SOMEONE'S POV
I was in so shock. Nang makita ko 'yon ay nanlalaki ang aking mga mata. I am the impostor and yet someone is making a move on killing the participants of the game.
Clearly, may isang taong gumagawa ng dapat ay gawain ko.
I should be happy right? Magandang bagay ito para sa'kin para hindi na madumihan pa lalo 'yung mga kamay ko sa pagpatay.
But why do I feel so mad and worried at the same time?
Naiinis ako dahil paano kung tuloy tuloy n'yang gawin 'yon, kung sino man 'yung taong gumagawa no'n.
The more people he/she'll kill, the more chances he/she can have to actually harm the twins!
And that is the only thing that worries me. I cannot let that happen!
I must know who that person is before he/she could lay a finger on them.
Nauna na akong umalis at natural na natural lang na naglakad papalayo sa scene na 'yon.
I need a hint, just a hint. I can't waste a lot of time before I got a chance to know the culprit.
Naikuyom ko ang mga palad ko habang may pwersang naglalakad papunta sa security room.
I know the game master already knows who the culprit is pero alam kong hinding hindi n'ya sasabihin sa'kin kung sino 'yon.
Ganoon s'ya kamapaglaro. The Game Master really suits him.
This is what he wanted since the very beginning, to manipulate every single one of us.
Nang nasa hallway na ako ay napansin ko kaagad ang mga nagkalat na patak ng pulang likido sa sahig.
Is that a blood?
Sinundan ko ng tingin ang mga patak ng dugo na 'yon at nakita kong marami rami ang dinaanan noon.
Naglakad ako habang sinusundan 'yon at dinala ako no'n sa harap ng kwarto ko mismo.
Kumunot ang noo ko, did someone bust in here without my consent? Without me actually knowing it?
Sa pagkakaalam ko may alarm 'tong kwarto ko na matatransmit directly sa'kin once na may nagtangkang pumasok dito, that's one of the benefits of being the impostor.
Inangat ko ang kanang kamay ko at inihawak sa door knob ng pinto ng kwarto ko. Unti unti ko 'yong pinihit.
Bumungad sa'kin ang madilim na kwarto ngunit may napansin kaagad ako.
It smells like fish in here, malansa.
Tumingin ako sa paanan ko at oo, dito nga ang karugtong ng mga patak ng dugo, sa loob ng kwarto ko.
I turned on the swith of the lights at nakita ko kaagad ang pinanggalingan ng dugong kanina ko pa sinusundan.
It's Paulo's head, one of the participants of the game.
As I examined his face, nakalabas ang dila n'ya at diretso ang tingin sa'kin. Ang ipinagtataka ko lang ay wala 'yung isa sa mga mata n'ya.
Tumingin ako sa baba sa sahig ng kwarto ko, wala na'man doon 'yung nawawala n'yang mata. Saan napunta 'yun?
Ang katawan na natagpuan sa kusina ay walang ulo so I think the body we found is the body of Paulo. So, Paulo is purple.
Dead/s:
Riley
Andrew
Paulo
3 people are dead, 7 of us are left.
Naikuyom ko ang magkabilang palad ko nang makitang nagkalat ang dugo sa loob ng kwarto ko.
Nangangamoy malansang ewan na rin dito kaya mas lalo akong nainis.
Inilipat ko ang tingin ko sa screen ng TV dito sa kwarto ko at napansin ko na may mga salitang nakasulat doon.
I KNOW WHO YOU ARE
'Yun ang mga salitang nakasulat doon, and it's written using blood. I think that's the blood of the head in front of me. 'Yun siguro ang ginamit ng nagsulat noon dito.
Napairap ako sa hangin, pretty corny.
Masyado nang cliché, wala na ba s'yang maisip na ibang panakot sa'kin? Masyado nang old fashioned ang ginawa n'ya, ilang beses ko na 'yang nakita sa mga iba't ibang horror movies na napanood ko. Pretty cheap.
booogsh
Napalingon ako nang makarinig ako ng nabagsak na bagay sa likod ko. Nakita ko si Yellow na nakatayo sa habal ng pintuan.
Tumingin ako sa paanan n'ya at napansin ang isang basag na baso. 'Yun ata 'yung narinig kong tumunog.
Nilipat kong muli ang tingin ko sa ulong nakita ko sa kwarto ko at doon ko napagtanto bakit ganoon ang naging akto ni Yellow.
Oh right, he/she just saw a chopped head in front of her with lots of blood spreading throughout my room.
I pointed out the screen of my TV and he/she looked at it. Mukha kasing iniisip n'ya na ako ang may gawa kaya pinakita ko sa kan'ya 'yung nakita kong sulat sa screen ng TV ko.
Kumunot ang noo ko nang pinulot n'ya ng mabilisan ang mga nagkalat na bubog na galing sa basong naibagsak n'ya.
I can tell easily base on her actions just now that she's a girl. Yellow is a girl.
Kumaripas s'ya ng takbo pagkapulot na pagkapulot sa mga bubog.
Ibinalik ko ang tingin sa loob ng kwarto ko at pinindot ko ang isang button sa gilid ko na magtatawag ng pwedeng maglinis ng mga kalat na 'to.
If I will analyze it, there are 10 players all in all. 3 are dead, 1 girl and 2 boys. Orange, Green and Purple.
So, there are 4 girls and 3 boys left. I, Pink is a girl, Black which is Aiko is a girl, Yellow is a girl, Red is also a girl, and Blue which is Aki is a boy. The players left that I have no idea what gender is are: White and Brown.
If Riley, Aiko, and Me are Orange, Black and Pink. The two girls that are left which are Yellow and Red could probably be Carla and Ayumi.
That's 5 girls.
And if Andrew, Paulo, Aki are Green, Purple and Blue. So basically, White and Brown are the rest of the boys.
That's 5 boys.
A total of 10 players. Ang hindi ko nalang alam ay kung ano exactly pangalan ng mga taong under ng ibang mga colors.
Maya maya pa ay nagdatingan na ang mga naka-puting suit na maglilinis ng kalat na iniwan ng taong 'yon dito. Sino ba kasi talaga 'yung may gawa nito? What is his/her motive of doing this?
He/she also left a message inside my room written in blood saying: I KNOW WHO YOU ARE.
Does that mean that person actually knows that I am the impostor?
This is bad. I have to know who that is and get rid of him/her as soon as possible.
This is not yet the time for my mask to be revealed.
**
AIKO'S POV
Lakad takbo ako papalayo kay Red na nalaman kong si Carla nga.
What I just saw terrifies the hell out of me. Nasa bibig n'ya pa 'yung isa sa mga mata ni Paulo! What is she a f*****g psychopath? I can't take it!
Papunta na sana ako sa room ko nang mapansin ko ang mga nakaputing suit na dumadaan sa hallway.
Ano na'man ginagawa nila rito?
Nalipat ang paningin ko sa supot na hawak ng isa sa kanila. May mga dugo dugo pa 'yung supot na 'yon.
Manipis lang 'yung supot ngunit hindi ko maaninag 'yung laman no'n dahil masyadong madilim ang kulay nung supot.
Tumama 'yung supot na 'yon sa isang bulaklak na kung 'di ako nagkakamali ay Rose na nakalagay sa isang vase dito sa hallway. Sumabit 'yung supot at nabutas 'yon.
Nanginig ang buong katawan ko nang bumagsak ang laman ng supot na 'yon at nagpagulong gulong sa sahig.
Ano 'yung nasa loob? Yung ulo ni Paulo na nakita kong hawak hawak ni Carla (Red) kanina.
Nakadila pa rin 'yon at wala na ang isang mata na alam kong na'kay Carla (Red). On her mouth to be specific.
Dali dali 'yong pinulot ng isa sa mga nakaputing suit at nagtuloy na sa paglakad sa hallway.
Naiwan naman ang isa at nilinis ang mga patak ng dugo na nasa sahig.
Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko at naglakad takbo ulit na pumunta sa kwarto ko.
Isinara ko na agad 'yung pintuan nang makapasok ako at sumandal sa likod ng pintuan at dahan dahang napaupo.
Humahangos akong napahawak sa dibdib ko na ngayon ay malakas ang kabog.
Sa sobrang daming nakakadiring bagay na nakita ko ngayong araw, ni hindi ako nakaramdam manlang ng gutom.
Nang kumalma ako ay inalala ko ang mga participants ng larong 'to.
Kumuha ako ng papel at ballpen at ipinatong 'yon sa ibabaw ng hita ko. Nagsimula akong magsulat.
Girls: Aiko, Lili, Carla, Riley, Ayumi
Boys: Aki, Andrew, Paulo, Dark, Eric
Yan ang naisulat ko sa papel. Inalala ko ang mga kulay na naibahagi sa'min ng game master.
Black, White, Blue, Red, Yellow, Green, Purple, Yellow, Pink, Brown.
Yan ang mga kulay na nag representa sa'min.
Kung iisiping mabuti, ang mga players na nakilala ko despite sa suot nilang suit ay:
Brown - Eric
Red - Carla
At ang mga namatay ay sina:
Orange - Riley
Green - Andrew
Purple - Paulo
Kung ako ay Black, at si Kuya (Aki) ay Blue, ibig sabihin tatlong Kulay nalang ang hindi ko pa nakikilala. Which is sina Pink, White at Yellow.
Si Pink na parang walang pakealam sa larong 'to at nakasama ko sa isang kwarto noong unang araw ng laro, si White na hindi ko malaman ang trip at masyadong weird ang inaakto pag kami lang dalawa ang magkasama, at si Yellow na hindi ko maintindihan bakit kami binabantayan at minamatyagan ni Kuya.
Tinignan ko 'yung mga naisulat ko. Napanguso ako, may tatlo pa akong 'di nakikilala.
Si White.. may naiisip na ako na kung sino s'ya pero hindi ko maintindihan.
Kung s'ya nga 'yung inaakala ko, bakit ganoon s'ya umakto? Bakit ang weird n'ya tapos ang sweet n'ya sa'kin? Anong ibig sabihin no'n?
