chapter 17

701 Words
Althea Pov. Pagka uwi ko sa bahay agad Kong tinawagan si jane para ibalita ang nangyari sa aking mga magulang, Isa pa kailangan ko rin ng kausap ngayon dahil sa sobrang kalungkutan ko. "hello best musta kana? feeling better ka na ba, nakainom kana ba ng gamot?" tanong ni jane pagkasagot sa tawag ko. "b-best huhuhuhu...". "best ok ka lang ba? bakit umiiyak huh!?" tanong ng nag aalalang boses ni jane. "b-best ang mommy at daddy ko, ang parents ko w-wala na sila best iniwan na nila kame huhuhuhu" Sabi ko. "a-anong iniwan kayo ang sinasabi mo dyan best! teka saan ba sila nagpunta!?" "iniwan na nila kame, huhuhu p-patay na sila m-mommy at d-daddy ko best huhuhuhu.." "what????? ano ba iyang pinag sasabi mo dyan, pa-paano naman sila mamatay e, Ang healthy, healthy kaya ng parents mo tapos sinasabi mong p-patay na sila?!" gulat na tanong ni jane sa akin. "naaksidente sila kaninang umaga pagtapos nila akong ihatid sa school, nasawi sila sa car aksident huhuhuhu" paliwanag ko "b-best pa-paano na ako ngayon, iniwan na nila ako huhuhuhu sobrang sakit best ang bigat na sa dibdib. huhuhuhu." Sabi ko kay jane. "best wait lang ha! pupuntahan Kita ngayon dyan sa bahay niyo, okey? wait mo lang ako dyaan." Sabi ni jane at naririnig ko umiiyak din siya, naging close narin kasi siya sa mga magulang ko. alas 3 na ng umaga ako nakatulog dahil sa kakaiyak ang hirap na tangapin na wala ka nang magulang. nagising ako na tanghali na magang- maga ng sobra ang mga mata ko sa kakaiyak sa pagkawala ng mommy at daddy. bumaba na ako papuntang dining area, nakita ko na nadoon narin si jane at kausap niya Sina kuya, "best" tawag sa akin ni jane ng makita niya akong papalapit sa kanila. pagkalapit ko niyakap niya ako ng sobrang higpit, kaya hindi ko na napigilan Ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa ginawa niya, inisip ko kasi si daddy, siya kasi lagi ang gumagawa nito sa akin tuwing gigising ako at bago matulog. "Althea kumain kana muna para may lakas ka, at magpahinga kana lang muna dun sa kwarto mo, andito naman si jane sasamahan ka niya, kame na ang bahala sa burol nina mom at dad, mas kailangan mo kasi ng pahinga." Sabi sa akin ni kuya Glenn Kaya tumango nalang ako bilang pagsang ayon sa sinabi nya, wala rin kasi akong lakas para lumabas ng bahay sa ngayon. Hindi ako iniwan ni Jane , pati narin ng mga magulang niya andito rin sa amin upang tulungan kame, nandito lang kasi sa bahay ang burol, marami rin ang pumunta upang makiramay samin, katrabaho, kaibingan, kakilala, pati narin ang mga kamag anak namin nakiramay din sila. Ngayon tapos na ang burol nailibing na namin sila, pero masaya ako dahil kailanman hindi ako iniwan ni jane. Simula na ng panibagong buhay na hindi na namin kasama ang maga magulang namin, sa totoo lang sobrang hirap, masasabi mo talaga na sobra pala ang hirap kapag wala ka nang mga magulang sobrang bigat sa dibdib na wala na sila lalong lalo na kapag sanay kanang andyan sila palagi, babatin at yayakapin, hahalikan ka sa ulo mo tuwing umaga sa pag gising o bago matulog, tapos isang araw magigising kang Wala na sila sobrang hirap pero dapat mong kayanin, dahil hindi na sila babalik, buti nalang sya palagi ang mga kuya ko at ang nagiisang kong best friend na lagi akong pinapasaya sa tuwing nalulungkod ako, dahil sa kakaisip sa namayapang parents ko. Mabilis lang din lumipas ang araw at ngayon malapit na ang graduation ko. "I know I will miss high school life, but I have to move on to the next chapter of my life." Sabi ko sa aking sarili. Kung dati tahimik na akong tao mas naging tahimik na akong tao ngayon. ilang buwan naring wala na kameng maga magulang tanging ang isat-isa lang ang aming kinakapitan. pauwi na ako pero naisipan kong tumambay sandali sa park na lagi kong tinatambayan. lumapit na ako dun sa malaking puno ng kahoy na laging pwesto ko, naupo na ako at nakinig ng music, isinandal ko ang aking ulo sa malaking puno para mag relax naman kahit papano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD