2nd day of the Survival Game
AIKO'S POV
Naririto kami ngayon sa labas ng mansyon, sa field to be exact. Sobrang lawak pala dito. Located s'ya sa likod ng mansyon.
Just like how I described it before noong una kaming dumating dito, ang mansyon na 'to ay nakatayo sa isang gubat. Napapalibutan ng napakaraming puno.
Kung sa harap ng mansyon mo s'ya makikita, ang mapapansin mo lang ay ang magarbong bahay sa harap at ang mga damong berdeng berde ang kulay na nakapalibot dito.
Pero ang likod pala nitong mansyon ay may field. Sobrang lawak no'n. May garden pa sa gilid at may swimming pool na may malalim at may mababaw.
Lahat kaming mga natirang player ay naririto sa field at nag aantay ng orders galing sa game master. Hindi na'min alam kung makikita na ba na'min s'ya dito ngayon ng personal o magpapadala na lang ng tauhan para sabihin ang mga gusto n'yang gawin.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong naririto. Ako, which is Black. Kuya as Blue, and the other colors whom I still don't know the identity; Brown, Yellow, Pink, Green, Red, Purple and lastly White.
Lahat kami ay nakatingin lang sa harap. May isang bagay do'n na natatabunan ng isang may kalakihang puting tela. We don't know what's inside of that cloth. Pero may hula na ako na baka 'yun 'yung sinasabing parusa sa dalawang lumabag ng rule kagabi.
Napapalibutan din kami ng maraming tauhan dito. As in madami. There's also dogs around us, robot dogs.
Naibalik ko ang tingin ko sa harapan. May naglakad na isa sa mga tauhan dito sa mansion sa harapan na'min at may inilapag na isang parang disk.
What is that thing?
Maya maya pa ay may pinindot 'yung tauhan na naglagay no'n doon sa isang switch na hawak n'ya at sumulpot ang isang hologram.
A hologram of the game master.
Nakayuko 'yon at unti unting inangat ang tingin sa aming lahat. Ramdam kong nanlamig ang buong katawan ko.
He's wearing a mask. Alam n'yo 'yung mask na ginagamit ng mga anonymous hackers? Alam ko nagamit din 'yung mask na 'yon sa isang movie, I just don't remember what movie that is.
Why is he wearing a mask anyway? Pa-mysterious effect ganoon? Pinanindigan n'ya talaga 'yon simula nung una eh, no?
"What a good day it is, right players? A good day and beautiful day to start shredding blood." panimula n'ya kaya naagaw n'ya ang atensyon na'min lahat. His hologram is currently standing beside the thing na nababalutan ng puting tela na 'yon.
Ramdam na ramdam ko 'yung mapanindig-balahibo n'yang ngisi sa ilalim ng maskarang suot suot n'ya.
This man really can make us feel that we're digging our own grave just by staring back at him.
Kahit pa may nakaharang na maskara, you cannot deny the fact that his presence can make you tremble in different kinds of fear.
Pagkasabi n'ya no'n ay nilibot n'ya ang paningin n'ya sa amin.
Tumigil ang mga mata n'ya sa dalawang taong nakasira ng isang pinaka-pinagbabawal n'yang bagay.
Ang dalawa na'man ay napako sa kanilang mga tinatayuan at napayuko nang dapuan sila ng tingin ng game master.
Tumingin ang game master sa isang tauhan na nasa tabi n'ya at mukhang nakuha nito ang mensaheng nais sabihin nito.
Kumilos ang dalawang tauhan at hinawakan ang dalawa papunta sa harapan.
"My warnings still haven't threaten the two of you, huh?" the master asked.
Hindi nagsalita ang dalawa at nakayuko lang sila.
Bahagya kaming nagulat nang biglang sikmuraan ng isa sa mga tauhan si Brown.
Napahawak s'ya sa t'yan n'ya at namilipit sa sakit.
May isa na'mang lumapit kay Red at sinabunutan s'ya, napasigaw din s'ya sa sakit.
"Mukhang wala kayong takot na dalawa kaya sige, I'll make you do something that can test your courage and braveness.." sabi ng lalaking nakamaskara at tumawa ng tumawa.
Inalis ng isa sa mga tauhan n'ya ang nakatabing na puting tela sa harap. Bumungad sa amin ang isang malaking lamesa at nagulantang kami sa nakitang mga bagay na naroroon sa mesang 'yon.
There are different things in there. Mga bagay na pwedeng gamitin pang putol ng isa pang bagay.
There are scissors, chainsaw, a saw, different kinds of knives, a samurai, scalpel, and other things that is used for cutting.
Gusto kong sumigaw, mag protesta, pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng takot at pangamba.
Maraming nakabantay sa amin ngayon at alam kong isang maling kilos lang na'min ay maari kaming humandusay nalang bigla dito sa malawak na field na 'to.
Who am I to stop that game master from harming them? Kung anong gusto n'ya makukuha n'ya. Kung anong nais n'ya, magagawa n'ya.
Whoever stops him from doing those things is definitely digging his/her way to hell.
Ang lalaking ganoon ay isang baliw. Baliw s'ya! Yun lang ang masasabi ko.
Kinaladkad ang dalawa sa harap ng lamesang iyon ng dalawang tauhan. Nakatayo na sila sa harapan ng mesang napakaraming matutulis na bagay.
Tanaw ko mula rito kung papaano manginig ang mga kamay nilang dalawa.
"As much as I want to let my people do it for you, that'll be too boring right? So, I come up with a brilliant idea." sabi n'ya at itinuro ang mga bagay na 'yon.
"Because of not obeying my rules and not taking them seriously, you have to be punished. Para mas may thrill at enjoyable ang ating palabas ngayon, hindi ko hahayaan ang mga tauhan ko gumawa noon para sa inyo. Both of you have to pick one of the things on that table. At ang bagay na napili n'yo at gagamitin n'yo sa mga sarili n'yo." makapanindig-balahibo n'yang sabi. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan ko.
What?!
"Yes, you heard me right. Sa tingin n'yo nagbibiro ako noong sinabi kong magpaalam na kayong dalawa sa isa sa mga parte ng katawan n'yo? I'm not a very humouric person, you know." sabi pa nito at tumawa ng tumawa.
"You'll pick one of the things in front of you to use to your own self and CUT one of the limbs off of your body. What a marvelous punishment it is, right my dear players?" bumaling s'ya sa'min at nagtanong. Binalik n'ya din kaagad ang tingin sa dalawang alam ko ay nagsisimula ng manginig sa takot.
Natahimik kaming lahat na nanonood. Gustong magsalita, pero ayaw magaya sa kanilang dalawa. Napapalibutan kami ng iba't ibang robot dogs na anytime pwede kaming atakihin. Naiipit din kaming lahat.
"Oh, ano pang hinihintay n'yo? Pick one now and cut your own limb! Umiinit na oh, maiinitan ang mga kasamahan n'yong dalawa." singhal sa kanila ng game master. It's just a hologram of him pero ang boses at paraan ng pagkilos ay natural na natural.
May lumapit na isa sa mga tauhan n'ya at napansin ko kaagad ang hawak hawak nito sa kanang kamay n'ya. Nanlaki ang mga mata ko. A gun!
Nanginig pa ako nang ma-realize kung anong balak n'yang gawin para mawalan ng choice ang dalawa kundi gawin ang nais n'ya.
He will use that gun to threaten them para putulin ang parte ng katawan nila!
He's so heartless! I can't believe there's still a person existing on this world who's as cruel as he is!
Itinaas ng lalaking 'yon ang baril na hawak n'ya at walang sabi sabing pinaputok 'yon sa paanan ng dalawa. Napatalon silang dalawa sa takot at kami na'man ay napatakip sa bibig na'min.
"Ano? Gagawin n'yo ba o hindi? Naiinip na ako." sabi ng nakamaskarang lalaki at umaktong humihikab.
"A-ako nalang! Ako nalang parusahan mo! Ako na'man ang nauna at kung hindi ko ginawa 'yon ay hindi magsasalita si Red kaya ako nalang!" biglang sigaw ni Brown.
What the f**k are you doing?! Wrong move!
"Oh, acting like a hero huh? What do you want me to call you? A superhero? Pinapatawa mo ba ako? Who gave you a permission to talk back at me?" sunod sunod na tanong ng game master sa kan'ya na animo'y hindi makapaniwala. Natahimik si Brown at nanginig ang mga kamay.
"Ahhh! f**k!" napasigaw si Brown nang paputukan s'ya sa kanang braso n'ya. Nagulantang kaming lahat.
"Cut.Your.Limbs.Now" May diin na sabi ng game master sa bawat salitang binanggit n'ya.
Itinaas n'ya ang kaliwang kamay n'ya bilang sensyas. Nagpaputok ulit ang tauhan na 'yon at sa may bandang uluhan na'man nilang dalawa.
Nakahawak si Brown sa parte ng braso n'yang pinaputukan na ngayon ay umaapaw na ang dugo.
Nanginginig na iniangat ni Red ang kanang kamay n'ya para kumuha ng isang bagay na nakalatag sa lamesang 'yon.
Napatigil sa pag-inda ng sakit si Brown at napatingin sa kan'ya.
"Don't!" sigaw n'ya kay Red. Pero si Red ay mukhang walang naririnig at dumampot ng isang butcher knife.
Nanlaki ang mga mata ko. What is she planning to cut by that thing?!
Iniangat n'ya 'yon at ibinagsak sa kamay n'ya na nakapatong sa lamesa, sa isa sa mga daliri n'ya to be specific.
"Ahhh!" Napasigaw s'ya sa sakit at nabitawan ang butcher knife na ginamit n'ya. Nalaglag 'yon sa sahig at napahawak s'ya sa parte ng daliri n'yang pinutol n'ya. Kitang kita na'min kung pano humiwalay ang daliring iyon sa kamay n'ya at kung papaano sumirit ang dugo mula roon.
Nakatitig lang si Brown sa kan'ya, hindi makapaniwallang nagawa n'ya sa sarili n'ya 'yon. Punong puno na ng dugo ang suit n'ya sa bandang braso na natamaan ng bala.
Maya maya pa ay kumuha na din s'ya ng isa sa mga bagay na nakalatag sa mesa. Napatingin si Red sa kan'ya nang iangat n'ya ang bagay na napili n'ya. Napasinghap ako nang makita 'yon.
He chose the samurai!
Hawak hawak n'ya 'yon gamit ang kamay n'yang walang pinsala. Inilatag n'ya ang buong kamay n'ya sa mesa at inangat ang samurai na 'yon.
"Don't do it!" sigaw ni Red pero huli na dahil umalingawngaw na ang sigaw at pagpalahaw ni Brown nang dumapo na ang matulis na parte ng samurai sa kan'yang kamay.
Kitang kita ng dalawang mata na'ming lahat kung papaano humiwalay ang kamay n'ya sa kanang braso n'ya. Sumirit ang napakaraming dugo do'n.
"Argh! s**t!" inda n'ya at napaluhod sa baba sa sobrang sakit.
Ang mga ugat na humiwalay sa kamay n'ya at sa braso at kitang kita ng mga mata ko. Hindi ko maialis ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko sa sobrang gulantang sa mga nasaksihan.
clap clap clap
Sa gitna ng pagpalahaw at pagsigaw ng dalawa ay nangibabaw ang palakpak ng lalaking may pakana nitong lahat.
Kahit hologram lang n'ya 'yon ay tinitigan ko 'yon ng masama at kinuyom ang isa kong kamao.
You damn bastard! Nasisiraan ka na nga talaga ng ulo! Demonyo ka!
"Well done! I am very much entertained. Binuo n'yo ang araw ko, mga bata HAHAHA." Sinenyasan n'ya ang mga taong naka puting suit na nakatayo lang sa gilid. Gumalaw ang mga 'yon ag binitbit ang dalawa na parang mga sako lang ng bigas.
Nawalan ng malay ang dalawa. Dahil na din siguro sa sobrang trauma at sa dami ng dugo na nawala sa kanila, lalo na si Brown.
I hope he make it at hindi s'ya tuluyang malagutan ng hininga.
Lahat ng tao dito na nasa ilalim ng game master ay mga walang puso. Lahat sila.
Sinundan ko ng tingin ang mga naka puting mga tao habang bitbit bitbit ang walang malay na'ming mga kasamahan.
"Itong putol na kamay na 'to at itong daliri ay ipakain mo sa aso ko." sabi ng game master sa isa sa mga tauhan n'ya. Tumango 'yon at inilabas ang isang nilalang.
Nanlaki ang mata ko nang makitang hindi 'yon natural na aso lang. That's a f*****g wolf!
Bahagya ka'ming napaatras sa pwesto na'min ng sinubukan ng wolf na 'yon na makawala sa pagkakadena sa kan'ya. Mukha 'yong gutom na gutom.
Inilahad ng tauhan ang putol na kamay at daliri sa lobong 'yon at walang ano pa man ay nilapa 'yon ng lobo.
Nang makain n'ya ang mga 'to ay hinatak na s'ya palayo ng tauhan.
"Did you enjoyed my show this morning? I hope you do. Ang saya, hindi ba? HAHAHA." biglang sabi ng game master dahilan para mabaling na'ming muli ang aming tingin sa kan'ya.
Ikaw lang ang nasisiyahan sa ganoon dahil demonyo ka!
Pagkasabi ko noon sa isipan ko ay s'yang pag pako ng tingin n'ya sa akin. My body stiffened.
Did he heard what I just said kahit na sa utak ko lang na'man 'yon?
"You'll use the rest of the hours of this day to guess who the impostor is. Or have a hint. See you soonest, my dear players." Sabi n'ya ng hindi inaalis ang titig sa akin bago mawala ang hologram n'ya.
Narinig n'ya ba ang mga sinabi ko sa utak ko? And what does he mean by 'see you soonest, my dear players?'
We'll meet him personally, soon?
Habang tinititigan ang pwesto kung saan nakatayo kanina ang hologram n'ya, isa lang ang naisip ko.
That is one hell of a mad man.