Althea Pov.
Weeks nalang ang hinihintay namin bago ang aming graduation bilang senior high, nagsisimula na din kame mag practice para sa aming nalalapit na graduation.
pagkatapos namin mag practice nakaramdam kame ng gutom ni jane dahil tanghali na pala, napagpasyahan namin dalawa na sa labas nalang ng campus kumain sa isang fast food, habang andito kame sa loob ng isang fast food kumakain napatingin ako sa labas at pagtigin ko doon sa labas nakita ko ang matandang babae na no'oy tinulungan ko, habang tinatahag ko ang daan papuntang mall, at nakita ko siya sa gilid ng daan na nahihilo.
"best sino tinitignan mo dyan?" tanong sa akin ni jane, dahil na pansin siguro niya na may tinitignan akong tao.
" a, yung matandang babae." malumanay Kong sagot.
"asan, sino dyan kasi tatlo yang andyan e, si nanay na nagbebenta ng tubig at si nanay na nagbebenta ng fishball ang yung isa na nakaupo lang, alin ba dyan.?!"
"Yung naka back shirt na nakaupo lang, natatandaan ko kasi na siya yung tinulungan ko nung nakalipas na buwan habang papunta ako sa mall nakita ko kasi siya sa daan na nahihilo. kaya tinulungan ko na baka kasi kung ano pa ang magyayari sa kanya, pero alam mo ba! na pagkatapos ko siyang tulungan noon may mga sinabi siya sa akin ang wierd na hindi daw ako tao nararamdaman daw niya." pag kwento ko kay jane.
"what?? sinabi niya yun sayo at lumapit ka dyan! OMG! it's a big na O.M.G talaga girl!! alam mo ba na nakakatakot yang matanda dahil ang sabi nila baliw at mangkukulam daw yan kaya h'wag kang magtiwala agad dyan best! hindi naman sa nanghuhusga ako pero hindi naman masama ang nag iingat diba?" natatarantang sabi pa nito.
"grabe ka naman! wag ka nga nagpapaniwala sa mga tao dyan, wala naman siyang ibidensya na mangkukulam talaga yan e," sagot ko naman.
"ayy Basta! h'wag kang magtitiwala agad sa kanya okey!?? ikaw pa naman ang dali talaga magtiwala." paalala nito habang ramdam ko sa kanyang boses ang pag alala niya sa akin.
"ai-ai, captain." sagot ko para hindi narin siya mag aalala.
"ok let's go na! coz were gonna be late na para sa klase natin this afternoon, remember klase tayo ngayon dahil bukas na ulit ang practice for graduation." Sabi niya kaya tumayo na ako para makabalik na kame sa school.
natapos na ang klase at ngayon ay uwiian na nang maga stuyante dahil alas 5:00 na ng hapon, pero iilan pa lang ang umuuwi dahil ang iba ay tumatambay pa muna dito sa campus at wala pang gana umuwi.
naglalakad na ako pauwi sa bahay ngunit may nakita akong isang lalake hindi naman ganoon ka tanda sa tantiya ko siguro mga nasa 40's palang ito, may bitbit siyang paper bag na alam kong mga groceries yun at tsaka prutas napapansin kong nasisira na yung paper bag at ayun na nga nasira na Kaya naman nagkalat at nagpagulong gulong naman ang mga prutas.
wala namang ibang tao kaya lumapit na ako kay kuya upang tulungan pulutin ang mga nagkalat niyang mga prutas at gulay kasi kawawa naman at sayang yun kung hindi niya pupulutin kasi ang Mahal Mahal kaya ng mga bilihin ngayon, hindi naman kasi nasira kaya pwede pang kunin.
"kuya ok kalang po, tulungan na kita sayang naman po ito." Sabi ko kay kuya, ayaw ko siyang tawagin na manong kasi parang hindi bagay sa kanya hindi kasi siya mukhang matanda kung tutuusin.
"ayy salamat iha, nasira kasi itong papel na lalagyan nito Kaya nahulog ang mga dala ko." sagot nito na humuhingi ng pasasalamat dahil sa pagtulong ko.
"teka may ibang lalagyan pa hō ba kayo diyan." tanong ko.
"Yun na nga ang problema iha, wala akong ibang dala dito hindi ko naman kasi inasahan na mangyayari ito." malumanay nitong sagot.
"ganun po ba? teka titignan ko lang para kasing may plastig bag ako dito wait Lang po a, hehehe eto po buti nalang naitabi ko ito kanina at hindi tinapon." Sabi ko habang inaabot ang plastig bag sa kanya, tumingin naman siya sa akin gumiti at kinuha naman niya iyon at nilagay na niya ang mga prutas at gulay,napangiti naman ako dahil nakatulong na naman uli ako.
"salamat talaga iha, kasi kung hindi ka siguro dumaan dito, hindi ko na alam paano ko ito dadalhin pauwi dahil sira na ang pinaglagyan nito, ako nga pala si nightus iha, ikaw ano pangalan mo?" nakagiting Sabi nito at nagpakilala.
"kakaiba po ang pangalan mo kuya hehehe, althea, Althea nakova po ang pangalan ko, nice meeting you kuya."
"ang ganda ng pangalan mo iha kasing ganda mo din." papuri ni kuya sakin, kaya natawa naman ako.
"salamat po hehehe, sige po kuya mauna na po ako sa inyo." paalam ko pero Sabi niya sabay na daw kame tutal mukhang parehas lang din naman daw ang daan na dinadaanan namin. Kaya sabay na kame naglakad pauwi pero hindi naman siya sa subdivision nakatira sa labas lang sa harapan ng subdivision kung saan ako nakatira.