Chapter 2

1294 Words
Matinding katahimikan ang namayani sa loob ng silid kung saan wala ni isa kina Natasha at Isabelo ang agad na nakapagsalita. “I know this is sad and sudden, but we can’t control things,” sabi ng doctor. “P-Pero, paano? Bakit ho? Ano pong problema sa puso ni Natasha? Manhid at bato ang puso nito kaya paano magkakaproblema ang puso nito? Tell me, tito! Why??? I can’t! Ilang taon? Buwan? Linggo? Araw?” Hysterical na usal ni Isabelo dahilan para mabasag sa wakas ang matinding katahimikan. Napapikit si Natasha at tinabunan ang bibig ng kaibigan. “Ang OA lang, baks? Ikaw ang mamamatay?” Ibinaling niya pabalik ang tingin sa doctor. “Ano ho ang problema sa puso ko, Doc?” Inalis ni Isabelo ang kamay ni Natasha at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya. “Ay hala siya. Napakakalma. Te, mamamatay ka na oh.” “Alam ko. Narinig ko. Bakit, kapag ba naghilahod ako sa sahig sa kaiiyak may mababago? Kaya pwedeng kalma lan tayo?” “NOOO!!!! I can’t! Stapp! Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya, Natasha! Susunod ako!” Napahinga nang malalim si Natasha at pinandilatan na ng mga mata si Isabelo. “Kapag hindi ka tumigil Isabelo, hindi mo talaga kakayanin kapag lumapat ang kamao ko sa mukha mo. Kung makangawa ito. Ano, ikaw ang mamamatay?” gigil na banta niya sa kaibigan na daig pa ang bulateng nagpupulagdas sa kinauupuan. “Excusemwah? I beg your pardon? Masakit na talaga baks.” “Talaga. Alam mong malakas akong sumuntok. Kaya manahimik ka at hayaan mong ako ang magreact sa nalaman nating balita. Ako ang mamamatay.” “Hindi ko tinutukoy ang suntok. I’m referring to you calling me Isabelo. Baks naman. Kanina pa talaga ako nagpaparamdam sayo pero ang manhid-manhid mo. Diba, hindi na Isabelo, Bella na. Be—l---la! Ganda-ganda kong ito.” “Whatever, Isabelo. Naging tayo pa rin. Minahal kita at alam kong minahal mo ako kaya tatawagin kitang Isabelo sa ayaw at sa gusto mo.” Nanlaki ang mga mata nito. “Don’t me, Natasha. Eww! I’m dying. Please, not the nightmare.” “Sus, kunwari pa ito. Nagustuhan mo rin naman ako. Baka nga mahal mo pa rin kaya hindi ka makalayo-layo at buntot at buntot ka pa rin. Doing things, a boyfriend is doing.” Hindi na nagawa pang makasagot ni Isabelo dahil hindi na kinaya ang mga sinasabi ni Natasha. “See! Kaya mo naman manahimik. Kailangan pang ilabas ang mga mabibigat na nakaraan eh.” “Hay nako. Wala pa ring nagbago sa inyong dalawa. Daig niyo pa rin ang aso’t-pusa. But back to business, ok na ba?” tawang-tawa na sabat ng doctor. “Sige po, doc. Ituloy mo na po. Nagpahupa lang ng tensiyon,” turan ni Natasha at inihawak ang dalawang mga kamay sa magkabilang armchair. Huminga nang malalim ang doctor at binuksan ang katabing monitor. “Based from your tests, overall tests, ok naman lahat ng organs mo, in fact, they are all very healthy, maliban sa puso mo. Kung titingnan ang scans, may enlargement nang nangyayari. This makes you very prone to cardiac arrest or heart attack na both deadly. More detailed scans are showing na may mga mahihina ka na ring ugat which can lead to aneurysm na equally deadly or should I say, the deadliest of the three. Bakit hindi ka nagsasabi? Alam kong nakakaramdam ka, imposibleng hindi mo maramdamang may mali. And I know na nababasa mo ang scans na ito and even without the scans, alam kong aware ka sa mga symptoms.” “Akala ko po kasi, ok lang. Na dala lang siguro ng stress at pagod sa pagtatrabaho.” “Hay nako, Natasha. Kung nagpacheck ka agad, di sana aabot sa ganito. But then, we have treatments naman. Surgery or transplant. Para sa akin, transplant talaga ang sinasuggest ko kaso mahal lang talaga. At, you have to find a donor na napakahirap makahanap.” “Ganon po ba? Noted po,” tugon ni Natasha at ngumiti. “Ganito ka ba talaga kakalma?” nangingiting usisa ng doctor. “I prefer not to feel it po,” tugon ni Natasha. “Taray, kinabog si Elsa!” sabat sana ni Isabelo pero ang doctor naman ang pumutol rito. “Silence, Isabelo. It’s not helping. Anway. Not to feel, sabi mo? Ibig mong sabihin, you practice suppression?” “Practice? Siguro ho? Pinalaki ho kasi ako ng ganito. Bawal pansinin ang emosyon.” Tatango-tangong tumayo ang doctor. “I see. Mukhang nauunawaan ko na kung bakit humantong sa ganito ang puso mo. You know what, Natasha. Ang paglalabas ng labis na emosyon at ang pagsantabi rito ay parehas na amount ng stress ang naidudulot sa katawan, lalo na sa puso natin. Bakit hindi mo subukang umiyak kapag naiiyak ka? Moderate lang. Tumawa ka kapag natatawa ka. Mainis ka kung naiinis ka. Kung hindi mo nagagawa sa pamilya mo, then find a stranger na pwede mong paglabasan ng mga hinaing mo.” “Nako Tito, believe me when I say, na sa panaginip lang mangyayari ang mga sinasabi mo.” “Shut up, Isabelo. You are a doctor for crying sake. Pasado ka pa mandin sa board, yet hindi mo napansin na may mali kay Natasha. Kaya until now hindi ka pa rin kinukuha ng Dad mo to enter the hospital’s premises. Instead, ipapatapon ka sa malayo.” Mabilis na ibinaling ni Natasha ang tingin kay Isabelo. Iniiwas nito ang tingin sakaniya at yumuko saka huminga nang malalim bago nagsalita. “Hindi ko naman ho kasalanan na sa pamilya natin, naligaw ako na walang-utak at pinaraanan lang na maipasa sa boards gamit ang kayamanan, kayabangan, ah este kapangyarihan ng pamilya natin para hindi maging kahihiyan, right?” “Isabelo!” mataas at galit ang tono na usal ng doctor. “Tito, mauuna na ho kami. Sana ho ay walang makaalam sa pamilya ko ng tungkol rito tito. Salamat po sa lahat,” sabat ni Natasha saka tumayo at hinila si Isabelo palabas ng kwarto. Paglabas ay binitawan niya ito at nakapamulsang sumakay sa escalator pababa. “Bakit kailangan mong sabihin yon?” tanong ni Natasha. “Totoo naman, bakit ba? Kung hindi dahil sayo, saan ako pupulutin ngayon?” “Ah ok, gets ko na kung bakit hindi ka talaga paawat na sabay tayo ngayon. Dahil kapag kasama mo ako, umaasa ka na hindi ka ganon mamaliitin ng pamilya mo? Na kapag kasama mo ako, maaaring kayanin mo nga naman maging doctor sa ibang bansa dahil nurse mo ako.” “Natasha.” “Tsk! Nakakatawa, Isabelo. For once, bakit ba hindi mo magawang maging matapang? Lagi mo na lang akong ginagamit.” “Excuse me?” Galit itong naglakad ng ilang hakbang pababa ng hagdan at hinablot ang kaniyang braso para magkaharap sila. “Ganiyan ba ang iniisip mo sa akin? Na ginagamit lang kita?” “Bakit? Hindi ba? Hindi mo ba ako ginamit noong una pa lang? Ginirlfriend para magmukhang lalaki sa harapan ng iyong mga magulang at may tumulong sayo sa mga schoolworks?” “Oh ghad, Natasha, saan mo ito nakukuha? Walang ganon. Oo. Maaaring ginirfriend kita kasi natatakot ako maglantad noon pero, pinagsisihan ko yon. Teka nga lang. Bakit…bakit tayo napunta rito? Hindi ba dapat ang pinoproblema natin ang lagay mo at hindi ang pagsagot ko?” “Pwede ka namang manahimik.” “For crying sake, Natasha. Ayaw kong maging kagaya mo. Hindi ako tatahimik kung alam ko namang dapat talagang sumagot ako. Pagod na pagod na ako mamuhay sa mga expectations nila.” “Kaya pinili mo na lang na salungatin sila? Kaya kahit na nakatago ang pagkatao mo ngayon, ayos lang? Imbes na makipag-ayos ka sa kanila ay nilalaban mo talaga?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD