The event
AIKO'S POV
"Listen up, players." panimulang sabi ng Game master mula sa speaker.
Umaga na. Actually, 5:30 AM in the morning at ito ang bumungad sa aming lahat. Ito ang nagpagising sa amin at sa mga diwa ng bawat isa.
The event the Game master is pertaining to yesterday will now occur.
"So this is the day of my event. Hide and Seek." nakakalokong sabi n'ya.
Nagkukusot kusot pa ako ng mata habang nakikinig sa kan'ya at napadilat talaga ako ng malaki nang marinig 'yung sinabi n'yang Hide and Seek.
Yeah. Hide and seek, tapos buhay na'min nakataya.
Great, just great.
"As I've said yesterday, you don't need your suits for this day's event. You don't also need weapons, sharp weapons. That is not necessary. I don't want you to hurt my pets." dagdag n'ya pa na mas lalong nagpa-kaba sa'kin.
Papahabol kami sa mga aso tapos hindi kami allowed gumamit ng armas to fight back?
Buti sana kung normal na aso lang 'yung gagamitin n'ya. Alam kong 'yung tinutukoy n'yang aso ay wild kind of dogs which is like the wolf we saw on the yard before.
"The game will last 24 hours and the only thing you'll do is to hide and survive till the event is done, is that clear?" tanong n'ya na as if na'mang may sasagot sa kan'ya.
"Hope that's clear. Prepare now and few minutes later, the game will start. I-aannounce ko kapag papakawalan na ng mga tauhan ko ang mga mahal kong mga alaga. Ciao!" sabi nito bago mawala ang boses n'ya sa speaker.
Napahawak ako sa dibdib ko nang magsimula 'yong tumibok ng malakas at nang makaramdam ako ng matinding kaba.
Simula pagkabata ko takot na ako sa mga aso. Paano ako makakalagpas sa larong 'to?
Napatingin ako sa orasan at nakitang 5:40 na ng umaga.
Dapat na siguro akong maghanda.
Tumayo ako at kumuha ng damit sa closet. Since hindi na na'min kakailanganin 'yung suit ngayong araw, siguro komportableng damit nalang ang susuotin ko para makakilos ako ng maayos at mabilis makatakbo kung kinakailangan.
Kumuha ako ng isang leather high waist shorts at isang racer back croptop. With this outfit, I can move freely and easily.
Kumuha din ako ng Thigh Gun Holster at kinabit 'yon sa kaliwang hita ko.
Although hindi baril ang ilalagay ko doon kundi pepper spray, a pack of match and a bottle with gas in it.
Nilagay ko 'yon lahat sa iisang lagayan lang bago 'yon nilagay sa Thigh Holster na nasa hita ko.
Kung tama ang hinala ko na mga lobo ang hahabol sa'min, I can use fire for them to not go near me.
Wolves are afraid of flames after all.
How do I know that? Simple. I love watching Nat Geo Wild at napakita 'yon doon dati.
Tumayo ako sa harapan ng malaking salamin sa loob ng walk in closet ng kwarto ko at pinasadahan ang buong katawan ko.
Yeah, I look good in these. Mukha akong female secret agent, lol.
Naagaw ang atensyon ko ng speaker nang biglang tumunog 'yon.
"I think all of you are already ready for my event. I'll unleash my pets once all of you got out of your rooms." bungad ng game master.
Naglakad na ako papalabas ng kwarto at nag antay lang doon.
"Looks like all of you are all out. Here are my pets, want to hear how excited they are?" tanong nito sa'min. Maya maya ay nakarinig kami ng hindi mabilang na tahol galing sa speaker.
How many are those?
"Sa tingin ko naiintriga na kayo kung ilan ang papakawalan ko para sa event na 'to. Konti lang na'man, I'll unleash 15 of them. Think you can handle them? I think so." nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon.
15?! or should I say wolves?! What the f**k!
"They're pretty excited HAHAHA. Okay, I'll unleash them now. In 1, 2... 3." nang sabihin 'yon ng game master ay nakarinig ako ng malakas na kalabog na parang tunog ng mga kadena.
Nagsimula na na'mang umusbong ang kaba at takot sa dibdib ko.
Narinig ko ang tunog ng mga tahol sa di kalayuan kaya walang ano ano pa ay tumakbo na ako at naghanap ng pwedeng pagtataguan.
Mas lalong lumalakas ang mga tahol kaya mas binilisan ko rin ang pagtakbo ko.
Lahat ng mga silid dito sa mansyon na 'to ay nakabukas. Kaya kahit saan dito ay pwedeng pagtaguan.
Umakyat ako nang makakita ng isang hagdanan. Siguro papunta 'to sa 3rd floor kung saan located ang room ng boys.
Pagkatapak ko don ay napatakip ako sa bibig ko nang mapansin ang mabalahibong itim na lobo na nakatalikod hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Shit! Anong gagawin ko nito?! Isang maling galaw, malalapa ako!
Lumingon ako sa kaliwa ko at napansin ang isang daan. Tinignan ko ang lobo na mukhang abala sa kung ano man ang kinukotkot sa isang kwarto.
Siguro may tao roon, nakabukas ng bahagya 'yung pinto noon at mukhang may isang player na nagtatago doon.
Dahan dahan akong humakbang papunta sa kaliwa ko. Hindi pwedeng nakaestatwa lang ako dito.
Humakbang ako ng paisa isa, sinusubukang hindi makagawa ng kahit na anong tunog habang hindi pa rin inaallis ang tingin sa lobo.
Napatigil ako nang makarinig ng pagkabasag ng isang bagay. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ang isang vase na ngayon ay nakalapag na sa sahig at basag basag.
I'm doomed!
Binalik ko ang tingin ko sa lobo at nakatingin na 'yon sa akin. Walang ano ano pa ay tumakbo ako ng pagkabilis bilis dahilan para habulin ako ng lobo.
Tumakbo ako ng sobrang bilis. Nakakita ako ng isa pang daan hindi na ako nag isip pa at doon pumunta.
Hingal na hingal akong napatigil nang maharap ang pader sa dulo ng hallway.
Kinabahan ako nang makarinig ng alulong sa di kalayuan.
Dahan dahan akong lumingon at nakita ang lobo na humahabol sa akin. Naglalaway ito at ang sama ng tingin. Isang may kalakihang itim na lobo.
Napalunok ako sa sobrang takot at ramdam na ramdam ko 'yung panginginig ng mga kamay ko. Namuo rin unti unti ang mga butil ng pawis sa noo ko.
Nagtitigan kami ng lobong 'yon. Hindi ako gumalaw kahit na konti at ganun din ang ginawa nito.
"Aiko! Here!" napatingin ako sa kanan ko at nakita si Dark na nakalahad ang kamay sa akin ngunit hindi ako gumalaw.
"Hurry! They are not dogs!" sigaw n'ya sa'kin dahilan para marinig 'yon ng lobo at tumakbo papalapit sa direksyon ko ang itim na lobo na 'yon.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at hinawakan na ang palad ni Dark na nakalahad sa'kin.
Hinarang na'min ang isang malaking kabinet.
Rinig na rinig ang kalabog ng kabinet na hinarang na'min na mukhang sinusubukang alisin o sirain ng lobo na 'yon.
Pumasok kami sa isang silid sa loob ng kwarto na 'to at napagtantong palikuran 'yon.
Hangos hangos ako habang nakahawak sa dibdib ko. Muntik na 'yon.
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Dark sa harapan ko na nakatago ng bahagya ang isang braso.
Napakunot ang noo ko nang mapansin 'yon. What is he hiding?
"Ano 'yan? Bakit tinatago mo 'yung braso mo?" tanong ko agad sa kan'ya nang mapansin 'yon.
Napatingin s'ya sa'kin. "W-wala 'to." nauutal na sagot n'ya.
Kita ko ang pamamawis ng noo n'ya at ang pag tiim bagang n'ya.
"Hindi ako naniniwala." pag amin ko. Tinignan ko ang likod n'ya at napansin sa sahig na may tumutulong dugo mula roon.
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan s'ya.
"Nakagat ka?!" malakas na tanong ko. Kinuha ko 'yung nakatago n'yang braso at nakita ang isang malaking kagat doon. Punong puno ng dugo ang kaliwang braso n'ya na dumadaloy pababa sa palad n'ya.
"Ouch.." Napatingin ako sa kan'ya nang marinig ang pag inda n'ya. Doon ko lang napagtanto na nahila ko ang braso n'ya.
Napaka haras ko talaga.
"S-sorry." mahinang sambit ko. Hinawakan ko ng dahan dahan ang braso n'ya at tinignan ko ang sugat na naroroon.
Napangiwi ako nang makitang malalim 'yon.
"Bakit ka ba nakagat? 'Yung humahabol ba sa'kin 'yung nakakagat sa'yo?" tanong ko sa kan'ya.
Ilang segundo ang nakalipas na hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kan'ya kaya tinignan ko s'ya sa mukha.
Nakatingin lang din s'ya sa'kin. Unti unting namula ang pisngi ko at umiwas ako ng tingin.
I heard him chuckled. Bakit pati pag hagikhik n'ya ang gwapo?
"I'm fine Aiko, it's just a bite." sagot n'ya sa tanong ko. Nakaramdam ako ng inis.
"Anong 'it's just a bite' ka d'yan? Ang laki kaya ng sugat oh! Mukha pang malalim! Wag mo akong ini-english english d'yan!" singhal ko sa kan'ya.
Napansin kong nakangiwi s'ya sa sakit at napatingin ako sa braso n'ya.
Napahigpit pala ang hawak ko doon at naibaba 'yon bigla.
"Ay! Sorry!"
"Ouch!" malakas na inda n'ya ng bigla ko 'yong bitawan.
Napangiwi ako at nag peace sign sa kan'ya. He patted my head at ginuo ang buhok ko.
"Silly. Totoo sinasabi ko, I am fine. Nailayo ko agad 'yung braso ko bago pa man mas lalong lumalim 'yung kagat. This is nothing." pagpupumilit n'ya. Tinignan ko s'ya ng masama at nilibot ang tingin sa banyo.
Nakakita ako ng maliit na parang kabinet doon at pagbukas ko ay nakakita ako ng isang medicine kit.
Right on time.
"Hugasan muna natin 'yung sugat mo bago ko gamutin." tumango tango s'ya sa sinabi ko at hinugasan ang sugat n'ya sa sink.
Inalalayan ko na'man s'yang gawin 'yon.
"Hand over your arm. Put it in my lap." pag utos ko sa kan'ya matapos na'ming mahugasan ang sugat n'ya.
Sinunod na'man n'ya 'yon at dahan dahang ipinatong ang braso n'yang may sugat sa ibabaw ng hita ko.
Sinimulan ko 'yong gamutin. Ramdam ko 'yung mga titig n'ya sa akin habang ginagawa 'yon pero mas pinagtuunan ko ng pansin 'yung pag gamot sugat n'ya.
"Bakit ka ba kasi nakagat?" tanong ko.
"I saw Yellow getting chased by a wolf. I tried helping. I didn't know the wolf is about to bite. I just realized it when it already bit me." pag papaliwanag n'ya sa'kin.
Tumango tango ako at tinuloy na ang pag gamot sa sugat n'ya.
"I like your outfit." pag puputol n'ya sa katahimikan. Bahagya akong kinilig pero hindi ko pinahalata sa kan'ya.
"Thank you.." sabi n'ya pagkatapos kong balutan ng bandage 'yung sugat n'ya.
"You're welcome." sabi ko pabalik. Nagkatitigan kaming dalawa.
Ako na ang unang nag iwas ng tingin. Para akong nalulunod kapag nakatitig ako sa mga mata n'ya.
"Wala na siguro 'yung lobo sa labas. Tignan kaya natin?" suhestyon ko sa kan'ya.
"Hmm, okay." tumayo s'ya at binuksan ang pintuan gamit ang kanang kamay n'ya.
Lumabas kaming dalawa sa loob ng palikuran at napansing wala ng ingay kaming naririnig.
Baka wala na 'yung lobo sa labas.
Nauna akong naglakad at lumapit sa kabinet na hinarang na'min at sumilip.
"Ahhh!" sigaw ko nang may tumulak sa kabinet na nakaharang.
"Aiko!" Hinatak ako ni Dark dahilan para masubsob ako sa dibdib n'ya.
Inangat ko ang tingin ko at nakitang nakatingin din s'ya sa'kin habang namumungay ang mga mata.
"We're in the middle of a chaos, death surrounds us. But I never felt fear." he smiled. I can see the over-flowing emotion on his eyes.
The next words that came out of his mouth left me breathless.
"As long as I'm with you, I don't care how dangerous the situation is.."