Nightus pov.
Ako si nightus isang magiting na hari ng earth kingdom ang kapangyarihan namin na taga earth kingdom ay ang earth element ang kalikasan.
dahil sa panganip na kinakaharap ng aming mundo ngayon, Kaya ako napadpad dito upang isagawa ang aking misyon na hanapin ang mortal na tagapagligtas namin. dito sa mortal world na sinasabi sa prophecy book na babaeng magliligtas sa aming mundo ay nandito sa mortal word kaya kailangan ko siya mahanap sa lalong madaling panahon.
ilang buwan narin akong na nanatili dito ngunit sa kasamaang palad e, hanggang ngayon ay hindi ko parin mahanap ang babaeng iyon.
gusto ko Sana na gamitin ang aking kapangyarihan upang humingi ng tulong dito sa kalikasan, upang madali ko lang mahanap ang babae na sinasabing mortal na may power. pero nung huli ko kasi kausap ang kapwa kong hari na si Lucas ang fire king na h'wag ko daw gamitin ang powers ko dahil may posibilidad daw na maramdaman ng kalaban at malaman na andito ako sa mortal world e, mapahamag pa kame pareho ng babae mortal. kaya pina alalahanan niya akong huwag gamitin ang power na kausapin ang kalikasan dito.
kasi naman hindi ko alam kung ano Ang itsura ng babaeng iyon ang alam ko lang ay babae siya pero ang itsura wala akong ka idea- idea Kung ano. ngunit isang araw sa hindi ko inaasahan bigla akong nakaramdam ng napakalakas na aura at alam kong dahil iyon sa malakas na kapangyarihan na meron ang kung sinong nag mamay ari nakaka tindig balahibo talaga nakakatakot kasi ang Aura niya. pero nung mga oras na iyon kahit kinakabahan ako sa naisip na baka andito narin ang aming kalaban, sinubukan ko parin na hanapin ang Aura na iyon upang malaman kung sino ang nag mamay ari, ngunit nabigo akong mahanap. pero imbes na maging malungkod at mawala ako ng pag asa, ay mas lalo kong binigyan ng confident ang aking sarili na mahanap ang babaeng mortal.
naisip ko kasi na may posibilidad na malapit lang ang tinutuluyan ko sa kung saan man nakatira ang aking hinahanap.
kinabukasan maaga akong nagising at naghanda upang ipag patuloy na hanapin ang mortal na iyon at sa araw na yon napaka swerte ko dahil nakita at natagpuan ko na siya, nasabi ko nalang sa aking sarili na.
"napakaganda ng araw ngayon." Yan ang mga katagang nasabi ko, dahil hindi ko naman pwedeng agad-agad na sabihin sa kanya kung bakit ako narito, at hindi ko rin siya pwedeng agad-agad dalhin sa mundo na kung saan ako nabibilang, kaya nag isip ako ng paraan kung paano ko ba siya makaka usap at malalapitan, upang makuha ang kanyang tiwala, para Kung sakaling kailangan na naming pumunta sa magicalight world ay hindi na ako mahihirapan upang kumbinsihin siya na sumama papunta doon dahil siya ang nag iisang tagapag ligtas.
dumating na ang araw na kailangan ko ng simulan ang aking naisip at nabuong mision na gagawin upang makuha ang atensyon niya, sinadya ko talagang basain ng konti ang paper bag na lalagyan ng prutas at gulay para masira ito kapag sinimulan ko na gawin ang plano ko. at ayon na umepkto naman ang plano ko, lumapit nga siya sa akin at kinausap, nagpakilala kame sa isat-isa at doon ko nalaman ang pangalan niya.
hindi naman pala mahirap kunin ang tiwala niya dahil sobrang mabait na bata pala ni althea, kaya rin siguro siya ang napili upang biyayaan ng kapangyarihan, sa lahat ng mga mortal siya lang Ang naiiba dahil may power siya. simula din nang araw na iyon ay tatay na ang tawag niya sa akin.
Dumaan pa ang maga araw lagi kami nag-uusap, nagkakamustahan,sa tuwing nakikita niya ako tuwing umaga habang papasok siya sa school niya lagi siyang lumalapit at tinatawag akong tatay, dahil sa gunagawa niya na lagi akong binabati tuwing umaga lalo ko naman namimiss Ang mga anak ko, kaya naman masaya ako tuwing tumatawag siya sa akin tatay kahit papaano nawawala ang pagka miss ko sa mga anak ko. nalaman ko din mula sa kanya na wala na pala siyang mga magulang dahil namayapa na ito dahil sa car aksident.
yinatawanan pa nga niya ako dahil hindi ko daw alam kung ano yung car aksident, masisisi ba niya ako kung hindi ko alam e, wala naman kasi kotse sa mundo namin.
malungkod siya habang kinokwento niya sa akin ang nagyari sa kanyang mga magulang kaya nasawi ang mga ito. pero meron pa naman daw siyang dalawang kuya. ngunit madalas daw ito busy dahil sa pag aaral at the same time nag tatrabaho din ang mga ito. lagi ko din siyang binabantayan upang makasiguro ang kaligtasan niya, baka sakali kasing may maga kalaban ang mapadpad dito. minsan sabay kaming kumkain sa labas tuwing wala siyang pasok sa school.
tuwing tinitignan ko sya nakikita ko sa kanya ang napayapang goddess ng magicalight world. magkamukha kasi sila at pareho din ang kanilang kilos. iniisip ko nga na Hindi Kaya anak ito ng napayapang goddess tapos napunta lang dito sa mortal world at nabuhay bilang isang mortal, pero imposible naman yun mangyari.