AIKO'S POV Tahimik akong naglakad papalabas ng kwarto. Sumilip silip pa ako sa baba, baka nandoon pa si Kuya nanonood ng kung anong pelikula. Nakahinga ako ng malalim nang wala akong makitang anino ni Kuya sa sala. Mukhang tulog na nga silang dalawa ni Ate Liz. Buti nalang talaga hindi nila naisipan na magpakabit ng CCTV camera dito sa bahay. Walang sagabal sa pagtakas ko. Lumabas na ako kaagad ng bahay at sinuot ang hoody ko. Mahirap na baka may makakita pang kung sino sa akin dito. Nilabas ko ang cellphone ko at sinearch ang pangalan ng abandonadong hospital na kailangan kong puntahan. Nagtaka ako nang walang lumabas na direksyon noong sinearch ko 'yon. Luh, bakit walang lumalabas? May data na'man ako. Dapat lalabas na 'yon kaagad pag sinearch ko. Inulit ko pa ng ilang be

