Chapter 23

1840 Words
THIRD PERSON'S POV 'Will I make it?' tanong ni Dark sa sarili n'ya habang nakatingin sa pintuang kinakalampag ng mga hayop na kung tawagin ay Hyena's. Dumungaw s'ya sa labas at napansin ang hindi gaano kataasang tanawin. Mukhang doon n'ya binabalak tumalon upang tuluyang makatakas sa mga hayop na animo'y tingin sa kan'ya ay malaking piraso ng karne. 'Hmm, hindi na'man masyadong mataas. I think I can handle it.' sabi n'ya pa sa sarili n'ya habang nakadungaw. Hindi ganoon kataas ang tatalunan n'ya para maging dahilan ng pagkamatay n'ya, ngunit magiging dahilan na'man 'yon para mabalian s'ya ng buto. "Grrr! Raaawr!" Malakas na sigaw ng mga hayop na humahabol sa kan'ya. Sinusubukan nilang makapasok sa loob. Nakaramdam ng konting kaba si Dark nang makitang unti unti nang nasisira ang pintuang namamagitan sa kan'ya at sa mga hayop. Unti unti na s'yang sumuot sa munting bintana na s'yang pag asa n'ya lamang upang makatakas. Sa kabutihang palad na'man ay nagkasya s'ya roon at naisuot ang kalahati ng kanyang katawan. Kokonti na lamang ay makakalabas na s'ya ng tuluyan ngunit bago pa s'ya makalabas ng tuluyan ay s'ya na'mang tuluyang pagkasira ng pintuang 'yon dahilan para makapasok ang mga hayop. "s**t!" sigaw n'ya nang mapansin 'yon. Nakalabas na s'ya ng tuluyan sa bintana ngunit bago pa man n'ya ibitaw ang mga kamay sa pagkakakapit ay nakagat na s'ya ng isa sa mga 'yon. "Argh! f**k!" inda n'ya nang makagat ng isa sa mga Hyenas. Ang kanang kamay n'ya ngayon ay puno na ng dugo. Dahil sa pagkakakagat ay tuluyan s'yang bumitaw sa pagkakakapit dahilan para mahulog na s'ya sa mga d**o. "Damn!" asik n'ya pa at napahawak sa kamay n'yang punong puno na ng dugo dahil sa kagat roon. Kinagat n'ya ang laylayan ng damit n'ya at pumunit. Pinulupot n'ya 'yon sa kamay n'yang may sugat upang mapigilan ang pagdugo pa lalo nito. Ika ika s'yang naglakad papasok muli sa mansyon. 'I think my leg is broken.' naisip n'ya dahil sa pagkabagsak n'ya kanina. Sinalubong s'ya ni Aki sa tapat ng mansyon at inalalayan sa paglalakad. Nanlaki ang mga mata nito nang mapansin ang kanang kamay ni Dark na may nakabalot na tela at may mga dugo. "Anong nangyari d'yan?! Wag mo sabihing nakagat ka nanaman?!" sigaw ni Aki kay Dark sa sobrang gulat nito. "Yeah, didn't see it coming." pabirong sabi ni Dark kay Aki kahit na nangingiwi na sa sakit. "Kagagamot lang ng kapatid ko sa sugat mo kanina, may sugat ka nanaman ngayon. At may pilay pa! Hakot disgrasya ka, bhie?" pabirong sabi na'man ni Aki pabalik kay Dark. Natawa ito bago nagsalita. "Ganun talaga pag gwapo, mukha akong masarap sa paningin nila." pabirong sagot n'ya at umaktong nandidiri si Aki. Natawa nalang silang dalawa habang nakaalalay si Aki kay Dark. "They are inside that room." turo ni Dark kay Aki nang makapasok sa mansyon. Pinihit ni Aki ang doorknob at bumungad sa kanila ang umiiyak na si Aiko. "A-anong nangyari sayo?! Nakagat ka ulit?! At bakit iika ika kang maglakad? Anong nangyari?!" sunod sunod na tanong nito kay Dark na naging dahilan ng pag ngiti nito. Sumimangot na'man si Aiko. "Ngiti ngiti ka pa d'yan eh punong puno na ng dugo 'yang kamay mo! Tara nga dito! Gagamutin ko!" sigaw n'ya na kunwari ay galit. Nataea na'man sa gilid si Lili habang pinagmamasdan sila. Sa isip isip n'ya ay kung sana'y may lakas ng loob s'yang sabihin ang totoo sa kanila ay magiging masaya na rin s'ya. "Ako hindi mo kakamustahin?" maangas na tanong ni Aki kay Aiko. Tinaasan lang s'ya ng kilay ng kapatid at naglakad na upang gamutin si Dark. "You okay?" tanong ni Lili kay Aki. "Oo, ayos lang. Si Dark lang ang nasugatan sa'min." pag sagot nito kay Lili. Tumango tango ang dilag. "That's good to hear." sabi nito at tumalikod upang sumunod kila Aiko. Nangunot ang noo ni Aki habang nakatitig sa likuran ng babae. "Why do I feel something when I'm looking at you? Ano bang meron sa'yo?" mahinang tanong n'ya. Hindi pinaparinig sa babaeng ngayon ay nakalayo na ng kaunti sa kan'ya. 'Bakit may nararamdaman akong kakaiba kada malapit s'ya sa akin? Parang dapat ko s'yang galangin, hindi ko maintindihan..' bulong n'ya pa sa sarili n'ya bago naglakad pasunod sa kanila. Hawak hawak ang isang supot na may lamang pagkain. Hindi n'ya alam na ang babaeng tinutukoy n'ya ay may malaking parte sa buhay nilang kambal. ** AIKO'S POV (BLACK) "Ano ba kasing nangyari? Bakit ka ba nakagat nanaman? Mukha pang may pilay yung binti mo." pagsusungit ko kay Dark na ngayon ay nakaupo sa harapan ko at nakatingin sa akin. Tinignan ko s'ya at tinaasan ng kilay. "Hindi mo ako madadaan sa titig titig mo na 'yan. Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari at bakit ka nakagat muli nung mga 'yon." pagtataray ko sa kan'ya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na ngumiti muna s'ya bago sumagot. "I let those Hyena's chase after me in order to get Aki out of there. And then entered a room, saw a window that I could escape through and then I got bitten. The reason why I broke my leg is that the way I landed is somehow wrong. Nataranta na rin kasi ako noon, I'm sorry for making you worried." pagpapaliwanag n'ya sa akin. Hindi ako kumibo at tinuloy na lang ang pag gamot sa sugat n'ya. Ayoko s'yang tignan sa mata dahil naaakit ako. "Oh, ayan pagkain. Napuslit ko kanina, kumain kana at alam kong nagwawala na mga alaga mo d'yan sa t'yan mo." sabi ni Kuya bago ihagis sa akin ang isang supot. "Kailangan ihagis?! Subo ko sa'yo 'to makita mo." singhal ko sa kan'ya. Paao ba na'man kasi, muntikan pa na hindi ko masalo. Wala pa akong makakain nito. "Ayan, tapos na. Pagsaluhan na'tin 'tong dala ni Kuya. Ayoko na'mang ako lang 'yung kakain, dapat kayo rin." suhestyon ko sa kanila at inilabas ang laman ng supot na bigay ni Kuya. May iba't ibang klase ng pagkain doon. May ready to eat na pagkain, may sandwiches at juices din. "Akala ko sosolohin mo lang 'yan lahat. Napakatakaw mo pa na'man, daig mo pa si Dumbo." pang aasar ni Kuya. Pinulot ko ang isang de lata at binato 'yon sa kan'ya. "Epal!" ** "So, nakakailang oras na rin tayo sa larong 'to. Kailangan pa natin mag antay ng hanggang alas sais ng umaga at tapos na ang larong 'to." pag basag ni Kuya sa katahimikan. Kumakain kami ngayon at ako ay nakayuko lamang na tahimik na ngumunguya. "Kailan kaya 'to matatapos? Buhay pa ba tayo hanggang sa matapos 'tong kademonyohan na 'to?" mahina kong tanong sa kanila. Naramdaman kong hinawakan ni Dark ang isa kong kamay. Napatingin ako sa kan'ya. Sinalubong n'ya ako ng ngiti na naging dahilan para mapangiti na rin ako. "Tiis lang, matatapos din 'to. Hindi tayo mamamatay dito, makakalabas tayong buhay." pagpapagaan ni Kuya sa loob na'ming lahat. Inilipat ko ang tingin ko kay Lili at napansing nakayuko din s'ya. Siguro iniisip n'ya rin kung paano kami makakalabas ng buhay dito. Lahat kami ay mga bihag ng isang bilyonaryong demonyo na tingin sa mga tao ay laruan na dapat paglaruan lamang kung kailan man nito naisin. "Tama na ang kakaisip at magpahinga na lang tayo." suhestyon ni Kuya matapos kaming kumain. Tumango tango kami at naghanap ng pwestong pwedeng