Chapter 1

2566 Words
“Ahhh!” “Hmmm! Shiit! Ang sarap!” “Sige pa. Ahh!” “Idiin mo! Yan! Ahhh!” “Wag kang tumigil, Isabelo.” Mahigpit na napakapit ang isang kamay ng isang dalaga sa armchair ng kinauupuang sofa at ang isang kamay naman ay napasabunot sa cover ng sandalan kasabay nang mabibigat na paghinga. “Ahhhhhh! Isabelo!” Muling sigaw ng dalaga at ang kamay na nakahawak sa armchair ay napasabunot na sa buhok ng lalaking nakaluhod sa kaniyang harapan. Subalit, kabaliktaran ng dalaga, nakakunot ang mukha ng lalaki. “Sige, isang ungol mo pa talaga, pipilayin ko na nang tuluyan itong paa mo!” “Subukan mo at ako ang tatapos ng buhay mo,” inis na saad ng dalaga habang nakapikit. Pinisil nito ang paa ng dalaga. “Ano kamo, Natasha?” “ARAY!!! Sige na hindi na. Ayusin mo na at mahuhuli na ako sa lakad ko.” “Yan, mabuti naman at nagkakaunawaan tayo.” “Peste ka.” “Ah talaga!” Muling pinisil ni Isabelo ang paa ni Natasha at ganon na lamang ang pagliyad ng dalaga sa sakit. “Hindi na. Hindi na.” “Maging mabait ka sa akin, dahil ako lang ang meron ka sa mundong ibabaw.” Inikot-ikot ni Isabelo ang paa niya at hinigit ng isang bigla. Napaimpit na lamang ang dalaga sa sakit bago maluha-luhang pahigang namilipit sa sofa. “Sa susunod kasi, ayusin ang paglalakad. Hindi yong para na lamang laging may hinahabol.” “Sensiya na. Alam mo naman na bawat segundo sa akin may halaga. Hindi naman kasi umaapaw ang pera ko para pwede akong magpachill-chill lang sa buhay.” “Hoy, babaita ka. Ang sabihin mo, nagmamadali ka na naman dahil sa magaling mong ina.” “Shut up, Isabelo.” Pilit na tumayo si Natasha at nakangusong inilahad ang palad. “Yong ice pop ko, akina na.” “Ay iba, ice pop pa rin.” “Malamang. Galawin ng lahat wag lang ang ice pop ko.” Iniabot ni Isabelo ang basa at namamawis na ice pop kay Natasha. “O, ice pop mo.” “Ge, una na ako. Salamat.” “Anong mauuna ka na? Hintayin mo na ako. Magmimake-up lang ako.” Tumaas ang dalawang kilay ni Natasha. “Hihintayin kita? Nagpapatawa ka ba, baks? Kung gagawin ko yon baka sa isang linggo ka pa matapos.” “Ang OA? Isang linggo? Mga apat na oras lang ito.” “O kita mo.” “Aayusan na rin kita. Jusko, ngayon ka na nga lang lumabas ng bahay niyo hindi ka manlang nag-ayos.” “Mag-aayos ako tapos pipila lang naman ako sa ayuda ng senior? Sige na lalakad na ako.” Hindi na inintay pa ni Natasha ang sagot ng kaibigan. Nagpatuloy na siya sa pagpalalakad palabas ng tinutuluyan na condo ng kaibigan. Dumaan lang sana siya sa kaibigan para isauli ang mga pinapadala nitong mga erotic novels kaso dahil sa pagdadali-dali ay natapilok siya sa hagdan paakyat sa unit nito sa ikalimang palapag. “Para ho!” sigaw niya nang may dumaan na jeep. Madali siyang sumakay at nag-abot ng bayad. “Sa Alivarda ho.” Inabot ng matanda ang kaniyang bayad dahil sa dulo na siya nakaupo at doon lamang niya napansin na halos lahat ay matatanda ang nakasakay. “Swerte naman ng lola mo, iniintindi mo siya. Samantalang ako, wala manlang isang apo na mapakiusapan. Jusko, iba na talaga ang panahon ngayon. Sigurado, ikaw na lang ang walang asawa ano?” usisa ng isa sa matatandang babae. Ngumisi at tumango na lamang si Natasha dahil alam na alam niyang sa oras na sumagot siya, katakot-takot na kwento na ang susunod. Inilabas niya ang earbuds at isinaksak sa magkabilang tenga saka pumikit. Wala namang tumutugtog sa tenga at wala rin naman siyang balak na matulog, ayaw lang niya makipag-usap. Pagdating sa bayan kung saan inannounce ng mayor na magbibigay ng