SOMEONE'S POV
Napakunot ako ng noo ng makita ang kaganapan na nangyari sa hallway. What was that all about?
I'm currently staring at the monitors of the CCTV cameras of the mansion nang mapansin ko ang monitor sa CCTV camera sa hallway.
I saw White and Yellow. Yellow seems to be shocked when he/she saw White in her way. Hindi ko nakita ang mukha n'ya dahil nga sa suit na suot suot nga na'min, pero base sa actions n'ya that's why I guessed na kinabahan s'ya.
The question here is, why? It awaken my curiosity.
Maya maya pa ay nakita ko si Aiko na naglakad sa hallway, papunta siguro sa room n'ya.
Nagtaka ako, If galing silang dalawa doon sa dinaanan ni Aiko, does that mean that she's included? Besides, I'm suspecting Yellow that he/she has a secret. Pinagmamasdan n'ya sa malayo si Aiko. Maybe, White saw Yellow sneaking?
It's so complicated.
Umiling nalang ako at naghanda na para lumabas ng security room. Maybe I'll just stop thinking about suspicions on Yellow for now, I have a long day tomorrow.
Or maybe, I should kill Yellow?
Napaisip ako. That will ruin all the fun. I'll spare her for tomorrow.
My second day of killing.
***
AIKO'S POV
Matapos ang eksenang 'yon sa kusina ay napagpasyahan kong pumunta nalang sa kwarto ko.
Naloloka na ako sa nangyayari. Sino ba kasi talaga 'yung White na 'yon at bakit ganoon s'ya makaakto towards me?
Sa kakaisip ko ng mga ganoon sumasakit nalang 'yung ulo ko.
Papasok na sana ako ng kwarto ko nang biglang may humila sa akin papunta sa isang gilid ng hallway. Yung parte ng hallway na hindi nakikita ng CCTV cam.
Nagulat ako at kinabahan. Akala ko 'yung impostor 'yung humatak sa akin. Pagtingin ko ay si..
Eric?
"Shh, wag ka magsalita. Wag ka munang dumaan doon, mamaya kana bumalik sa kwarto mo." panimula n'yang sabi sa akin na labis kong ipinagtaka.
May pinindot s'ya sa suit n'ya dahilan para makita ko ang mukha n'ya. Nagpapawis s'ya at aligaga na tumitingin sa daan ng hallway na dinaanan ko kanina.
I wanna ask 'why?' pero naalala ko 'yung sinabi n'ya na wag akong magsalita.
"Okay, I know you're so confused right now but trust me, you don't want to see what I just saw." pagpapatuloy n'ya pa. Namutla s'ya matapos sabihin 'yon. Kinabahan din ako ng 'di ko malaman kung bakit.
Ano 'yung bagay na sinasabi n'ya na hindi ko dapat makita?
Nakarinig kami ng kaluskos sa may parte na dinaanan ko kanina kaya hinatak n'ya pa ako lalo para hindi makita ng kung sino man ang naroroon.
Aray, grabe na'man 'to makahila. Ano ako manika? Babayagan ko 'to.
Sumilip ako ng konti sa parte na pinanggagalingan ng kaluskos at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
W-what?
Namuo ang mga pawis ko at nanginig ng bahagya ang mga kamay ko sa nakita ko.
It's Red holding..
a head.
Patili na sana ako nang mapansin ni Eric na nakita ko 'yon. Dali dali n'yang tinakpan ang bibig ko kahit na may suot pa akong suit at sumenyas na wag akong maingay.
Kahit nanginginig ay pilit kong pinigilan ang sarili ko na gumawa ng ni-katiting na ingay.
Is Red the impostor all along? But it doesn't make any sense! Noong una, umiyak s'ya ng malaman na si Riley ang unang napatay, tapos s'ya pala ang impostor?
Was that all an act? I don't understand! The way she cried in front of all of us at 'yung pagsalita n'ya without thinking of the consequence of it, it doesn't make any sense at all!
Naglakad s'ya papunta sa isang kwarto habang bitbit bitbit ang isang ulo. Tumutulo pa ang dugo noon sa sahig.
Nanginig ako lalo nang umikot ang ulo na 'yon dahil sa galaw ng paglalakad ni Red. Natapat ang mukha ng ulo na 'yon sa gawi ko at kitang kita ko kung kaninong ulo 'yon.
Kay Paulo.
Nakalabas ang dila n'ya at nakabuka ang dalawang mga mata.
Sumiksik ako kay Eric nang akmang lilingon si Red sa gawi na'min. Luminga linga s'ya at ng walang makita ay nagpatuloy sa paglakakad.
Nang mawala s'ya sa paningin na'min ay nakatingin lang ako kay Eric. Hindi man n'ya makita ang mukha ko dahil sa suit pero sa tingin ko ramdam n'ya ang takot na nasa mukha ko ng oras na 'yon.
"Aalisin ko 'yung kamay ko sa bibig ko basta ipapangako mo na hindi ka mag iingay?" tanong n'ya sa'kin. Tumango tango ako at inalis na'man n'ya ang palad n'ya.
Nalalambot ang tuhod ko sa nakita ko.
"I want to explain everything to you pero baka may makakita sa atin dito, 'yun ang huling bagay na pwedeng mangyari. Isa lang ang masasabi ko, kahit na ganoon ang nakita mo, hindi si Red ang impostor." napakunot ako ng noo sa sinabi n'ya.
Magsasalita na sana ako nang bigla n'yang sinuot pabalik ang suit sa ulo n'ya at naglakad na palayo.
Naiwan akong takang taka at nanginginig. Red is not the impostor yet I just saw her holding Paulo's head!
Anong ibig sabihin ni Eric doon?
Naalala ko ang nangyari kahapon. Red is punished because of talking back to Eric dahil nakita n'ya ang walang buhay na katawan ni Riley.
Is that a revenge of her? Dahil sa naparusahan s'ya? O dahil sa napatay si Riley na suspetya ko matalik na kaibigan n'ya?
But I don't understand!
Kung malaman ng game master ang ginagawa n'ya, she will be killed! What the f**k is she thinking?
She can get killed by the real impostor or the game master.
This game is f****d.
***
Nandito na ako sa kwarto ko. Paano ako nakapunta dito? Simple.
Tingkayad na lakad papunta sa kwarto ko para 'di ako makalikha ng tunog sabay lock agad ng pinto.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kani-kanina lang.
Speaking of, paano lilinisin ni Red 'yung dugo na tumulo tulo sa sahig? For sure, may makakakita no'n.
"A body has been found!" nagulat ako ng bahagya nang umalingawngaw ang tunog ng speaker.
'Yun kaya 'yung katawan ni Paulo?
Kung tama si Eric na hindi si Red 'yung impostor tapos nakita 'yung katawan ng pinatay n'ya, for sure aakalain ng lahat na 'yung impostor ang may gawa no'n.
Naghanda na ako at lumabas na muli sa kwarto. Naroroon parin ang mga patak ng dugo sa sahig.
Didiresto sana ako sa dinaanan ni Red kanina nang mapansin ko na hindi na'man doon sila nagsidaan.
Kinilabutan ako ng maisip na baka ang nakita nila ay 'yung katawan hindi 'yung ulo.
Naglakad na ako papunta sa living room, baka nandoon 'yon.
Pagdating ko don, napansin ko na nasa habal ng pinto papasok ng kusina ang ilan sa mga players.
Sa kusina?
Kagagaling lang na'min do'n kanina ah.
Naglakad ako papalapit at kita kong napalingon sa direksyon ko si Brown which is alam ko na na si Eric at si Pink at 'yung maharot na si White.
Hindi ko sila tinignan pabalik at dumiretso nalang. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ang karugtong ng ulo na nakita kong bitbit bitbit ni Red.
The body is wearing a Purple suit, at nakita ko ang ulo kanina kaya si Paulo ang Purple.
Bumaliktad ang sikmura ko nang makita ang kabuohan ng katawan na 'yon.
May mga ugat ugat pa sa bandang pinagpugutan ng ulo at tumatagas ang dugo mula roon. Nagkalat din sa buong kusina ang iba pang parte ng katawan ni Paulo.
Ang kamay, binti, daliri, at iba pa. Ang sangsang din ng amoy.
Ako nalang siguro ang nandidiri dahil ang mga kasama ko ay walang reaksyon sa nakita nila. Siguro unti unti na silang nasasanay sa mga gan'to. Pero ako? Kahit kailan hindi ako masasanay.
Pansin ko si Blue which is si Kuya na nakatingin sa direksyon ko pero hindi ko s'ya nilingon. A simple suspicious act can awaken the curiosity of the people surrounding us.
Nakita ko rin na nandidito si Red. Napalingon s'ya sa gawi ko na naging dahilan para kabahan ako ng sobra. Alam n'ya ba na nakita ko s'ya kanina?
