chapter 18

911 Words
someone's Pov. Habang nasa park si Althea my isang lalake my edad na, naglalakad lakad at bigla nalang niyang naramdaman ang napaka lakas na Aura na nangagaling sa hindi niya matukoy kung saang direksyon nagmumula. pero naisip niya rin bigla na pwede itong nangagaling sa babaeng kanyang hinahanap na sinasabing andito sa mortal world. pero hindi siya nagpakampante dahil naisip din niya na pwede rin iyon mangaling sa kanilang kalaban, kinabahan naman siya sa inisip na baka na sundan siya, kaya naisipan niyang hanapin kung saan yun nagmumula at sino ang nagtataglay ng ganoong kalakas na Aura na alam niyang my malakas iyon na kapangyarihan, kaya malakas din ang Aura na lumalabas hindi man nararamdaman ng mga tao pero ang kagaya niya na hindi pangkaraniwan ay nararamdaman iyon. ilang buwan na rin siyang namamalagi rito sa mortal world, subalit hindi parin niya matagpuan ang sinasabing kanilang tagapag ligtas, pero hindi parin siya nawawalan ng pag asa na darating ang isang araw mahanap at matagpuan din niya ang tinutukoy sa propesiya. habang nag lalakad ang lalake upang mahanap ang may ari ng napaka lakas na aura ng kung Sino, sa pwesto naman ni Althea napansin niyang dumidilim na pala at nung tignan niya ang oras nakita niya sa kanyang pambisig na relo na alas 6:30 na pala, kaya napagpasyahan niya nang umuwi upang hindi mag alala ang kanyang mga kuya sa kanya dahil gabi na wala pa siya sa bahay lalo na ngayong wala na silang mga magulang. naramdaman naman ng lalake na lumalayo na sa kinaroroonan niya ang malakas na aurang taglay, na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. nagmadali siyang hanapin iyon bago pa iyon mawala at may konting takot na hindi niya na iyon maramdaman at baka mabigo siyang hanapin ang babaeng pakay niya dito sa mortal world. ngunit sa araw na iyon bigo parin ang lalake na mahanap ang gusto niyang hanapin, kaya umuwi nalang muna siya sa kaniyang tinutuluyan, bigo man siyang mahanap kanina pero nagkaroon naman siya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang hanapin ang babae, napag isip-isip kasi niya na malapit lang siya sa taong hinahanap niya. kinabukasan maagang nagising at naghanda si nightus upang hanapin muli ang kanilang tagapag ligtas, ngunit pagka labas niya palang sa pinto ng kanyang tinutuloyang bahay naramdaman na naman niya ulit ang ganuong kalakas na kapangyarihan, na papalapit sa kaniya kinaroroonan, nakatira kasi ang lalake sa labas lang ng isang subdivision na kung saan ng bahay nila Althea, may kaba man na bumubundol sa kanyang dibdib pero naglakas loob naman siyang hintayin na dumaan ang may ari ng Aura na malapit sa kinaroroonan niya. marami rami din kasi ang mga naglalakad na mga studyante pero may isang dalagitang babae ang pumukaw sa kanyang atensyon at yun ay si Althea. na may mahabang buhok na hangang bewang niya maliit lang ang mukha at sa tantiya niya nasa 5'5 ang high nito. para masigurado siya na ito na ang kanyang hinahanap kaya naman nakisabay siyang maglakad dito at dun niya napatunayan na tama siya ito na ang kanilang hinahanap na babae, dahil sa lakas ng powers na nagtataglay nito, kikilabutan kana agad kahit wala pa man itong ginagawa sayo. gusto niya sanang kausapin ang dalagitang iyon ngunit naisip niyang na kung agad-agad siya dito magpapakilala at sabihing siya si haring nightus ng earth kingdom, sa ibang mundo, at kaya siya nadito sa mortal world ay dahil sa kanya dahil siya ang kanilang tagapag ligtas sa ibang mundo. tiyak syang mabibigla ito, kaya ang naisip niya mas mabuting, makipag kaibigan muna siya dito at kapag nakuha na niya ang loob nito saka niya ito sabihin sa dalaga na ipinadala siya rito upang hanapin siya, dahil siya ang tagapag ligtas nila sa ibang mundo, na sinasabi sa propesiya. nung nakapasok na si Althea sa loob ng skwelahan, napagpasyahan naman ng lalake na umuwi na muna, pero habang pauwi ang lalake may malaki itong ngiti dahil sa saya na sa wakas nahanap na niya ang kanyang matagal ng hinahanap sa mortal world. pagkadating niya sa kanyang tinutuloyang bahay ay agad niya sinabi ang magandang balita sa kanyang mga kapwa hari at reyna gamit ang kanyang powers na nahanap na niya ang babaeng iyon. "totoo ba ang sinasabi mo samin haring nightus na nahanap mo na siya at nakakasiguro kaba na siya na nga ang babaeng ating hinahanap!?" tanong ng fire king na si Lucas. "oo sigurado ako na siya na iyon, haring Lucas na siya na ang ating hinahanap dahil nung lumapit ako sa kanya naramdaman ko ang kanyang napakalakas na power na nagpakilabot ng husto sa aking sistema." sagot naman ng hari ng earth kingdom na siyang nandito sa mortal world. "kung ganon dapat mo na siyang dalhin agad dito sa atin sa lalong madaling panahon, para hindi mahuli ang lahat, dahil ang sabi sa propesiya dapat andito na siya sa atin bago maganap ang labanan, dahil kung hindi makukuha siya ng ating kalaban nightus!" "kanina ko lang siya nakilala, kaya hindi ko siya pwedeng dalhin agad dyan, dahil kapag ginawa ko iyon, mabibigla siya at baka matakot pa sa atin dahil hindi niya tayo kilala, ngunit huwag kayong mag alala dahil ipinapangako ko na dadalhin ko siya agad dyan sa hindi pa magaganap ang labanan nitin sa ating mundo. naramdaman ko rin na hindi pa niya alam na may power siya, naramdaman ko din na hindi pa tuluyang lumabas sa kanya ang natutulog niyang kapangyarihan." sagot ni nightus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD