AKI'S POV "Aki! Akihiro!" nagtaka ako nang nagising akong nasa harapan ko si Ate at umiiyak iyak. Nagkusot kusot ako ng mata at pilit inaaninag ang mukha n'ya. Nakatulog pala ako matapos mag drama at umiyak iyak kagabi. "Akihiro!" umiiyak si Ate Liz na niyuyugyog yugyog ang balikat ko. "T-teka nga! Ano ba 'yun?" may halong inis na tanong ko sa kan'ya. Hindi pa rin s'ya tumitigil sa pag iyak. "Y-yung.. yung." hindi n'ya matuloy tuloy 'yung sasabihin n'ya kasi puro s'ya hikbi. Napabuntong hininga ako ng malakas. Kahit kailan talaga 'to si Ate. "Yung alin? Kumalma ka kasi muna saka ka magsalita, nabubuang ako sa'yo eh." inis na sabi ko sa kan'ya. Huminga s'ya ng malalim ng paulit ulit at bumubuga buga ng hangin hanggang sa napansin kong hindi na s'ya masyadong umiiyak. "Yan, s

