AIKO'S POV This really feels like Deja Vu. Nakahiga lang ako sa kama dito sa kwartong tinutuluyan ko habang nakatitig lang sa kisame. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala 'yung mga nangyari limang taon na ang nakakaraan. Kung saan ko nakilala ang lalaking nakapagpatibok ng puso ko. Sa lugar din na nakilala ko s'ya, doon rin sa lugar na 'yon s'ya nawala. Nagpasya ako na tignan kung may mga magagamit ba ako dito sa loob ng kwarto na 'to. Sana na'man may mga damit dito na pwede kong magamit. Although, wala na'man talaga akong plano na magtagal dito. Still, kailangan ko pa din ng mga gamit. Naglakad ako papalapit sa isa sa mga pintuan na nandito sa loob ng kwarto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang bath tub, shower, sink at iba pang kagamitan na matatagpuan sa isang com

