LILI'S POV (PINK)
""Hayaan mo 'yan si Kuya ganyan talaga 'yan, akala mo pinaglihi sa sama ng loob." biglaang sabi ni Aiko na naging dahilan upang mapangiti ako.
"Hoy! Kambal kaya kita! Kung pinaglihi ako sa sama ng loob, ano pa ikaw?" singhal ni Aki pabalik kay Aiko. Tinarayan na'man ni Aiko si Aki bago tumingin sa akin at ngumiti.
My smile got wider. Kahit na pur9 sila bangayang dalawa, alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Medyo nabawasan ang ngiti ko.
How I wish I can laugh at them like that. Kung alam lang nilang dalawa ang totoo.
Napalingon ako kay Dark na napatingin sa wrist watch n'ya. Napatingin din si Aki at Aiko.
"It's already 12 PM in the afternoon. We should find some food." sabi n'ya nang makita ang oras.
*groooowl
We all turned to Aiko. Nag peace sign s'ya sa amin habang nakahawak sa t'yan n'ya. Mukhang nagutom na s'ya matapos makarinig ng pagkain.
"Hehe, wala akong kain eh hehe." napahagikgik ako.
Natawa rin si Dark nang marinig 'yon.
Speaking of Dark, I can notice the way he looks at Aiko.
Am I missing out something? Mukhang nagkakamabutihan itong dalawa.
Pansin ko rin kasi ang mga nakaw na tingin ni Aiko kay Dark.
"Oh sya, susubukan kong pumuslit sa kusina nang makahanap ng pagkain para sa patay gutom kong kapatid." tumayo si Aki nang sabihin 'yon. Hinampas na'man s'ya ni Aiko sa bandang t'yan na naging dahilan upang mapahawak doon si Aki.
"Hiyang hiya na'man ako sa'yo! Maka-patay gutom ka d'yan!" singhal ni Aiko sa kan'ya. Napatawa ako, ang kulit talaga nitong mag kapatid na 'to.
"I can go with you if you want to." suhestyon ni Dark kay Aki at tumayo rin. Umiling iling si Aki at pinaupong muli si Dark.
"Hindi na, kaya ko na 'to. Dito ka nalang at bantayan mo itong dalawa. Mas mabuting may maiwang lalaki dito kung sakali mang may maligaw na hayop." pagtanggi ni Aki kay Dark.
Tumango tango si Dark sa sinabi ni Aki at naupong muli.
"Yeah, you're right. Well, good luck on your journey on finding food. Hope you won't be a food instead." pagbibiro ni Dark.
Sinamaan s'ya ng tingin ni Aki.
"Wag mo 'kong mabiro biro d'yan, alalahanin mo 'yung naabutan ko kanina nung makita ko kayo ni Aiko." pagbanta ni Aki na naging dahilan para mangunot ang noo ko.
Nakita kong namula si Aiko sa narinig kay Aki at napa ubo na'man si Dark.
Wait, what are they talking about? Sana all nakakarelate.
"Ingat kupal, tanga ka pa na'man. Baka mamaya tama 'yung sinabi ni Dark na imbes makahanap ka ng pagkain ikaw pa 'yung maging pagkain." pagtataray ni Aiko sa kambal.
Tinaasan lang s'ya ng kilay ni Aki bago ito naglakad palabas upang humanap ng pagkain.
I just hope he'll be safe out there.
**
"So.. is there something going on between you two?" I asked them both after a few minutes of silence.
Natigilan silang dalawa sa tanong ko. Parang naging awkward ang atmosphere sa kwartong 'yon matapos ko 'yong itanong.
"Okay, mukha na'mang wala kayong balak sagutin. Besides, I respect your privacy so no worries." pag bawi ko at ngumiti ng nakakaloko. Mas lalong namula ang mukha ni Aiko at umiwas na'man ng tingin si Dark.
Masyadong obvious itong dalawang 'to.
" *cough* E-ehem! Tama na nga 'yung tungkol d'yan, iba na'man 'yung pag usapan." nauutal na sabi ni Aiko. Mas lalo akong napangisi.
"S-so, may hinala na ba kayo kung sino man 'yung impostor?" biglang tanong ni Aiko na naging dahilan para bahagya akong matigilan.
I didn't see that coming.
Hindi ako nag salita at pilit na inayos ang ekpresyon ng mukha ko upang hindi makagawa ng bagay na baka maging dahilan para mag hinala sila sa akin.
Naghihintay lang ng sagot si Aiko sa amin. Si Dark ang sumagot.
"Uhm, I still haven't figured out who the impostor might be. Some of the other players are all suspicious. It's difficult to tell which one." sagot ni Dark sa tanong ni Aiko.
Tumango tango si Aiko at inilipat ang tingin sa akin. Hinihintay n'ya siguro akong sumagot.
I tried my best not to stutter.
"Hmm, sa ngayon wala na'man. Wala pa na'man akong nahahalata. Gaya nga ng sabi ni Dark, all players that are left are all suspicious. It will be a lot more difficult to guess who the impostor is.." maayos kong paliwanag.
They seems convince kaya nakahinga ako ng maluwag. I can't let them know that I am the impostor.
Not yet.
AIKO'S POV
Ang tagal na'man ni Kuya! Gutom na gutom na ako!
*groooowl
Napanguso ako nang marinig nanaman ang ingay ng mga bulate ko sa t'yan.
Napatingin sa wrist watch n'ya si Dark.
"It's 1:30 PM already. And he's still not coming back. He should be here by now, he's one and an half hour gone. Maybe something happened." sabi ni Dark. Biglang nawala 'yung gutom ko at napalitan ng kaba.
Kahit na'man ganoon ako kay Kuya hindi ko gustong may mangyari sa kan'yang kung ano.
"You two stay here, I'll go look after him." suhestyon ni Dark at akma nang tatayo nang hawakan ko ang kamay n'ya.
"No, hindi pwedeng ikaw lang ang umalis at sumunod. Mamaya hindi ka rin makabalik. Mas mabuting mag sama sama tayong tatlo na maghanap kay kuya." pamimilit ko sa kan'ya. Namungay ang mga mata ni Dark at pansin ko ang pag aalangan sa mga 'yon.
"But.." tututol pa sana s'ya nang tumango tango si Lili.
"Aiko's right. We should stick together. Mas maayos 'yon kaysa hayaan ka na'ming umalis nang ikaw lang mag isa." napabuntong hininga si Dark at wala ng nagawa kundi pumayag.
"Okay, I can agree to that." sabi n'ya at inalalayan kaming dalawa ni Lili na tumayo.
Nagsimula na kaming maglakad papalapit sa pintuan. Naunang dumungaw si Dark at nang walang mapansin sa labas ay tumuloy na kami sa paglalakad.
"Let's check the kitchen." Dark suggested. Tumango tango kami ni Lili at sumunod na sa kan'ya papunta sa kusina.
Pagdating na'min sa tapat ng kusina ay nagtaka kami nang may marinig na mga parang ungol ng hayop sa loob.
Sumenyas si Dark na wag kaming maingay.
Dahan dahan kaming sumilip sa loob ng kusina upang tignan ang nangyayari at lahat kami ay napako sa kinatatayuan sa nakita.
There's a pack of Hyena's inside the kitchen.
Napansin ko ang mga nakakalat na karne sa lapag na s'yang nilalantakan ng mga mababangis na hayop.
Napatakip ako sa bibig ko nang mapansin ang tao na nagtatago sa gilid ng ref. Si Kuya!
Kinalabit ko si Dark at itinuro ang direksyon ni Kuya. Natigilan din s'ya ng makita 'yon. Maski si Lili.
Napansin kami ni Kuya at sinenyasan kaming wag maingay at umalis na doon.
Umiling iling ako sa kan'ya. Gago ba s'ya? Iiwa na'min s'ya dito? Paano kung mapansin s'ya ng mga 'yon?!
I mouthed 'no' at him. Napasabunot s'ya sa buhok n'ya nang makita 'yon.
