AKI'S POV "Nakita n'yo ba kung sino ang pumatay sa biktima?" Nakatulala lang ako sa kawalan habang nandito kami sa gilid sa labas ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sumigaw nang sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. Para akong nawalan ng kaluluwa. Nawawalan ako ng ganang kumilos at magsalita. "Sir? Nakita nyo ba kung may malapit sa katawan ng biktima bago n'yo nakita?" Hindi ko maramdaman ang katawan ko, namamanhid ako. Nanginginig ang mga daliri ko at nanlalamig ang buong katawan ko. "Sir? Sir?" natauhan ako at napatingin sa isang police officer na nasa harapan ko. "Hmm.." walang ganang sabi ko. Nakatingin lang sa akin 'yung pulis habang may hawak na ballpen at isang note pad. "A-ah kuya, wag nyo muna po s'yang tanungin." nakita kong napatingin 'yung police