mga ayuda sa senior, inintay lamang niya magsibabaan lahat ng mga matatanda sa jeep at sumunod na siya. “Ayos, kaunti pa lang ang tao,” sabik na bulong ni Natasha at agad na dumako sa pila. Iyon lamang, inabot na naman si Natasha ng kaniyang kahinaan. “Ineng, ikaw ba ay kasama mo ang lola mo?” tanong ng isang mtandang babae na uugod-ugod na talaga. Umiling si Natasha at pilit na ngumiti. “Sige ho, La. Dito na kayo sa pwesto ko.” Humakabang siya paatras at inalalayan ang matanda na sumingit. Buti na lamang at wala siyang kasunod kaya walang problema kung magpasingit siya. “Napakabuti mong bata,” anito. Iyon lamang, hindi pa natatagal ay mag-asawang matanda naman ang lumapit sa kaniya. “Iha, kami nama’y pasingitin mo. Hirap na kaming mag-asawa.” Ngumiti nang alanganin si Natasha at muling humakbang paatras. “Sige ho, singit na ho kayo.” At di nga naglaon, ang kaninang kinatatayuan ay mahigit dalawampung hakbang na ang layo niya. “Ahhh! Natasha!” inis niyang bulong sa sarili at mabilis na napaungkok sa dismaya. Tirik na ang araw at ramdam na rin niya ang pagod sa kaniyang mga binti dahil sa tagal ng itinayo. Ang mga pinasingit niya kanina, mga nakakuha na. Tumingin siya sa kaniyang relos at mahigit dalawang oras na rin ang nakalilipas at hindi man pa rin siya makasundo-sundo sa unahan dahil sa dami nang sumisingit. “Tabi! Excuse me! EX-CUSE-MEYY!!!” Natigil si Natasha sa pagbubulong nang marinig ang boses ni Isabelo sa kalayuan. Napailing siya. Hindi man tingnan ay alam na alam na agad niya na ito ang kaibigan. “Hay! Sa wakas, nakita rin kita!” inis na saad nito nang padabog na tumigil sa kaniyang tabi. “Congrats, nakita mo ako. Buti dumiretso ka sa likod.” “Ay malamang bakla ka ng taon. Pangalawa sa santo papa, sumunod ka na sa labis sa pagkakawang-gawa kaya alam na alam ko na mananatili ka sa likuran ng pila kahit sigurado akong dapat ay kanina ka pa nakakuha.” “Baks, matatanda sila. Anong gusto mong gawin ko?” bulong ni Natasha nang iangat ang tingin sa kaibigan. “Saka yang bibig mo, hinaan mo naman, baka marinig ka.” “I know. Right? Ano nga bang gagawin mo kundi ang unahin ang kapakanan ng iba. Bwisit! Buwan-buwan na lang, andito ka tuwing magbibigayan ng tulong sa mga senior citizen. Buwan-buwan, umaraw man o umulan.” “Baks. Walang-ibang gagawa.” “Malamang. Wala naman talagang gagawa dahil napakakataas ng pamilya mo, hindi manlang sila magpapabahid ng kaunting pagod kasama ang mga dukha. Di ba? Tsk! Sa dami ng anak ng lola mo, wala manlang kahit isa ang maaasahan sa ganitong mga bagay. Hindi naman ganon kayaman ang pamilya mo.” “Ikaw ba ay dumayo para laitin ang pamilya ko? Dahil kung yan lang ipinunta mo, umalis ka na at nag-iinit ang ulo ko.” “Hindi naman sa ganon. Nagkakawang-loob lang ako na ilabas ang mga hinaing mo dahil alam kong kahit mamuti na ako sa kadadada, hindi mo manlang sasabihin ang mga hinanakit mo. Iipunin mo lang ang lahat diyan sa dibdib mo. Halika ka na tumayo ka na. Kinuha ko na sa main office ang sahod ng lola mo.” “Isabelo! Pinag-usapan na natin ito na—” “Manahimik kang babae ka. Para saan pa at naging kaibigan mo ako kung wala akong magagawa para pagaanin kahit kaunti manlang ang buhay mo?” Tumayo si Natasha at ngumuso. “May resibo ba yan? Sinasabi ko sayo, kahit 85 na si lola, matalas pa yon.” “Oo na po.” “Salamat.” Hinablot ni Natasha ang pera at ang resibo mula sa kamay ni Isabelo at maayos na isinilid sa isang sobrang puti. “Walang anuman. Damang-dama ko ang saya sayo. Kita mo ito, handa naman pala. Kunwari pa ay ayaw gumamit ng kaunting panlalamang sa kapwa.” “Kilala lang kasi kita, Isabelo. Dahil saksakan ang yabang...este ang yaman mo, ginagawa mo kahit anong maisipan mo. Alam kong di ka paaawat at kukunin mo pa rin sa head office gamit ang pangalan ninyo pero hindi mo maiisip ang puting sobre na dapat ay nakalagay ang pera.” “Wow! Iba ka talaga.” “Sige na, mauuuna na ako.” Mabilis na naglakad si Natasha paalis sa pila at palayo sa kaibigan. “Hoy! Ano ba naman yan! Teka lang! Hintayin mo ako, hindi ako makapaglakad nang mabilis dahil sa heels ko.” “Hiningi ko ba na magheels ka?” walang modong sagot ni Natasha sabay tingin sa kanan at kaliwa bago tumawid ng kalsada. “Di ba may usapan tayo na sabay na tayo papunta sa ospital? Hello? Ano panaginip na lang ulit?” inis nitong paalala saka mabilis na humabol patawid. “Wag na. Kaya ko naman mag-isa. Dadaan pa pati ako sa bahay.” “Wala akong pake, sabay na tayo,” pagpupumilit nito pero mas binilisan na ni Natasha nang paglalakad at hindi na ito nilingon. Pagkarating sa paradahan ay walang kaarte-arteng nag-abot ng bayad si Natasha sa driver at umupo sa likurang bahagi ng tricycle dahil punuan na at wala siyang pwedeng sayanging oras. Mahigit tatlumpong minuto rin ang binyahe bago tumigil ang tricycle sa tapat ng lumang tarangkahan ng bahay ng lola ni Natasha. “Lola, andito na ho ako,” malumanay na tawag ni Natasha sa lolahin habang tahimik na nanalangin na sana ay hindi mapansin na napaaga siya. “Apo? Ang bilis mo naman ata?” tugon nito at kakapa-kapang lumabas mula sa kwarto nito. Napapikit si Natasha at hindi muna sumagot. Mahigit tatlumpong taon ng bulag ang kaniyang Lola Berta. “Tulungan ko na ho kayo.” Patakbong inilalayan ni Natasha ang matanda at iniupo ito sa rocking chair nito sa sala. “Kako, bakit ang aga mo?” tanong ulit ng matanda habang nakalahad ang palad. Napangiti ng kaunti si Natasha at inilapag ang sobre sa palad nito. “Kasi po maaga ako nagpunta. Pag-alis nina Mama kanina papasok, lumakad na rin ho ako. Sakto naman pong kakaunti pa lang ang tao tapos naroon na rin ang mga kawani na mamimigay, nagsimula na sila para raw hindi mag-ipon ang tao.” “Aba, mukhang may pagbabago naman sa sistema. Ayos, kung gayon. Magkakano ito?” tanong ng matanda habang hinihipo ang malulutong na pera. “Ah, anim hong tig-iisang libo, Lola.” “Siya, salamat.” “Sige ho, Lola. Mauuna na rin ho ako, papasok pa ako sa trabaho.” Tumawa ang matanda at umiling. “Traba-trabahuhan kamo. Ikaw na bata ka ay itigil mo na yang ginagawa mo at sa ospital ka na mismo magtrabaho. Sayang ang ipinagpaaral sayo. Sayang ang tinapos mong pagnanursing. Hindi ka gumaya sa kapatid mo na si Jenna, siya ang bunso pero may direksiyon ang buhay. Panganay ka pa mandin. Tuloy, pati si Marco, nagagaya na sayo.” “Sige ho, Lola. Lakad na ho ako,” matamlay na sagot ni Natasha at marahang kinabig ang pinto ng bahay pasara. Habang naglalakad papunta sa tarangkahan ay nakaramdam ng pagkahilo si Natasha at pagbigat ng dibdib. “O ano, kaya pa?” Bumuntong-hininga si Natasha at umirap. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “Sinabi ko na sayo diba? Sabay na tayo sa ospital. Sakay na. Wag ka nang tumanggi. Malaking katipiran rin ito sayo kung di ka na mamamasahe,” wika ni Isabelo sabay bukas ng pinto ng kotse sa passenger’s seat. Ikinandado Natasha ang padlock ng gate at sumakay sa kotse. Tahimik silang nagbiyahe ni Isabelo papunta sa ospital. Wala ni isa ang nagtangkang umimik. Pagdating sa ospital ay agad silang nagtungo sa third-floor at naupo sa waiting area pagkakuha ng number sa pila. “Psst! Andito ako, baks ha,” bulong ni Isabelo pagkatapos siyang sagiin sa balikat. Natigil sa pagsicellphone si Natasha at tumingin sa kaibigan. “Oo. Alam kong nariyan ka. Kita ko.” “Tangna ka talagang babae ka. Porket pinagkaitan kang tratuhin ng maayos ng pamilya mo, wag mo namang makalimutang tao ka pa rin.” “Sa tagal nating magkaibigan, sana naman alam mo kung kelan ako seryoso at kung kelan ako nagiging sarkastiko. Alam mo, Isabelo, kung dadada ka ng dadada ng ganito sa akin, mas mabuti pang umalis ka na lang.” “Eto naman. Pag ako nawala, baks, mamimiss mo ang bibig ko. Promise!” natatawa nitong sabi saka may kinuhang biskwit sa dalang bag. “Oh alam kong wala ka pang almusal.” “Salamat,” maiksing saad ng dalaga at nahihiyang tinaggap ang biscuit. “Wag mong sabihing puno ng pagkain ang bag mo?” “Binili ko na ang lahat ng klase, wala kasi yong paborito mo. Alam ko namang magtitiis ka na naman ng gutom sa abot ng makakaya mo.” Mabilis na kinain ni Natasha ang biskwit at uminom ng tubig na baon rin ni Isabelo. Sakto namang nililigpit niya ang pinagkakainan nang lumabas na ang numero niya sa patient’s monitor sa unahan. “Miss Natasha Montes, kayo na ho,” sabi ng nurse sa reception area sabay ngiti. Tumango si Natasha bilang tugon at isinuksok ang cellphone sa bulsa. “Nurse, pwede akong sumama? Ako lang kasi ang may pakialam sa taong yan,” banat pa ni Isabelo. “Yes sir, pwede po.” Bahagyang natawa si Natasha at nakataas ang kilay na naglakad papunta sa opisina ng doctor sa pag-aakalang palalagpasin na lamang ni Isabelo ang nasabi ng nurse pero doon siya nagkamali. “Excuse me, Miss? Sa ganda kong to? Sa laki ng boobs at kapal ng make-up ko? Sir? Nagpapatawa ka ba? Bago ka lang ba rito? Hindi mo ba alam na pagmamay-ari ng pamilya namin ang ospital na ito?” banat ni Isabelo dahilan para matigilan sa paglalakad si Natasha. Kunot-noo siyang naglakad pabalik at hinablot ang braso ni Isabelo. “Halika na! Dadayo ka na naman ng gulo!” “Ah hindi! Kanina pa talaga ako nagtitimpi eh.” “Isa, Isabelo!” nanlilisik ang mga matang banta ni Natasha sa kaibigan. Hinablot nito ang braso mula sa kaniyang pagkakahawak at nagmamartsang naglakad papasok sa opisina ng doctor. “Good morning, Doc,” bati ni Natasha pagpasok kasunod ni Isabelo at isinara ang pinto. “Good morning, Miss Montes. Mukhang may LQ kayo ng pamangkin kong maganda?” biro nito sabay kindat kay Isabelo. Napangiti sa wakas si Isabelo at naupo sa monoblock chair sa harapan ng desk. “Tito, don’t do that.” “Bakit, maganda ka naman talaga.” “Magandang palaaway,” biro ni Natasha at naupo sa tabi ng kaibigan. “Anyway, back to why I called you both, especially sayo Natasha kung bakit pinatawag kita as patient. Mabuti na rin lang at magkasabay na kayo para isahang bagsakan na lang—” Huminga ito nang malalim ang doctor at pinagdaop ang dalawang palad saka isinangkal sa baba. “I’ll be straight to the point kasi I cannot find any way to put it into good words para lang palubagin ang loob niyo lalo ka na Natasha. Both of your medical results came in today, at kinalulungkot ko na iisa lang ang pwede sainyo lumipad papuntang Canada. Ikaw yon Isabelo. Unfortunately, may nakitang problema sa puso mo, Natasha and that makes you unfit for the transfer job of being a resident nurse sa Canada. It pains me to say, you are dying, Natasha.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD