AIKO'S POV Halos kilabutan ako habang nakikita kung paano amoy amuyin nung lalaking nanalo 'yung halos buong katawan nung babae. "Ganito ba talaga dito?" hindi ko napigilang itanong kay Pro 1 nang hindi tumitingin sa kan'ya. Ilang segundo nakalipas bago s'ya sumagot. Late receive talaga 'tong robot na 'to. "You haven't seen nothing yet. Wala pa 'yan sa iba pang mga nangyayari dito sa lugar na 'to. You still have a lot to see." pagpapaliwanag n'ya. Mas lalo akong nagkaroon ng kagustuhang malaman lahat ng sikreto tungkol sa lugar na 'to dahil sa sinabi ni Pro 1 sa akin. "Basta tandaan mo sinabi ko sa'yo, wag mong hahayaang kainin ka ng kuryosidad na umuusbong sa sarili mo." dagdag n'ya pa na dahilan para mapatitig ako sa kan'ya. Umiwas ako ng tingin nang tignan n'ya rin ako pabali

