The First Voting
AIKO'S POV
"So? Have any thoughts? On who the impostor might be?" tanong ko kay kuya.
Naririto kaming dalawa sa loob ng kwarto ko.
Pagkatapos na pagkatapos ng "show" kuno na 'yon kanina sa labas ng mansyon, on the field to be specific, ay dito kaming dalawa dumiretso.
I'm all aware na bawal 'tong ginagawa na'min na 'to na naguusap kaming dalawa, kitang kita na'min kanina 'yung naging parusa sa dalawang players which is si Red at si Brown because of not obeying the rule.
Speaking of Red and Brown, dinala sila sa isang room na dito lang din located sa loob ng mansyon. But I have no idea where exactly they are.
Na-update na'man kami kanina ng parang spokesperson ng game master na ayos na ang lagay nila.
Okay, going back to the topic na bakit ko kasama ngayon si kuya sa kwarto ko at parang tangang nakikipag-chikahan sa kan'ya habang s'ya na'man ay abalang abala sa kakanood ng palabas sa NETFLIX sa TV ng room ko.
Habang naglalakad kasi kami kanina papasok sa mansyon, siniko ako nito ni kuya.
Ewan ko nalang kung may nakakita no'n.
Tapos pasimpleng bumulong sa'kin na magkita daw kami sa kwarto ko para pag usapan 'yung tungkol sa impostor.
Hindi na ako nakapalag no'n kasi inunahan n'ya na ako sa paglalakad.
Pagdating ko sa kwarto ko, ayun ang tanga. Nakataas pa ang paa sa coffee table sa harap ng couch habang nanonood ng NETFLIX.
Kumakain pa talaga ang mokong ng isa sa mga chips na binili ko. Diretso dukot kanina sa drawer ng kama na pinaglalagyan ko ng iba't ibang pagkain.
Feel at home ang gago.
"Hoy! Ano? Nakikinig ka ba? Foodtrip ka d'yan ah!" singhal ko sa kan'ya. Pero ang tukmol hindi manlang natinag at todo nguya pa rin ng chichirya.
Ah ganon, 'di mo ko papansinin.
booogsh!
"Aray! Ano ba Aiko? Nananadya ka ba?!" sigaw n'ya nang bigla ko s'yang sinipa dahilan para mahulog s'ya sa couch.
Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"At talagang nagtataka ka pa bakit kita sinipa ha? Hoy! For your information, kanina pa ako dada ng dada dito tapos ikaw puro ka lang nguya na parang kambing d'yan na akala mo first time sa buong buhay n'ya makakita ng TV! Hello?! Sabi mo kanina magkakalap tayo ng impormasyon para malaman kung sino 'yung impostor? Eh ang ginawa mo lang simula kanina na pagpunta mo rito ay ngumuya ng ngumuya habang nakatanga d'yan sa TV! At tyaka ano ba 'yang pinapanood mo ha? TWICE TWICE ka pa d'yan eh 'yung mga nagiging jowa mo nga mga neneng gata tapos hahangad hangad ka pa ng gan'yan kagagandang mga baba- ARAY!"
Natigil ako sa kaka-sermon sa kan'ya nang bigla n'ya akong binatukan. Ano ba problema nitong taong 'to?!
"Pwede ba Aiko? Ikalma mo 'yang bibig mo at sasapakan ko 'yan ng sariwa at mamasa masang tae kung 'di ka pa titigil sa kakadakdak! Nawala nga ako sa bahay kung saan laging nanenermon 'yung tiyahin natin na amoy panis na bibingka 'yung bibig, tapos ngayon ikaw na'man dumadakdak!" singhal n'ya sa'kin.
Tinitigan ko s'ya ng masama at maya maya pa ay parehas kaming natawa sa mga nasabi na'min.
"Pero walang biro, isa pang dada mo d'yan Aiko. Natatae pa na'man ako." sabi n'ya pa sabay ngiti ng nakakaloko.
Tumayo ako at lumayo ng bahagya sa kan'ya. Mahirap na, baka mamaya bigla na lang 'yan umutot. Dugyot pa na'man 'tong ulupong na 'to.
"Napakadugyot mong nilalang ka!" sigaw ko sa kan'ya at binato s'ya ng unan. Tatawa tawa lang s'ya habang nguya pa rin ng nguya.
Umupo ako sa gilid ng couch at na pa cross arm. Sineryoso ko ang mukha ko at ngumuso.
"Kuya na'man! Seryoso na kasi! Gusto ko na'man kahit papaano makaalam ng kahit hint lang kung sino 'yung impostor sa araw na 'to! Kasi bukas mabibigyan nana'man natin ng chance 'yung impostor para makapatay ng isa pa.." lumiit ang boses ko sa huling sinabi ko.
Tama na'man ako, hindi ba? The more days we waste, the more chances we give the impostor to exterminate more of our colleague's.
And some other time, pwedeng kami mismo ang susunod na mamamatay.
Nakita kong sumeryoso si kuya. Nilapag n'ya 'yung kinakain n'yang chips at diretsong tumingin sa akin.
"Ito kasi naiisip ko. 'Di ba nakakapasok ako sa kwarto mo ng hindi nahuhuli? Kahit na sa tapat mismo ng kwarto natin at ng lahat ng mga kasamahan natin, may CCTV cameras? Hindi ka ba nagtataka? Na papaano kung 'yung impostor ang may kagagawan no'n? Na tinutulungan n'ya ako na pumunta dito ng hindi nahuhuli?" makahulugang tanong sa akin ni kuya.
Napaisip ako. Oo nga, no.
Ilang araw na 'tong ginagawa ni kuya na nakakapasok sa kwarto ko tapos walang report na nagaganap. Na kesyo nakita s'yang pumasok dito.
May CCTV cam's sa tapat ng mga room's na'min. Kung gumagana 'yon, he would have been caught the first time he did that.
Pero bakit hanggang ngayon hindi pa s'ya nahuhuli? Bakit ngayon hindi pa kami napapatawag?
Unless, kuya's right. The impostor's helping us.
The impostor is the only one next to the game master who has an authority and access to the Security Room.
Ang isang tanong na bumabagabag sa'kin, why is she/he doing that? Why is she/he helping us?
Wala akong maalalang tao dito na naka-close ko. Bukod kay Lili na nakausap ko lang saglit, pero hindi na'man siguro s'ya ganoon kababaw para gawin sa'min 'to.
I can't think of someone who might have been doing this.
"Wala akong maisip na pwedeng gumawa noon. Wala na'man akong ka-close dito." pag amin ko sa kan'ya.
Umakto si kuya na nag iisip. Napataas ako ng kilay.
Sarap sabihin na 'arte arte ka pa ng gan'yan eh bobo ka na'man' pero mas pinili ko nalang wag sabihin 'yon.
Mahirap na baka gawin n'ya 'yung sinabi n'ya kanina.
"What if, subukan mong makiramdam everytime na maglalalakad ka sa mansyon? Yung kung may laging nakadikit sa'yo or what. Kasi sa'kin wala na'man.." he seemed hesitant sa huling words na binanggit n'ya.
"Wala na'man? Parang 'di ka sure."
"Uh, well meron isa. Si Yellow. Napapansin ko lang kapag nand'yan ako sa labas nagtatambay, lagi s'yang naroroon din kung nasaan ako." pag amin ni kuya sa'kin.
Siningkit ko 'yung mga mata ko at nakakalokong ngumiti sa kan'ya.
"H-hoy ano ba 'yang tinginan mo na 'yan ha? Tigil tigilan moko Aiko." pagbabanta ni kuya.
Nag peace sign na lang ako. Hindi talaga pwede na walang oras na hindi kami nag aasaran pag magkasama.
Napaisip ako sa mga sinabi ni kuya. Sinusundan s'ya ni Yellow? Bakit kaya? Is that player a girl or a boy?
Kung babae 'yon, understandable kung sinusundan sundan n'ya si kuya. May appeal na'man 'to kahit papano.
Dugyot nga lang.
Pero kung lalaki 'yon at sinusundan n'ya si kuya, I can't think of a reason why a boy player will do that.
Speaking if sinusundan, may napansin din ako sa kusina nung gabing nagkasabay kami ni White sa pagkain.
There's also someone who's following me. Nagmamatyag ng hindi ko alam.
Gusto ko sanang sabihin kay kuya pero ayokong dagdagan pa lalo mga iniisip n'ya.
Kahit wala na'man s'yang isip, lol.
Napatigil kami sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog 'yung speaker.
"Good afternoon, my lovely players. I just want to remind you about the voting today. 10 minutes from now, you'll assemble on the living area wherein I will announce your current scores on your dashboards. And also, that's where the first voting will occur. Do you still remember what I just said before about the consequences of voting a wrong person?" panimulang sabi ng game master sa speaker. Inalala ko 'yung huli n'yang sinabi.
Ah, oo. Naaalala ko na. If we voted a person who's not really the impostor, that person will die.
Ipit na ipit kaming lahat.
"Think properly and do not let your emotions drive your own body. Kung may galit man kayo sa isa sa mga kasamahan n'yo, do not use that emotion of anger towards that person to decide who you are going to vote. The wiser you think, the more accurate you can decide. That is all. Just prepare your ipads and assemble on the living are. Adios." pagtatapos n'ya. Nagkatinginan kami ni kuya. Sinamaan ko s'ya ng tingin.
Kung sana kanina pa kami nag usap tungkol sa kung sino man 'yung suspicious enough para maging impostor, sana nakapag brainstorm pa kami ng maayos. Si kuya kasi parang gunggong.
Tumayo na ako at sinuot ang suit ko. Ganun din na'man 'yung ginawa ni kuya. Hinubad n'ya kasi 'yon kanina nung pagdating n'ya dito. Hindi daw kasi s'ya makakain ng maayos.
Arte, no? Akala mo babae kung makaasta.
Kinuha ko na 'yung ipad ko at nauna ng lumabas. Pangalawang lalabas si kuya. Baka kasi may makakita sa'min na player din, mag report pa.
Kung sino man 'yung tumutulong sa'min para makapag usap ni kuya, salamat ng marami sa kan'ya
***
Nandito na kaming lahat sa sala, nag aantay na mag show ang naka-maskarang game master sa screen ng TV.
Sinenyasan ako ni kuya na tignan ko daw isa isa 'yung mga kasama na'min ngayon at kung may suspicious sa kanila.
Tumango ako sa kan'ya bilang pag sang-ayon.
Tinignan ko sila isa isa. Si Red at si Brown ay naririto na. May nakabalot na puting tela sa mga sugat nila.
Tinignan ko ang putol na braso ni Brown at napangiwi nang maalala kung papaano humiwalay ang kamay n'ya mula roon.
Si Red na'man ay walang ginagawa at nakatitig lang sa screen ng TV kahit na wala pa na'man doon ang game master.
Si Yellow which is sinusupetsyahan ni kuya ay nakaupo lang ng maayos. Walang ibang ginagawa.
Si Green na'man ay nakaupo sa gilid ko, lumilingon lingon sa paligid. Naningkit ang mga mata ko nang mapansing nanginginig 'yung mga kamay n'ya.
Napatingin ako sa gilid ni kuya at nakita ang isa pang player, si Purple. Wala s'yang ginagawa at nakayuko lang na animo'y tulog.
And the two last persons are Pink and White.
Pink, s'ya 'yung nakatitigan ko sa game room nung nakaraan. But I haven't seen that player na bothered sa mga nangyayari. Pink seems, bored.
And White. Ang nag iisang player na nakasabay kong kumain sa mansyon na 'to. Ang isang player na bukod kay kuya ay hindi ako kinakabahan pag nakadikit sa'kin.
Napaiwas ako ng tingin nang bigla s'yang lumingon sa direksyon ko.
So far, ang may suspicious actions ay si Green. Si Eric din na'man pwedeng pag suspetyahan since s'ya 'yung unang nagbanta sa'min sa kitchen.
Naagaw ang atensyon na'ming lahat ng sumulpot na sa screen ang nakangiting maskara ng game master.
"I guess all of you are here. So, for starters. I congratulate all of you for surviving the first round of the game. As a reward for each of you, I'll add 1 million pesos to your dashboard." napalitan ang screen ng dashboard na'min pero bago 'yon.
Ang nakalagay ay:
Player 1 - 2m
Player 2 - 2m
Player 3 - 2m
Player 4 - 2m
Player 5 - 2m
Player 6 - 2m
Player 7 - 2m
Player 8 - 2m
The impostor: 5m
Dead(s): Riley
"As you can see, mas malaki ang nakuha ng impostor why? Easy. That's because for thr first round the impostor successfully killed one of you. Hangga't hindi n'yo nakikilala kung sino s'ya, dadagdag ng dadagdag ang pera sa dashboard n'ya." pagpapaliwanag n'ya sa'min.
So, mas malaki ang additional na reward sa impostor.
"Now! Let's start for the voting. Take off all of your ipads and may lalabas sa screen ng ipads n'yo na list ng colors ng bawat players na natitira. You'll just have to check one at lalabas na sa screen ng TV kung tapos na kayo mag vote." pagpapaliwanag pa ng game master.
Dahan dahan kong inilabas 'yung ipad ko at nakita ang iba't ibang color na pagpipilian.
Ganoon din ang ginawa ng iba. Napatingin ako kay kuya na nakatingin din sa'kin. Tumango s'ya.
Wala kaming choice kun'di ang iboto ang nag iisang tao rito na mukhang kinakabahan simula pa kanina na nakumpleto kami rito.
Tumango ako sa kan'ya at chineck na ang color ng player na pinagsususpetsahan na'min.
Nakita sa TV na tapos na akong mag vote. Sunod sunod na nag show 'yon hanggang sa nakaboto na kaming lahat.
"I guess all of you are all done voting. Let's just hope na tama ang mga napili n'yo..or else, ka-boom" makahulugang sabi ng game master.
Nanlamig ang mga kamay ko. Please be the impostor, please.
Napatingin kami sa screen nang makita ang resulta ng votings.
Brown got 1 vote
Green got 3 votes
Purple got 1 vote
Red got 1 vote
White got 1 vote
Pink got 1 vote
Blue got 0 vote
Black got 0 vote
Yellow got 1 vote
Napatingin kami sa kan'ya nang magsisisigaw s'ya.
"H-hindi ako ang impostor! Maniwala kayo! Kung base sa inaakto ko kung bakit n'yo ako binoto, I'm having a panic attack!" sigaw n'ya sa'ming lahat. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit hindi ko naisip 'yun?
Napatingin ako sa screen ng TV nang marinig kong tumawa ang game master.
"Oh well, kitang kita na'man kung sino ang nakakuha ng pinakamaraming boto. We'll know if Green's the impostor or not in 3 2 1.." pagkasabi n'ya noon ay s'yang pagsabog ng taong kanina ay nagsisisigaw sa'min.
Nagsitalsikan ang mga parte ng katawan n'ya at napakaraming dugo nang sumabog mismo sa harapan na'min si Green.
Nanlamig ako at hindi nakagalaw.
"I guess Green's not the impostor after all HAHAHAHA. Too bad. Oh well, you can eat your lunch now. Pangit nga lang ng kain n'yo kasi nakakita kayo ng sumabog na tao mismo sa harapan n'yo HAHAHA." pagputol ng game master sa katahimikan at nawala na s'ya sa screen.
Naiwan kaming lahat na tulala at tahimik. May narinig pa akong humihikbi.
Namuo ang luha sa mga mata ko.
I'm one of the reason why that innocent player died.
2 deaths, and we still don't have a single hint who the real impostor is.