higaan at tulugan. Inalalayan ko si Dark na mahiga at nginitian na'man n'ya ako. Tumabi ako sa kan'ya at bahagyang yumakap. "I'll get you out of here. We'll live peacefully after this s**t, I promise you that.." mahinang bulong ni Dark sa akin. Napangiti ako nang marinig 'yon. Sana nga, makaalis na kami sa madaling panahon dito. Sana makaalis kami ng buhay at masaya. Sana.. "I love you.." mahinang sabi n'ya na s'yang sinuklian ko na'man ng dampi ng halik sa kan'yang mga labi. Pumikit akong may ngiting nakapaskil sa labi. Sana ganito nalang parati. Masaya at walang iniintindi. ** Naalimpungatan ako nang makarinig ng tunog ng speaker. Kinusot kusot ko ang mga mata ko at tinignan si Dark, na ngayon ay tulog pa. Napagod siguro sa kakatakbo kanina. Si Kuya na'man ay nagising din kagaya ko at si Lili na'man ay mukhang kanina pa gising. Nag antay kami ng ilang segundo kung ano ang magiging announcement. "Hello my dear players! I think everything's going well and exciting for all of us! I am enjoying myself watching how you and my pets seek for each other HAHAHA. May ilang oras pa kayo para matapos at ma-survive ang event na ito ngayong araw!" panimulang sabi ng Game master sa amin. "Hmm.." dinig kong ungol ni Dark at nakitang nagising na ito. Siguro nabulabog sa boses ng game master. Tumingin ako sa kan'ya at nginitian s'ya bago ko pinokus muli ang atensyon ko sa mga susunod na sasabihin ng game master sa amin. "I'm very much amused! Napapamangha n'yo ako sa galing ninyo sa pag tago sa mga alaga kong lumilibot sa buong mansyon at naghahanap ng makakain. Hindi ko nga pala sila nabigyan ng pagkain kaya ayan, gutom na gutom. My bad! HAHAHAHA." rinig na rinig ang tawa ng game master sa mansyon. Mukha ngang nag e-enjoy sa sa kademonyohan n'ya. At talagang may gana pa s'yang mamilosopo? Kunwari pa s'ya eh halaya na'mang sinadya n'yang pakawalan ang mga iyon ng gutom na gutom para mapilitan silang kami ang habulin at kainin! "After this event, ibibigay ko na ang break na sinasabi ko sa inyo. At nasisiguro kong ma-eenjoy n'yo ang break na 'yon. And the rewards is not just the break! Malalaman n'yo ang mga pa-premyo pagkatapos ng palaro kong ito. Kaya, good luck! Hide yourselves carefully or you will be a food HAHAHA." sabi nito bago mawala ang boses n'ya sa speaker. Nagkatinginam kaming lahat na may nakakunot na noo. "Ano sa tingin n'yo 'yung break na sinasabi ng game master? Talaga bang makakaranas tayo ng break?" intrigang tanong ko sa kanila. "Para sa'kin, masyadong good to be true 'yung sinasabi ng game master na 'yon." sagot ni Lili na sinang-ayunan ko na'man. Tumingin si Kuya sa kan'ya ng ilang segundo na s'yang ipinagtaka ko. Matapos ang ilang segundo ay inalis ni Kuya ang tingin n'ya kay Lili at ibinaling sa akin. "Kung maka-survive man tayo hanggang sa dumating ang alas sais ng umaga, wag pa rin tayo pakampante. Kahit na may break o pahinga tayo, hindi natin alam kung ang impostor ay palalampasin ang araw na 'yon upang pumatay." paliwanag ni Kuya na s'yang naintindihan ko na'man. "Yeah, that's why we should not let our guard down in every situation." sagot na'man ni Dark. Tumango tango ako. Tama na'man sila. Hindi kami maaaring mag saya kahit na manalo man kami. Napansin ko rin na tinitigan ni Dark si Lili na ngayon ay nakatingin sa akin. Gusto ko silang tanungin kung anong meron pero hindi ko nalang tinuloy. Anong meron kay Lili at bakit parang mainit ang dugo ng dalawang 'to sa kan'ya? I need to know why, but how?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD