AIKO'S POV Pagkagising na pagkagising ay bumungad agad sa akin ang spider lily na binigay sa akin ni Pierce. "Good morning, love.." mahinang sabi ko na animo'y nandito s'ya kasama ko. Ngumiti ako at the same time nalungkot. I will never stop wishing for you to be by my side once again. "Aiko? Gumising ka na nandito na si Ashanti kanina ka pa inaantay." napalingon ako sa bandang pintuan nang marinig ang boses ni Ate Liz. Oo nga pala, may plano kaming lakad ni Shanti. Nakalimutan ko. Warla nanaman ako doon. "Bababa na." may kalakasan kong sabi kay Ate bago tumayo sa kinahihigaan ko. Nag ayos ba ako ng pinaghigaan at naligo bago bumaba. Nakasalubong ko si Kuya sa hagdan. Nginitian n'ya ako kaya ginantihan ko rin s'ya ng ngiti. Gaya ng sabi ko, hindi lang kami kagaya ng dati p