Hindi na'man s'ya 'yung impostor dahil kung s'ya nga 'yon eh sana una palang na nakasama n'ya ako ng kaming dalawa lang ay pinatay n'ya na ako..
Pero.. pwede pa rin na s'ya 'yung impostor. Ginagawa n'ya lang siguro 'yon bilang technique or baka ginagawa n'ya 'yon dahil may feelings s'ya sa'kin? At kahit impostor s'ya ay 'di n'ya ako mapatay dahil may gusto s'ya sa'kin?
Nanlaki 'yung mata ko nang mapagtanto 'yung mga iniisip ko.
Erase erase!
Pero, pwede na'man 'yun 'di ba? May mga taong ganoon na kahit mamamatay tao sila, hindi nila mapatay 'yung taong mga gusto nila.
Although hindi kami mamamatay tao, naipit lang talaga sa sitwasyon na'min.
Hindi ko alam pero nalungkot ako nang maisip na may chance na palabas lang 'yung pinapakita sa'kin ni White, at hindi bukal sa loob n'ya.
Bakit ba 'to ang nararamdaman ko? Am I falling for that person? Dahil lang sa mga pinapakita n'ya sa'kin na hindi na'man malinaw kung bakit n'ya ginagawa?
Ilang araw palang kami dito, pero bakit ganito ang nararamdaman ko. I feel safe when I'm around that person and when I know that he is around me.
Napabuntong hininga ako at pumikit. Masyado akong naiistress. Bukod dahil sa mga nakikita ko, pati na rin sa kakaisip ng kung ano anong mga posibilidad.
knock knock
Napadilat ako nang makarinig ng dalawang magkasunod na katok sa pintuan. Sino na'man kaya 'yon?
Baka si Eric. After all s'ya lang na'man ang nakausap ko ngayong araw na 'to. Baka nagbago na isip n'ya at gusto na sabihin sa'kin 'yung mga hindi n'ya nasabi kaninang magkasama kami.
Tumayo ako at pinihit ang doorknob. Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin si Kuya (Blue).
Hinawakan n'ya 'yung braso ko at hinatak papasok ng kwarto ko. Isinara n'ya at inilock 'yung pintuan bago binitawan 'yung pulsuhan ko na hawak hawak n'ya.
"Aray! Ano ba?! Problema mo ba?!" Singhal ko sa kan'ya habang hinihimas himas ang pulsuhan ko na sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya kanina. Parang gusto pa putulin 'yung braso ko. Kumag 'to.
"Anong 'ano ba'?! Akala mo ba hindi ko nahahalata Aiko ha? Iniiwasan mo ba ako? At anong dahilan?!" singhal na tanong n'ya pabalik sa'kin.
Sumeryoso ako at tinignan s'ya pabalik. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya na may halong inis.
Pinilit kong isineryoso ang ekspresyon ng mukha ko at tumitig pabalik sa kan'ya.
"Hindi mo talaga alam 'yung dahilan? Malamang Aki! Hindi tama 'yun na nag-uusap tayo ng palihim kahit na Kuya pa kita o kambal! Nasa isang laro tayo na may batas na bawal 'yon! Ayoko lang na mapahamak 'yung isa sa'tin.. ayoko." humina 'yung boses ko sa mga huling salitang sinabi ko at yumuko. Naramdaman kong namuo 'yung mga luha sa gilid ng mga mata ko.
Hindi nagsalita si Kuya at maya maya pa ay naramdaman ko 'yung yakap n'ya dahilan para tumulo 'yung mga luha ko. Ibinaon ko nalang 'yung mukha ko sa bandang dibdib n'ya at doon humikbi.
"S-sorry Aiko, nagtaka lang talaga ako. Hindi ako sanay na iniiwasan mo ko, kambal kita. Naiintindihan ko 'yung dahilan mo, pero hindi na'man tayo nahuhuli 'di ba?" tanong ni Kuya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap n'ya at hinarap s'ya. Pinunasan ko 'yung mga takas na luha sa pisngi ko at taas noong nagsalita.
"Hindi porket hindi tayo nahuhuli, ligtas na tayo. Sa tingin mo kung totoo nga 'yung tinutulungan tayo ng impostor, kung sino man s'ya, na magkita at makapagusap ng walang nakakaalam, tama na pagkatiwalaan natin s'ya? Kuya impostor 'yon! Kung hindi mo naiintindihan ang pinupunto ko mas mabuti nalang na umalis kana sa kwarto ko." matigas na sabi ko sa kan'ya. Naiinis ako, hindi manlang ba n'ya maisip 'yon?
Kita ko ang hirap sa mga mata ni Kuya nang pumungay 'yon pero hindi natinag ang ekspresyon ng mukha ko.
"P-pero Aiko.."
"Lumabas kana." sabi ko pa sa kan'ya.
Wala ng nagawa si Kuya at lumabas na ng kwarto ko. Nilock ko 'yon at napaupo nalang.
Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at doon umiyak ng mahina.