Chapter 13.

2181 Words
Hindi ako sumabay sa hapunan dahil sobra yung busog ko, napakadami ba naman kasing pagkain ang inoder ni Arch. Binuksan ko ang pintuan ng may kumatok dito. "Manang." "May kailangan po ba kayo?" "Pinapatawag ka ng papa mo." sabi lang nito at tumalikod na, sumunod naman ako dito at dumiretso sa office ni papa. "Pasok!" "Pinatawag niyo daw po ako." magalang kong bungad ng makapasok ako. "Naka-usap kuna si Mr. Vincente and his coming this Saturday. I want you to behave." "Pero Pa, ayaw ko po talagang ikasal." tanggi ko. "Do me a favor Freatch, be a good daughter just this once, wag mo namang pasakitin ang ulo ko may kaso pa akong hinahawakan." What he said brought me tears, haven't I been a good daughter for years now. "Pero Pa, ayaw ko po talaga ng ikasal I want to graduate and have a law degree." gumagaralgal kong sabi. I've been doing this for years, begging sana naman pagbigyan niya na ako. "Diba sinabi kuna wala kang mapapala jan, mapapahiya ka lang ipapahiya mo lang ang pangalan ko." "Gusto ko na ding makahinga ng maluwag, thinking that you won't be around anywhere in the house anymore. Just give this to me, magkasilbi ka man lang sakin." His words ring on my ears, SILBI? Hindi ba yan din ang sinabi ng tatay ni Jadied and where is she now, a cold dead body. "Nooo! Hindi ako magpapakasal, pagsisikapan kong makapagtapos kahit anong mangyari."puno ng determinasyon kong tanggi. "Then leave, it's either you will marry Mr. Vicente or you will leave this house. Kapag lamabas ka ng bahay na to ay hindi na kita kargo, ikaw na ang bahala sa sarili mo." "Pero Pa!" "Mamili ka, ang ikasal o ang lumayas sa pamamahay na ito." mataas ang boses na sigaw niya sakin. "Why are you doing this?" hindi makapaniwalang tanong ko. Paulit-ulit ako sa mga tanong ko kahit alam ko naman na parehas lang ang sagot. "Because I want you out of my sight, out of my house and out of my life. Your a disgrace to me. Having you as a daughter is a curse." "But why?" namamaos na boses kong tanong. "Bakit mo ako pinalaki, binihisan at pinag-aral kahit ayaw mo?" It hurts to hear those words from him, bakit ba hindi niya ako kayang mahalin? He is my whys in life. "Because I don't have a choice, dahil tuwing nakikita ko ang mukha mo hindi ko mapigilang isipin kong bakit pinalaki kita... hindi naman kita anak?" His word streak like a lightning. ANAK "Ano pong ibig niyong sabihin?" "You heard it right, hindi kita anak dahil niloko ako ng nanay mo." malakas na sigaw nito sabay hampas ng mesa at tayo. "No, nagkakamali po kayo hindi magloloko si mama, she's not a cheater, she will never cheat, hindi manloloko si mama." paulit-ulit kong sabi. Ayaw kong maniwala, hindi yun totoo, gusto niya lang siraan si mama sakin. "Yan din yung sinabi ko sa sarili ko ng malaman ko na buntis siya, paulit-ulit kong inuuntog ang ulo ko para lang magising sa masakit na bangungot na nangaliwa ang asawa ko, na pinagtaksilan ako ng asawa ko, pero tuwing gigising ako ng umaga walang nagbabago yun at yun pa rin. " "Hanggang sa makasanay ko na lang." "Kailangan kitang buhayin kasi yun yung kapalit ng buhay ng tatay mong pinatay ko." Umiiling-iling ako, ayaw kong maniwala. "No, no... Nagsisinungaling ka lang, gumagawa ka ng kwento para takutin ako." "It is TRUE... and I am not lying, buntis ang mama mo sayo ng subukan nilang magtanan ng tatay mo. She's 5 months pregnant but she's determined to leave me, leave US na parang wala siyang anak." umiyak ng sabi ni papa. It hurts me more, kasi yung taong pinaka-ayaw ko sa buong buhay ko nasasaktan at umiyak sa harapan ko ngayon at ang dahilan noon ay ang taong pinakamamahal ko. Ma! "Our marriage started great wala akong masabi sa ugali ng mama mo, she's understanding, caring, and loving person, until sometime na mag 3 years old si Ayen our relationship started to shutter hanggang..." he stop midway sigh. "nabuntis na nga ang mama mo, mabilis ang pangyayari na hindi ko malaman kong saan nagsimula." pahina ng pahina niyang sabi. "I don't want her to leave, masyado pang bata si Ayen para mawalan ng isang Ina, sinabi kong tatanggapin ko ang bata wag lang siyang umalis, and I don't want to see my son looking for his mother." he continues said while crumbling in the ground, then look at me. "Alam mo ba kong ano ang pinakapangarap ko ng bata ako?" a twinkle in his eyes was seen.. "It's to have a complete family, Pabulong niyang sabi pero rinig ko pa din. "Because I never had a one, I don't know how it feels to have one, kaya ayaw kong mangyari yun kay Ayen." "I beg for your mother to comeback but she won't hanggang sa naisip ko na kapag napatay ko yung tatay mo babalik siya sakin...and it happened." he said starting to stand up. "Pero alam mo ba kong bakit hindi ako nakulong kahit na judge naman ang kapatid ng tatay mo?" he said intently looking at me na parang kahit hindi niya sabihin ay alam kuna ang sagot. "It's against the law." mahina pero sabay naming sabi. It gives me chills all over my body. It's the most sacred law in the system, no one is allowed to cheat inside marriage. The more decent in my perspective. "Isang malaking kahihiyan sa pamilya nila at sa buong lugar kapag nalaman ng lahat ang nangyari, everything is settled in the dark and went back to normal." "Bumalik sakin ang mama mo, bilang kabayaran I have to finance for the both of you." "Is that why you never love me?" I ask hoping that maybe kahit hindi niya ako anak ay minahal niya ako. He look at me and smile faintly. "I am under no obligation to love you Freatch dahil hindi kita anak, kasi kung mama mo nga hindi minaahal si Ayen at Topi kahit na anak niya naman maybe I would have considered loving you." "But she never cared for them, more of loving them kahit na anak niya naman sila, just YOU!" "Na parang ikaw lang yung anak niya." he said and slowly sit on his chair na parang nauupos na kandila. Baka sa mukha niya ang sobrang pagod, tingin naman ang ginagawa ko. He looks different right this moment, that mighty mountain that I used to look up lools like a valley now. Para siya ng malaki ng puno na yumuko hanggang sumayad sa lupa. "Panahon na rin para malaman mo ang katutuhan, hindi man ako naging mabuting tao sayo pero hindi ako naging kasing sama katulad ng nanay mo." "And now I understand that all this years I have loved the wrong woman and that is your mother, she's my greatest and dumbest mistake in life." and smile bitterly. "Pa!" wala akong masabi maliban doon, I understand him kong ano ang pinang-gagalingan ng galit niya kong bakit nangyari ang lahat ng ito, pero gusto kong marinig ang panig ni mama. Kasi deep inside umaasa ako na hindi totoo ang lahat, na nagsisinungaling lang si papa, pero hindi ko maitanggi dahil sa bawat patak ng luha ni papa nakikita ko sa mukha niya ang sobrang sakit na kahit nakatayo lang ako sa harap niya at tiningnan siya ay sobra akong nasasaktan. Siguro yun yung isa sa bagay na hindi makontrol ng tao minsan kapag hindi muna kaya yung sakit, kahit hindi ka magsalita mararamdaman ng mga taong nasa paligid, it's just that sometimes people are more busy in their own problems and pain. Asking for his love maybe hard for me but I never beg because I fight for it, I made a race for myself , ang ipaglaban yung pagmamahal na gusto kong makuha galing sa kanya. But his different. Maybe people beg kapag wala nang ibang paraan para makuha yung tao o bagay na gusto nila, kapag ubos na yung options mo sa buhay kundi ang magpakumbaba at lumuhod dahil yun na lang yung huling alas na meron ka, pero minsan hindi mo pa din makuha. To hear him beg, is a bomb for me I never forsee him that way and it never occurred to me this will happen. "You can go now, mag-usap na lang tayo bukas." I stop my thoughts as I hear his voice. Yumuko ako at lumabas ng tahimik. Dumiretso ako sa kusina para manghiram ng flashlight kay manang, I want to spend the night at the tree house. Ayoko sa kwarto ko pakiramdam ko hindi ako makakapag-isip ng maayos doon dahil nandoon yung mga alaala ko kay mama lalo naman dito sa loob ng bahay, para akong masusuffocate sa mga nangyayari at nalaman ko. "Manang pwedeng makihiram ng flashlight, hindi din po ako matutulog dito ngayong gabi." tanong ko ng makita ko si manang na naglilinis ng kusina. Gabi na din at mukhang matutulog na siya. "Oh, pina-iyak ka na naman ba nang papa mo?" nag-aalala niyang tanong. "Hindi po naalala ko lang si mama." "Ganun ba, kung may problema ka magsabi ka lang, sandali at hahanapin ko lang yung flashlight. Hintayin mo ko dito at mabilis lang ako." Tumango naman ako, mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisnge ko , naisip ko na baka may alam si manang dahil matagal na siyang nakatira dito sa bahay pero natatakot pa akong malaman ang katutuhanan. Gusto kong maka-usap si manang kapag maayos na ang pag-iisip ko pero sigurado akong hindi yun ngayon. "Oh ito." Lumingon naman ako sa likod ko at nakita si manang na inaabot sakin yung flashlight. "Salamat po, babalik po ako dito ng maaga bukas." sabay kuha ko flashlight. Tumango naman si manang at ngumiti. "Kailangan mo pa ba ng kasama papunta? Pwede naman kitang ihatid." "Hindi na po, malapit lang naman yung tree house." "Sige at ihahatid na lang kita ng tanaw jaan sa likod." Sabay na kaming naglakad palabas ng bahay. "Manang..." "Bakit?" "Wala po. Sige mauuna na po ako." Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa. At nauna na akong naglakad sa madilim at tahimik na kagubatan. Pakiramdam ko hinehele ako ng malamig na hangin, ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin. Lagi akong dumadaan dito pero hindi ko laging napapansin ang mga ganitong bagay. Napahinto lang ako ng madaanan ko isang malaki at mayabong na puno. It's so majestically breathtaking beautiful, masyado itong malapad pero dahil sa napakadaming alitaptap na lumilipad sa paligid nito kaya nagbibigay ito ng kakaibang tanawin. Tumingin naman ako sa ibang mga puno, hindi man ganun kadami pero may iilan pading mga alitaptap. Tumayo ako sa ilalim ng puno ng matagal, wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin at mamangha. Nature is always astonishingly beautiful, perfect or not, complete or broken, colourful or plain. Napapangiti ako ng hindi sinasadya, hindi matapos-tapos ang paghanga ko. It's the small movements of the fireflies and light they are carrying which makes it beautiful. Napatingin ako sa langit ng mapansing lumiwanag ng konti. May buwan pala, it's half moon. Hindi man sobrang maliwanag pero binibigyang depinisyon nito ang mga bagay-bagay na nasisinagan nito. I sigh heavily, siguro kaya din ako lumabas hindi ko man alam na ganito kaganda ang gabi pero pinapakalma at inaalis nito ang mga sakit at agam-agam na nararamdaman ko habang nakatingin sa kakaibang tanawin. Nagpatuloy na akong maglakad, ayoko kong gabihin ng husto sa daan, delikado pa rin dahil gabi. Maybe I'll enjoy this scenery inside the tree house. Mabilis na akong umakyat at itinaas ang hagdanan para wala nang maka-akyat na ibang tao. Binuksan ang ilaw at sinindihan ang lampara, walang kuryente dito kaya kahit hindi ganun kaliwanag ay pagtyatyagaan ko nalang yung lampara at kandila. I look at the cloak, it's 8 in the evening. Binuksan ko ang bintana para sumilip sa labas. Walang tao. Sinalubong naman ako ng napakalamig at malakas na simoy ng hangin. Hayy, this is life. I grab our mini chair and sit infront of the window just like old times. Natutuwa akong makita ang mga alitaptap sa baba na lumilipad. Malakas din ang lagaslas ng tubig galing sa ilog ng Malambunga kahit na malayo-layo naman ito. Pinatong ko ang ulo ko sa kamay ko habang nakatukod ang braso ko sa mesa. I miss this, yung wala kang iisipin tapos tutunganga ka lang habang walang ginagawa at pinadadaan ang oras. It's good to have this kind of tranquility in life. Nakakabaliw ang buhay kong minsan, nakakawala sa katinuan kaya nagpapasalamat ako sa kalikasan. It's innocence is so pure... that it could wipe my tears and problems away for the meantime. Nakatulugan kuna ang pagtingin sa paligid at nagising na lang ng maramdaman ang sobrang lamig ng umaga. Gabi pa. Mabilis naman akong tumayo at naglakad papasok sa kwarto, dahil antok na antok pa ako. Mamaya nalang ako uuwi kapag sumikat na ang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD