AIKO'S POV Ilang oras na ata ako dito sa loob ng kwarto na 'to na walang ibang ginawa kundi tumunganga sa kisame at gumulong gulong sa kama. Palipat lipat lang ako ng pwesto. Nakatihaya, mamaya nakatagilid na, tapos nakadapa, etc. Wala akong maisip na gawin. Hindi rin na'man ako makaramdam ng gutom o kahit ano. Ang nasa utak ko nalang ngayon ay paano ko susubukang hanapin si Shanti dito sa lugar na 'to, kung nandito man s'ya. At ang isa na'man ay kung ano ano ang mga sikretong nakakubli sa lugar na 'to. Maya maya pa ay napako ang tingin ko sa TV na nandito sa kwartong tinutuluyan ko. Teka, gumagana kaya 'to? Kinuha ko 'yung cellphone ko na pinatong ko kanina sa side table at binuhay 'yon. Wala pa rin signal hanggang ngayon. Mukhang hindi na talaga magkakaroon ng signal dito.

