AIKO'S POV "Isa nanamang katawan ng 29 anyos na babae ang natagpuang patay sa isang talahiban sa *****." Napatigil ako sa pagsimsim ng kape nang marinig ang balita sa TV. Nandito ako ngayon sa trabaho, break time ko nang marinig ko 'yung balita. Isa nanamang babae ang patay? Dumadami na ang naririnig kong balita tungkol sa mga babaeng pinapatay ah. Dati hindi na'man gan'to dito sa lugar na 'to, recently lang 'yang mga pagpatay na nagaganap. Which are pretty disturbing dahil mga babae ang halos na nababalitang natatagpuang patay sa kung saan. And buti sana kung pinatay lang, kaso hindi eh. All of them we're killed in the most brutal way as possible. "Ang babae ay tuklap din ang balat sa mukha pati na rin ang buhok nito ay nawawala sa kan'yang katawan. Iisang tao nga lang ba tal

