AIKO'S POV Inantay ko lang s'ya na matapos sa kakahanap ng mga damit na 'yon habang nakaupo sa kama. Ayaw kasi talaga n'ya papigil. Sabi ko kahit ako nalang ang maghanap, pero pinagpipilitan nito na pangit daw ang taste ko sa damit. Sabihin n'yo nga sa'kin, ano anong mga gamit kailangan ko para gawing bilog na bakal 'tong robot na 'to? Maya maya pa ay natigil na s'ya sa paghahalungkat at isa isang nilapag sa gilid ng kama ang mga outfits na napili n'ya. Tumaas ang dalawang kilay ko nang makita ang mga 'yon. "Infairness ah, magaganda ang mga napili mong mga style." pagpuri ko sa kan'ya nang mailapag n'ya ang lahat ng parehas ng mga damit na 'yon. Maging ang mga footwear na bagay sa outfit na napili n'ya mayroon na din. Tumingin s'ya sa akin bago nagsalita. "Ikaw lang na'man ang

