AIKO'S POV Tumingin ako sa itim at lumang gusali na nasa harapan ko. Ito na ba 'yon? Yung abandonadong hospital? Tumingin tingin ako sa kaliwa't kanan ko. Bakit naging dito na 'yung location nitong hospital na 'to? I mean, ang alam ko ang paligid nito ay mga bahay bahay. Pero ngayon ni isang bahay sa paligid nito wala akong makita. Ano 'yun na-demolish lahat ng bahay na 'yon? Imposible na'man atang mangyari 'yon. Inilabas ko 'yung cellphone ko at nag tipa ng mensahe na ise-send ko doon sa taong nakakausap ko at nagpapunta sa akin dito. "Ito na ba 'yon?" yan ang mga salitang sinabi ko sa text. Maya maya pa ay nakita ko na na nagtitipa na s'ya ng reply. "Walk inside." Napatikom ako ng bibig ko. Gusto n'yang pumasok ako dito? Paano kung may biglang bumungad sa akin na mamamatay tao

