
SI FROZZ isang babae na may PANININDIGAN sa kan'yang sinumpaan na tungkulin. Kaya kahit na malagay ang kan'yang buhay sa BINGIT ng KAMATAYAN ay patuloy pa din n'yang pro-protektahan ang batang pAngulo ng bansa. Ang lalaking ang tingin sa kan'ya ay isang lampa at walang kwenta,dahil s'ya ay isang babae. Ang lalaking kapag nasa malapit sa kan'ya ay para bang may kung anu sa kan'yang loob na hindi n'ya mawari at ayaw n'ya din na malaman pa kung anu ba talaga ang kan'yang nararamdaman para dito. Si GAVIN REYNON ZUMURI ay Kilala dahil sa kan'yang magagandang nagawa para sa bayan. Sa kan'yang edad na kwarenta ay nasa pinakamataas na posisyon na s'ya at minamahal ng taong bayan. Kaya naman marami ang nagtatangka sa kan'yang buhay dahil sa kagustuhan na s'ya ay mapabagsak ng mga katunggali nito sa politika. Ang mommy n'ya na ang gumawa ng paraan para matulungan ito. Dito papasok si Frozz sa kan'yang. Ang babae sa una ay palagi n'yang minamaliit ang kakayahan nito para ipagtanggol s'ya. Hanggang sa mapatunayan nito sa kan'ya na hindi ito lampa kagaya ng iniisip n'ya. At ang Isa pa sa kan'yang problema ay parang hindi n'ya na kayang mawala ito sa buhay n'ya. Hindi n'ya din alam kung paano sasabihin dito ang kan'yang tunay na nararamdaman para sa dalaga. Lalo pa at nararamdaman nito na trabaho lang ang gusto ni FROZZ..PAANO kaya nila pilit na susupilin ang umuusbong na pagmamahal para sa isa't isa gayon na nasa gitna sila ng magulong mundo ng politika? KAKAYANIN kaya nila hamakin ang lahat?.Kakayanin kaya na lagpasan ang bawat pagsubok? Ano ang mas mangingibabaw? Sa gitna ng magulong mundo na kanilang GINAGALAWAN may puwang kaya para piliin nila ang isa't isa?