Inalis n'ya din na'man agad ang tingin n'ya sa'kin at tinitigang muli ang katawan ng taong s'ya mismo ang pumatay.
She's acting like she doesn't know what happened. Na parang wala s'yang kinalaman doon. Little did she know, may ilan na nakakaalam sa ginawa n'ya.
"What a bloody scene we have there.." panimulang salita ng gamr master na umalingawngaw sa buong kusina. Ramdam sa boses n'ya ang pagiging sarkastiko na animo'y natutuwa pa.
"Maybe all of you are suspecting na gawa ito ng impostor, but no. This is not the doings of my killer, isa sa inyo ang may kagagawan nito. The impostor has rules at alam ko na disiplinado ang impostor na napili ko. This day is technically still a voting day, it's not a time for the impostor to kill another one. Kung sino ka man, I will know who you are. I'll kill you more brutally than what you did on Purple." pagtatapos nito bago nawala ang boses n'ya sa speaker.
Inilibot ko ang paningin ko at tinitigan si Red na parang hindi manlang kinabahan sa narinig sa game master at nakatitig pa rin sa katawan sa harap n'ya.
She seems not threatened by what she just heard.
Sinubukan kong alalahanin ang mga mukha ng mga taong kasama ko noong hindi pa kami nagsusuot ng suit.
Kung aalalahanin ko, ang nakita kong malapit kay Riley ay si Carla. May suspetya na ako na s'ya nga 'yon pero hindi ko masikmura na kaya n'yang pumatay ng ganito kalala.
Yes, mataray s'ya pero 'yung ganito na she's actually risking her life just to satisfy herself by killing someone? I cannot believe it.
Maya maya pa ay dumating na ang mga naka puting suit na maglilinis ng katawan ni Paulo. Napalingon ako sa gilis ko nang mapansing naglakad na papalayo si Pink.
Binalik ko ang tingin ko sa mga nakaputing suit nang mapansin ko na parang may hinahanap sila. Tinipon tipon nila ang mga parte ng katawan ni Paulo na nakakalat sa kusina at halatang nagtataka sila nang hindi makita ang ulo.
Gusto kong magsalita pero alam kong hindi maaari 'yon. Bukod sa ayoko pang mamatay o maputulan ng parte ng katawan ay kailangan kong malaman kung sino ang impostor at kung bakit ganoon na lamang ang ginagawa ni Red. Pati na rin ang pagkatao ni White na s'ya talagang pinagtataka ko.
Nang hindi nila mahanap ang ulo ay umalis nalang sila bitbit ang lasog lasog na katawan ni Paulo. Balak ko pa sanang kumain pero wag nalang, baka mamaya habang kumakain ako dito mapagkamalan ko pang laman loob ni Paulo 'yung kinakain ko.
Nandiri ako sa naisip.
Unti unti na rin silang nagsialisan. Napansin ko pang sinundan ako ng tingin ni Yellow bago tuluyang naglakad sa hallway.
Ang naiwan nalang ay ako at si Red. Tulala pa rin si Red at parang walang balak umalis.
Inihakbang ko na ang isa kong paa, paalis na sana doon nang marinig ko ang boses ni Red.
"HAHAHAHAHA." unti unti akong lumingon sa kan'ya nang marinig ko ang tawa n'ya.
She's just laughing hysterically. And it kinda creeps the hell out of me, baka mamaya ako na'man isunod.
Napadasal ako sa loob loob ko. Wag na'man sana Lord, wala pa nga akong bebe mamamatay na ako huhu. Hindi pa nga ako nadidiligan.
Wag muna huhu.
"Alam kong nakita mo ako kanina bitbit bitbit 'yung ulo. Wala na'man talaga akong pakealam kung may makakita o wala, I'm just having fun.." Unti unti akong napatitig sa mukha n'ya nang binanggit n'ya ng may nakakatakot na tono ang huling mga salitang 'yon.
Nakaalis ang suit n'ya sa bandang mukha na hindi ko napansing inalis n'ya. Kitang kita ko ang dugo na tumutulo galing sa bibig n'ya kagat kagat ang isang.. Eyeball.
Nanlilisik din ang mga mata n'ya. Alam n'yo 'yung sa mga anime? Yung gore genre tapos 'yung ganitong scene? Ganun na ganun 'yung mukha n'ya ngayon!
Nanginig ako sa takot at kumaripas ng takbo papalayo sa kan'ya.
Maybe I was wrong to think na she's not capable of doing such brutality.
Is that Paulo's eyeball? Yung nasa bibig n'ya?!
What the f**k!