AIKO'S POV
"As long as I'm with you, I don't care how dangerous the situation is.." he whispered. Naramdaman ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko nang sabihin n'ya 'yon.
Ang nakikita ko lamang sa mga mata n'ya ay nag uumapaw na saya at pagmamahal.
Hindi s'ya nagbibiro.
Hindi ko mapansin ang ilang kahol sa labas ng pintuan, tanging nasa mga mata n'ya lang ang buong atensyon ko.
Maya maya pa ay bumaba ang tingin n'ya sa mga labi ko at unti unti n'yang inilapit ang mukha n'ya habang mariing nakatitig roon.
Napahugot ako ng hininga. Hahalikan n'ya ba ako?! For real?! Hindi na magiging virgin lips ko?!
Wala akong ibang nagawa kundi pumikit at hintayin ang mga labi n'yang lumapat sa labi ko.
Ilang minuto ang nakalipas nang wala akong naramdamang labi na dumikit sa labi ko.
Teka, ang tagal na'man.
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at napansin kong sa iba na nakatingin si Dark.
Nilingon ko ang tinitignan n'ya at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kuya na nakatayo sa harap ng pintuan at may hawak na vase na basag.
Nilipat lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. Nakatitig s'ya ng masama kay Dark.
"A-ah.. Hello Kuya hehe." pag putol ko sa katahimikan. Nag iba kasi ang aura sa loob.
"Tumakbo ako papunta dito kasi narinig ko 'yung tili mo. Akala ko napano kana. Sumunod ka sa'kin Aiko." biglaang sabi ni Kuya na may diin ang pagbigkas ng bawat salita.
"Pero.." pag aalangan ko. Lumingon ako kay Dark at nakita ko ang bahagyang ngiti n'ya sa akin sabay tango.
Wala na akong nagawa at sumunod nalang kay Kuya palabas sa silid na 'yon. Hinatak ko ang kamay ni Dark habang nakasunod kay Kuya.
Kita ko ang paglipat ng tingin ni Kuya sa kamay naming dalawa na magkahawak.
"Tsk." asik n'ya at naunang maglakad.
"Sungit nito."
Naglakad kami sa hallway na 'yon nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.
Maya maya pa ay may naalala ako kaya tumingin ako kay Dark na napatingin din sa akin.
"May naalala ako, kanina noong hinahabol ako nung isang lobo tapos nakita mo ako, bigla kang sumigaw ng 'they are not dogs!' what do you mean by that? Hindi ba mga wolves 'yung humahabol sa'tin?" tanong ko kay Dark. Naagaw namin ang atensyon ni Kuya.
Tumigil sa paglalakad si Dark kaya ganun din ang ginawa na'min ni Kuya. Mukhang naintriga din s'ya sa tanong ko.
"Yes, they are not dogs nor wolves. Those are Hyenas. The somehow looks like dogs pero mas related sila sa mga pusa." sagot ni Dark na s'yang nagpakunot ng noo ko.
"Hyenas? What are those?" tanong ko.
"Hyenas are doglike African mammal with forelimbs that are longer than the hind limbs and an erect mane. Hyenas are noted as scavengers but most are also effective hunters. And they are more dangerous than Wolves." pag papaliwanag n'ya. Hindi ko alam pero nang sabihin n'ya 'yon ay nakaramdam ako ng matinding kaba at takot.
"More dangerous than Wolves?" tanong ni Kuya kay Dark. Tumango tango s'ya.
"They are more capable of eating humans. At ang mga Hyena na nakasalubong ko kanina ay hindi normal. They are like, starving Hyenas.."
"Oo, pansin ko rin. May mga nakasalubong din ako kaninang mga 'yon. Tama ka, mukhang gutom na gutom nga sila." pag sang-ayon ni Kuya sa sinabi ni Dark.
"Hyenas are known to attack humans, especially when food is scarce.." dagdag pa ni Dark na naging dahilan para kumunot ang noo ni Kuya. Nakita ko rin ang pag kuyom ng kamao n'ya.
"Mukhang sinadyang gutumin ang mga hayop na 'yan bago pakawalan. That's why they have no choice but to hunt us down." napalunok ako sa sinabi ni Kuya. Nanginig ng bahagya ang mga kamay ko ngunit nabawasan ang kaba ko nang maramdaman ang kamay ni Dark na humawak doon.
Napatingin na'man doon si Kuya at umismid.
"Maghanap nalang muna tayo ng pansamantalang matataguan. Hindi tayo pwede gumamit ng kung anong armas. Buti nalang kanina nakakita ako ng vase, kung 'di ako dumating baka nalapa na kayong dalawa kiss kiss pang nalalaman.." nakunot ang noo ko nang hindi maintindiha ang huling mga salitang sinabi ni Kuya.
"Anong sabi mo? Hindi ko naintindihan." tanong ko sa kan'ya. Narinig ko na'mang bumungisngis si Dark sa gilid ko kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"Wala! Manahimik ka nalang d'yan." pagsusungit ni Kuya at tumuloy na sa paglalakad.
Tumingin ako kay Dark at tinaasan s'ya ng kilay.
"Ano yun?" tanong ko sa kan'ya. Nagbabakasakaling sasabihin n'ya pero tumikom lang s'ya ng bibig. Inismidan ko s'ya.
Napaka ano nitong dalawang ito!
Habang naglalakad ay napahinto si Kuya kaya napahinto rin kaming dalawa ni Dark.
"Bakit ka-"
"Shhh" pagpigil ni Kuya sa pagsasalita ko. Dinungaw ko ang tinitignan n'ya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa harapan na'min.
Napatakip ako sa bibig ko at naduwal.
Ano ang nasa harapan na'min? Isang may kalakihang Hyena na nag p-pyesta sa mga laman loob.
Kaninong laman loob? 'Yung laman loob ni Paulo.
Kalat kalat na ang lahat ng parte ng katawan ni Paulo sa malamig na sahig habang nilalasap 'yon ng hayop na nakatalikod sa direksyon na'min.
Sumenyas sa'min si Kuya na huwag kaming maingay kaya kahit na gustong gusto ko nang sumigaw at tumili ay pinigilan ko ang sarili ko.
Halos buto nalang ang natitira pero nalaman kong kay Paulo 'yon dahil ang ulo n'ya ay naroon sa gilid ng hayop na lumalapa sa katawan n'ya.
Kung hindi pa kami aalis dito ngayon ay baka kami na ang isunod!
Kinalabit ni Dark si Kuya dahilan para lumingon s'ya. Tinuro ni Dark 'yung gilid ni kuya at nakakita kami ng isang kwarto doon.
Dahan dahan kaming humakbang papasok doon at nang makapasok ay naghanap ng pwedeng pag taguan.
Hindi na'min pwedeng isara ang pintuan dito dahil isa 'yon sa patakaran ng game master sa larong 'to ngayong araw.
"Dito nalang muna tayo, mag palipas ng oras. Baka na'man mamaya umalis din 'yang hayop na 'yan sa labas." mahinang bulong ni Kuya sa amin. Tumango tango ako dahil wala naman akong naisip na ibang paraan.
"Ano 'yan?" dinig kong tanong ni Kuya. Tinignan ko 'yung tinitignan n'ya at napansin kong nakatingin s'ya sa isang braso ni Dark na s'yang ginamot ko kanina.
"Nakagat s'ya ng isa sa mga 'yon. Hindi na'man masyadong malalim, nagamot ko rin na'man agad. Buti nalang tumigil na rin ang pagdurugo." pagpapaliwanag ko kay Kuya. Napa 'ah' s'ya habang tumatango tango.
Nilipat ko ang tingin ko kay Dark.
"Masakit pa ba?" tanong ko sa kan'ya. Ngumiti s'ya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
"Hindi na masyado, wag ka nang mag alala sa akin. I'm fine, this is just a scratch." sabi n'ya at mas lalong ngumiti.
Kitang kita ko ang dimple n'ya nang ngumiti s'ya.
Ang gwapo talaga nitong lalaking 'to.
"Tsk." napatingin ako kay Kuya at tinaasan s'ya ng kilay.
"Napaka bitter mo! Manahimik ka na nga lang d'yan kung hindi itutulak kita palabas dito." pagtataray ko sa kan'ya.
Nanahimik na'man s'ya at humiga nalang sa sahig habang ang palad n'ya ay ginawa n'yang unan.
Maya maya pa ay hinawakan ni Dark 'yong ulo ko at bahagyang inalalay sa balikat n'ya.
Ipinatong n'ya na'man ang ulo n'ya sa ulo ko habang nakahiga sa balikat n'ya. Pinag saklop n'ya rin ang mga daliri na'min at nang lumingon ako sa kan'ya ay nakapikit na s'ya.
Napangiti ako.
Sana lang malampasan na'min 'tong araw na 'to nang walang nasasaktan ng malubha sa'min.
**
Ilang oras na kaming nandidito. Napadilat ako nang makarinig ng mga yabag ng paa.
"Shhh." napansin din siguro ni Dark 'yon kaya tumayo s'ya.
"Baka mamaya kung sino 'yun. Ako nalang ang titingin." pag mamatapang ko. Nginitian n'ya na'man ako bago nagsalita.
"I will protect you.." sabi n'ya sabay lakad papalapit sa tunog na narinig na'min.
Napaigtad ako nang makita si Lili na hingal na hingal na napahawak kay Dark.
"T-tulungan n'yo ako." nauutal n'yang sabi. Tumayo ako at inalalayan s'yang umupo.
Naalimpungatan si Kuya kaya napadilat s'ya at napakunot ang noo nang makita kung sino ang nasa harapan n'ya ngayon.
"H-hinahabol ako n-ng isa sa k-kanila." paputol putol n'yang sabi.
"Wala kaming tubig dito kaya kumalma ka muna bago ka mag salita para hindi ka mahirapan sa pag hinga." Sabi ko sa kan'ya. Alam ko kung gaano kahirap mag salita habang hinihingal kaya nag suhestyon ako.
Sinunod n'ya na'man 'yon at maya maya pa ay nakahinga na s'ya ng maayos.
"N-nagtatago ako kanina tapos may nakita akong dalawa malaking parang aso sa daan. Tapos.. tapos may kinakain s'yang kung ano. Pag tingin ko.. si si Riley 'yung kinakain nung dambuhalang aso na 'yon. Kita ko 'yung suit na suot n'ya at walang habas s'yang nilalapa ng mga hayop na 'yon." manginig nginig n'yang kwento sa amin.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Sigurado ka bang katawan ni Riley 'yung nakita mo?" tanong ko. Tumango s'ya ng sunod sunod. Seryoso nga s'ya.
"Una, katawan ni Paulo. Ngayon na'man katawan ni Riley? Anong kagaguhan ang pinaggagawa ng game master?!" inis kong tanong.
"T-teka, katawan ni Paulo?" takang tanong ni Lili.
Tumango tango ako. "Oo, nakita rin na'min d'yan sa labas kanina. May isa ring ganoon ang kumakain sa katawan ni Paulo." pag amin ko sa kan'ya. Umusbong ang matinding takot sa mukha ni Lili.
"Kung dalawang katawan na ng mga kasamahan natin ang nakitang nilalapa ng mga 'yon, ibig sabihin ba nito hindi inililibing ng maayos ng game master ang mga bangkay ng mga napapatay?" may galit na tanong ko.
"Mukhang ganoon na nga." sagot na'man ni Kuya sa akin.
"Pero tanong ko lang, paano ka nakapunta rito?" kuryosong tanong ni Kuya kay Ayumi. Natigilan si Lili bago ito nagsalita.
"N-napadaan lang. Naghahanap kasi ako ng matataguan tapos 'yung ibang mga kwarto ay may mga aso. Ito lang ang napansin kong wala pa." sagot n'ya. Napakunot ang noo ni Kuya bago tumingin sa'min.
"Wala kang nakitang hayop sa labas?" tanong pa ni Kuya sa kan'ya.
"Meron. Pero tulog 'yon kaya dahan dahan akong pumasok dito. Kaya n'yo siguro narinig 'yung mga yabag ko dahil may suot akong maingay na sapatos." pag amin n'ya sa amin.
Tinignan ko na'man ang mga paa n'ya at nakitang meron nga s'yang suot suot.
"Ahhh.." pag sang ayon ni Kuya pero ramdam ko ang pag hihinala sa mga boses n'ya.
Nginitian ko s'ya.
"Hayaan mo 'yan si Kuya ganyan talaga 'yan, akala mo pinaglihi sa sama ng loob." sabi ko kay Lili. Napangiti na'man ito.
"Hoy! Kambal kaya kita! Kung pinaglihi ako sa sama ng loob, ano pa ikaw?" singhal sa'kin ni Kuya. Tinarayan ko nalang s'ya at tinignan si Lili na ngayon ay mukhang ayos na'man na.
DARK'S POV (WHITE)
I'm currently staring at this girl's smiling face. I don't know, but I feel something off about her.
Or is it just my imaginations?
Aki turned to me and nodded simply. He noticed it too.
Lili, who are you?