Sorry ka Kuya, kung matigas ang bungo mo mas matigas ang bungo ko.
Niyugyog ko si Dark at napatingin s'ya sa'kin.
"Kailangan natin gumawa ng paraan para mailabas doon si Kuya. Baka mamaya mapansin na s'ya ng mga 'yon. Natatakot ako, Dark.." mahinang bulong ko sa kan'ya na may nanginginig na mga labi.
He cupped my face and kissed my forehead. Hindi alintana ang isang taong kasama na'min ngayon.
"We will help him, okay? We will get him out of there, I promise you that. Just.. just let me think of a way." paniniguro n'ya sa akin. Tumango tango ako at tinignang muli ang pwesto ni Kuya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang Hyena na papalapit sa pwestong kinalalagyan ni Kuya.
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko.
Please, no.
Nakahinga ako ng maluwag nang hindi napansin ng hayop ang taong nakatago sa likod ng ref.
Humarap sa akin si Dark at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"You hide, both of you. I now have an idea on how to get him out of there but I need you both to hide." sabi n'ya sa akin. Nagtaka ako sa tono ng pananalita n'ya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba.
"No! Hindi pwede! Kung ano man 'yang iniisip mo, wag mo na ituloy! Dark please.." pagsusumamo ko sa kan'ya. Kita ko ang hirap sa mga mata n'ya pero nagawa n'ya akong ngitian.
"Trust me, okay? Just trust me Aiko." pangungumbinsi n'ya sa'kin. He planted a kiss on my lips.
"Ayaw mo bang maalis natin doon ang kambal mo?" tanong n'ya. Umiling iling ako.
"Gusto ko, gusto ko. Pero ayokong mapahamak ka.." namuo ang luha ko.
Ngumiti s'ya ng bahagya.
"Nothing bad will happen to me, okay? Just trust me. We'll both be safe." hinalikan n'ya akong muli sa pisngi.
Tumango tango ako at pilit na tinatagan ang loob. Tama s'ya, dapat mag tiwala ako sa kan'ya.
Tumingin s'ya kay Lili at tinanguan ito. Tumango sa kan'ya si Lili at hinawakan ang kamay ko.
"Let's go. Kailangan na nating magtago. Pag lalo pa nating pinatagal mas lalong lumalaki ang tyansa na mapansin na si Aki doon." sabi sa akin ni Lili. Tumango tango ako at hinila n'ya na ako palayo doon.
Sumulyap pa akong muli kay Dark. Please be safe, mi amor.
DARK'S POV (WHITE)
I can see how her eyes begged as they enters a room to hide.
Don't worry, I'll come back alive.
This idea is risky but I will not let myself be killed by these monstrous creatures.
I cannot let her down.
I looked at Aki and nodded at him. Tumango na'man s'ya pabalik sa akin. I think he knows what I'm about to do.
"Hey s**t heads! Want some meat? Come and get it!" I shouted at the pack of Hyenas inside the kitchen and showed them my bare arm.
They all growled and started running towards me.
Time for the f*****g chase.
Tumakbo ako hanggang sa kaya ko. As I expected, all of them started chasing me. That's the time for Aki to got out of that room.
Balak naming ikulong sila sa isang kwarto dito sa mansyon. I know he get that.
I started running and running. On the second floor, there are a lot of rooms. We could use that.
Dalawa ang daan papunta sa second floor. Doon ako dadaan sa isa, at sa isa na'man si Aki.
The game master never mentioned that we are not allowed to go outside the mansion.
Pumasok ako sa isang kwarto at sinadyang iwang bukas 'yon. Nagsisunuran silang lahat.
Pumasok ako sa bathroom at 'yon ang isinara ko. As expected, there's a tiny window inside the bathroom.
Hindi ganoon katibay ang pintuan ng CR na 'yon at alam kong segundo lang ay masisira na nila 'yon. Sa dami ba na'man nila.
Ngayon dapat nailock na ni Aki 'yung pinto ng kwartong ito. Leaving me and some of the Hyena's locked up inside.
The only way for me to get out is through this tiny window.
Will I make it?