I, the Game Master and the Host of this event would love to congratulate all the remaining players! Congratulations for surviving the event today! I am so pleased to know that many of you have survived! It's time to reveal the prize of this event!" malakas na pagbati ng Game Master sa'min. Nagkatinginan kaming lahat at nag antay pa sa mga susunod n'yang sasabihin. "All of you, assemble to the field. You'll see the prize you won for this event on the field. See you there!" dagdag pa nito at saka naputol ang koneksyon n'ya sa speaker. Tinignan ko silang lahat at binigyan ng nagtatanong na tingin. May laman kasing chocolate 'yung bibig ko kaya hindi ako makasalita. Bakit ba, gutom ako eh. Che! "Tara na, gusto kong makita kung worth it ba 'yung pagbu-buwis natin ng buhay natin sa event na 'yon." pag aaya ni Kuya. Napatingin na'man silang tatlo sa akin at sa kinakain ko. "Bitbitin mo nalang 'yang kinakain mo doon. Napakatakaw kasi, kakakain lang kain nanaman. Tara na!" singhal ni Kuya. Tumayo ako at sinamaan s'ya ng tingin. "Oo na!" pagmamaktol ko at sumunod na sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD