AIKO'S POV "Alalahanin mo 'yung mga sinabi ko." sabi n'ya habang nakatayo sa tabi ng pintuan. Nakaupo lang ako sa dulo ng kama. Kadarating lang na'min dito sa kwarto ko galing doon sa kakaibang auction na 'yon. "And eat up, mukha ka ng tingting na paulit ulit hinasa." napatingin ako sa kan'ya nang sabihin n'ya 'yon. Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin na parang wala lang namang epekto sa kan'ya. Bwisit talaga 'tong robot na 'to. Lumabas na s'ya at sinara na ang pintuan. Binalingan ko na'man ang tray ng pagkain sa harap ko. Kung tutuusin mukha namang masarap na'man 'tong nakahain sa harapan ko. Ginalaw ko 'yung pagkain ko gamit ang tinidor na nandoon. Pero kahit mukhang masarap 'to, ayokong kumain. Wala talaga akong gana. Tapos nalait pa ako nung pesteng robot na 'yon. Sarap

