Chapter 13

2139 Words
AIKO'S POV Nanghihina pa rin ako sa nangyari. Ang masaksihan mamatay sa brutal na paraan sa mismong harapan ko ang isang taong inosente na'man pero napagkamalang may kasalanan. And I'm one of the reasons why he died in such a brutal way. Naririto kaming lahat sa kusina at tahimik lamang. Ang iba ay kumakain na, ang iba na'man ay tulala lang. Mga hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan, lalong lalo na ang mga bumoto. Tahimik kong nilalaro ang pagkain na nakahain sa harapan ko. I can't stop blaming myself from what had happen. That poor man will not die if I just voted wisely. Kung alam ko lang na nakakaranas s'ya ng ganoon ay hindi ko s'ya pagsususpetsahan. Now I know the secrets that is unveiling in this game. Just because someone is showing something to you, doesn't mean you have to believe it. Wala nga talaga akong dapat pagkatiwalaan dito, bukod nalang kay Kuya. Inilipat ko ang tingin ko kay kuya na tahimik na nginunguya ang pagkain n'ya. He'll not deceive me, right? Hindi na'man siguro s'ya ang impostor. He wouldn't do something that can mess with my head right? At kung s'ya man ang impostor, that's just because he got chosen and not by his own will. Should I keep on seeing him and talking to him despite of the doubt that probably, just probably he can be the impostor? Iniiwas ko ang tingin ko sa kan'ya at dahan dahan nalang na sinubo ang pagkain. This is bad. I'm doubting him. Napalingon kaming lahat nang may isang player ang tumayo. Si Red. Tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya at dire-diretsong lumabas ng kusina. Let's examine that player. Red can somehow be and not be the impostor. I don't know, lahat na ng tao dito na kasama na'min ay pinagsususpetsahan ko. Red is the first one to show emotions because of what had happened on the first day of the game. Which is pretty careless. One thing the game master said that really stucked inside my mind is that, NEVER LET YOUR EMOTION DRIVE YOUR OWN BODY One mistake in this game, It'll be over for you. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa tuluyang makalabas. I better watch the actions of each of them, including Kuya. Naramdaman kong may nakatitig sa'kin kaya pa-simple kong nilibot ang paningin ko sa mga nandito. I noticed Yellow, staring at me. That player really creeps me out. Teka, I remember something. The day na nakasama kong kumain si White dito ng kami lang, mayroon din na nagmamatyag sa'min. Could it be? The reason why Yellow is kept on staring at me ay baka s'ya din 'yung naagmamatyag sa'kin? Why would Yellow do that? That thought awaken my suspiciousness. Napansin n'ya sigurong nakatingin ako kaya iniwas n'ya ang tingin n'ya at pinansin nalang ang pagkain n'ya. Kung s'ya ang impostor, hindi ba't masyado na'man s'yang showy sa actions n'yang ganoon? Which is a bad thing for the impostor dahil madali s'yang makikilala. Mas lalo akong napaisip. Naputol ang pagiisip ko nang marinig ang tunog ng speaker na hudyat na may announcement na magaganap. "Hello, players. For the 2nd day of your stay here on my mansion, two have died. One because of the genius impostor, two is for the wrong vote you submitted. Oh.. poor greeny. Died without even getting the money." What he said sounded like an insult. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao. He's really ruthless! He's making us believe that he actually cares but not at all! "But do not worry, I'll send the prize money Green got in this game to his parents." Sabi n'ya na parang nagmamalaki pa na magbibigay s'ya ng pera para suporta dun sa tao. Without his doings, hinding hindi mamamatay ang isa sa'min! It's clearly his fault! All of this! "Sinabihan ko na kayo, hindi ba? Think and vote wisely. Oh well, we still have a few days.. and few deaths HAHAHAHA." Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay tumawa s'ya ng pagkalakas lakas. Mas lalo akong nangitngit sa galit sa narinig sa kan'ya. "Tomorrow will be the start of the 2nd day of the game. Goodluck to the players left, and goodluck to my lovely impostor. Kill them brutally, got that?" He asked na parang sasagot sa kan'ya 'yung impostor. Pinagmasdan ko ang bawat mukha ng mga kasamahan ko dito hoping to find a clue. Siguro na'man somehow, may magbabago sa kahit expression lang ng mukha just by hearing that 'di ba? Maliban nalang kung talagang magaling na s'yang magpanggap. As I examine each of their faces, wala akong napansin na kahit magpawis manlang sa kanila. Or maging aligaga. The impostor is really good at being the impostor. "Oh lastly, I have a phrase to say that each of you have to KEEP IN MIND." dagdag n'ya pa. Tinaas ko ang kilay ko. Seriously? Hindi pa rin s'ya tapos sa paalala n'yang mga gan'yan? It's clear that he's enjoying the killings and deaths of my comrades! "Always.. watch your back." 'yun ang huling mga salitang sinabi n'ya bago s'ya mawala sa speaker. Tumuwid ako ng upo dahilan para maagaw ko ang atensyon ng ilan sa mga kasama ko dito, including Kuya. Ramdam ko 'yung titig sa'kin ni Kuya kahit na may suit na nakapagitan doon. I think he's worried. Mas lalo s'yang mag-aalala kapag sinabi ko na sa kan'ya 'yung balak ko. Baka magalit pa nga. But I think that is the best solution. Alam ko na'man na kung si Kuya ang impostor, hinding hindi n'ya ako sasaktan. Pero ayoko na'man na masaktan kaming dalawa lalo na s'ya kapag nalaman ng game master na palihim kaming nagkikita at nagkakausap. Sasabihin ko siguro sa kan'ya mamaya kung magka-chance kaming magkausap. Napatingin ako sa taong nasa harapan ko nang bahagyang tumunog ang kubyertos. Kita ko si Yellow na nakatingin lang sa direksyon ko habang hawak hawak ang isang tinidor. Ang higpit ng hawak n'ya roon na animo'y gigil na gigil. Napakunot ako ng noo. Why is that player staring at me while holding a fork tightly? Napansin n'ya siguro na nakatingin ako sa kamay n'ya kung nasaan ang tinidor kaya niluwagan n'ya ang hawak doon at nilapag sa lamesa. Kunot noo ko s'yang tinitigan. That is a one suspicious act. Is it possible that he/she can be the impostor? Her actions is quite fishy. First, watching me from afar. Second, following Kuya. And lastly, is this. Thoughts of Yellow's probability to be the impostor filled my mind. But come to think of it, hindi ako pwedeng magbase lang sa actions. Because of that decision, one Player died in front of my eyes. I think I should watch her carefully starting now. Hindi muna ako magcoconclude na s'ya 'yung impostor. Maybe I should make a list? With each of the players' fishy actions and my observation? Magandang ideya. Mamaya gagawa na agad ako pagkapasok ko sa kwarto. Karamihan na sa kanila ay tapos na magsikain kaya nagsilabasan na ng kusina. Tumayo din si Kuya ngunit hindi agad umalis. Tumitig muna ito sa akin bago naglakad palabas. We really need to talk. Napatingin na'man ako sa kaliwa ko nang mapansing hindi lamang ako ang natitirang nakaupo. White also stayed. Tumingin ako sa kan'yang plato at napansin na halos wala 'yong bawas. Ibinalik ko na'man 'yung tingin ko sa plato ko na halos ganon na ganon din. Naka-isang subo lang ako. Tinignan ko ulit s'ya, hindi n'ya rin inaalis ang tingin n'ya sa'kin. Unti unti kong naramdaman ang pamamasa ng mga palad ko at pamumula ng pisngi at tainga ko. Why is he/she kept on doing that? Hindi n'ya ba alam na naiilang ako sa kan'ya? Ano ba 'to trip trip lang? Kung trip n'ya lang 'yan, bakit ba ako naaapektuhan ng ganito? Ang p****k mo, self! Kung tutuusin ang dapat na nararamdaman ko ngayon ay takot at dapat kanina pa ako umalis. Naiwan nanaman ka'ming magkasamang dalawa which is a bad thing kasi baka s'ya 'yung impostor! At ako andito, kinikilig kilig pa! Wait, kinikilig? Argh! Why am I feeling this everytime na magiging magkasama kami sa isang lugar? Do I know this player? Pero wala na'man akong close or kakilala dito bukod sa kambal ko. This is probably White's tactics na hahayaan n'yang may makasamang player tapos hahanap lang s'ya ng tyempo para gilitan ng leeg 'yung makakasama n'ya? The thought of 'gilitan ng leeg' made me shiver. Oo tama tama, ganon nga siguro dikskarte nito. Ako na ata gusto n'ya isunod kaya dikit ng dikit sa'kin. But come to think of it, If White's the impostor and he/she's planning to kill me, hindi ba dapat noong una palang na nagkasama kami sa iisang lugar ay pinatay n'ya na ako? Or baka na'man alam n'yang may nanonood sa'min kaya hindi n'ya natuloy balak n'ya sa'kin nung time na 'yon? Pero bakit ba kasi ganito. I can't feel any fear, nervousness and doubt when I'm alone with her/him. Sino ba kasi 'tong taong 'to? I cannot wait to know the real person behind the White suit. Napatigil ako sa kakaisip ng kung ano ano nang mapansin kong ang lapit na ng mukha ni White sa'kin. Sobrang lapit to the point na kung wala 'tong suit na 'to ay magkadikit na siguro ang dulo ng mga ilong na'min. Napakuyom ako ng palad ko sa sobrang pagkaaligaga. What the actual f**k is White's doing?! Hindi manlang ba n'ya naisip na baka may makakita sa'min dito tapos pagkamalan pa kaming nag-uusap kahit 'yung totoo ay hindi na'man?! Is he/she even thingking properly?! Maya maya pa ay unti unting umangat ang takip ng suit sa mukha n'ya. Sa bandang labi. I don't know what happened but I can see his/her lips. Ang alam ko this suit creates an illusion na kahit nakalabas ang bandang mukha ng player ay walang makakakita noon. But why am I seeing another player's lips? Mamula mula 'yon at maganda ang hubog. Kinunot ko ang noo ko, trying to remember the people who I had an encounter with noong hindi pa na'min nasusuot ang mga suit na 'to. I'm trying to remember if I saw this lips before but I cannot think straight! Unti unti n'yang inilapit ang labi n'ya sa bandang noo ko. Nag init ang mukha ko nang ma-realize kung ano ang ginawa n'ya. Did White just gave me a forehead kiss? Nagtagal 'yon ng ilang segundo bago n'ya inilayo ang labi n'ya sa noo ko. Ipinantay n'ya ang mga mukha na'min sa isa't isa at nakatitig lang sa'kin. Yung mga titig na 'yon ay parang tumatagos sa suit na suot n'ya. I can feel his/her stares. Bahagyang gumalaw ang ulo n'ya at napakagat ako sa labi ko nang mapansin na sa bandang labi ko s'ya nakatingin. Baka may makakita sa'min dito! Maya maya pa ay inilayo n'ya na ang mukha n'ya sa akin at sumulyap pa ng ilang segundo bago lumabas na ng kusina. Naiwan ako roon na tulala at hindi makapaniwala sa kung ano mang nangyari. What was that all about?! Kinapa ko ang bandang noo ko at ramdam ko pa rin doon ang mga labi n'ya gayong hindi na'man talaga lumapat ang mga 'yon sa balat ko. Nababaliw na ako! I can clearly tell that White is a guy! Walang babae ang gagawa noon sa iba pang babae! And his lips, those pinkish lips of him.. Sinampal sampal ko 'yung sarili ko nang mapagtantong pinagpapantasyahan ko na 'yung mga labi n'ya. Magtigil ka nga Aiko! Tumayo ako at nag-martsa palabas. Kainis na'man kasi! Sino ka ba?! Argh! SOMEONE'S POV Kita ng dalawang mata ko ang nangyaring eksena sa loob ng kusina. Wtf?! Noong una nagsabay lang sila sa pagkain tapos ngayon may pahalik sa noo na?! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Magkakilala silang dalawa, I'm sure of that! And that is violating the rules! They're being intimate! Alam kong hindi 'yun mismo ang rule pero kahit na ba! Hindi pwede 'yon! Yung mga nagsalita nga lang kahit saglit naparusahan na, tapos sila naglalandian pa?! Napaigtad ako nang mapansing papalabas na si White. Dali dali akong naglakad-takbo papunta sa hallway. Napahinga ako ng malalim at huminto. Mukha na'mang hindi n'ya ako napansin. Itutuloy ko na sana ang paglakad nang mapansin ang bulto ng mga paa sa harapan ko, puti. Iniangat ko ang paningin ko at nakita ang taong sinubukan kong takasan na nasa harapan ko na ngayon. Nakatitig lang 'to sa akin. Napalunok ako at kumaripas ng takbo. Siguro hindi ko muna sila pakikialaman, pag inulit nila. Ipapagpatuloy ko 'tong pagmamatyag ko hanggang sa makahanap ako ng tyempo. Sumeryoso ang mukha ko at naglakad ng marahan. If I can't tell the game master about those and make him punish them, maybe I can punish them myself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD