AKI'S POV "May nakita ba kayong babaeng ganito ang itsura dito na naglalakad kagabi ng mga madaling araw?" tanong ko sa isang manong sabay pakita ng larawan ni Aiko. "Ay, ijo wala eh." kamot ulong sabi ng manong. Ngumiti ako ng pilit sa kan'ya. "Ganun ho ba, sige ho salamat." tumango tango ang manong bago nagtuloy sa paglalakad. Napatingin ako kay Ate Liz nang lumapit s'ya sa akin. "Ano? May nakuha ka ba kahit konting lead manlang?" tanong ko sa kan'ya. Umiling iling s'ya sa akin. "Lahat ng pinagtatanungan ko parehas lang ang sinasabi eh. Wala daw silang nakikita o napapansin." matapos n'yang sabihin 'yon ay huminga s'ya ng malalim. Tinignan ko ang litrato ni Aiko na nasa kamay ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko doon. Nasaan ka na ba Aiko? "So, ang unang step ay palpak. Pangal

