Althea Pov.
Paggising ko sa umaga sakto naman pumasok si daddy sa kwarto ko, binati niya ako ng good morning sabay yakap, ganyan yan si daddy simula noong maliit pa ako kaya nga naging daddy's girl ako.
"the time goes so fast, noon liit mo palang but now you're big enough to decide on your own, ayaw ko pa sana pumayag na magka boyfriend ka dahil gusto ko tapusin mo muna ang pag aaral mo, but your mom told me you already on your right age to do what you want, basta promise me kapag mag boyfriend kana don't forget your study's. pumapayag na kame ng mom, mo na mag boyfriend ka, ibinibigay na namin sayo ang aming basbas. always remember na we love you anak kayo ng kuya niyo." Sabi ni dad but I saw dad face saddened, Kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing ."I promise to you dad and to mom that I will finish my study and I always be a good child to you love you to dad, you and Mom." sagot ko sa kanya, habang nakayap parin. nakita ko naman na nakangiti na siya.
hinatid ako ng parents ko sa school, pero bago ako bumaba niyakap muna ako ni daddy at mommy. "I love you anak always remember. that we love you" Sabi ni dad at hinalikan ako sa noo bago pinababa sa kotse. pagdating ko doon sakto naman na kakarating din nila Allie at jane, bumaba na sila sa kanikanilang service, andito ako nakatayo sa may gate at hinintay si jane.
"hi best good morning" bati niya sakin.
" good morning din best" bati kong pabalik sa kanya at niyakap at nakipag beso beso sa kanya.
lumapit naman sa kanila si Allie at binati din sila.
"hi! jane,Althea good morning and thank you ulit sa pag invite sa akin kagabi sa birthday mo nag enjoy ako sobra."
"good morning din sayo allie, hehehe salamat din sa pagpunta kagabi at pesenya na sa kakulitan ng mga kuya ko kagabi dun sa party." sagot ko.
"hahaha wala yun, wag kang mag alala hindi naman ako nagalit hehehe." sagot nito habang tumatawa.
"Tara sabay na tayo pumasok sa room?" Yaya sa amin ni jane, kaya sabay na kame pumasok.
andito kame ngayon ni jane sa may library, habang nag babasa ako naramdaman kong bumalik na naman yung kakaibang pakiramdam ko sa aking katawan hindi ko maintindihan kung bakit ito nawawala at bumabalik lang din naman, di kaya may sakit na ako pero takot naman akong mag pa check-up. pero mas kakaiba naman ngayon kasi pati ulo ko sumasakit na, kaya napahawak ako sa aking ulo nang Wala sa oras. tinignan naman ako ni Jane ng may pagtataka sa inasta ko ngayon.
"are you ok best?" tanong sakin ni Jane pero hindi ko siya nagawang sagutin dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. maya-maya'y naisipan ko nalang umuwi at magpahinga nalang doon sa bahay. kaya nagpaalam nalang ako kay jane na mauuna nang umuwi.
"best mauna na akong umuwi sayo, sobrang sakit kasi ng ulo ngayon eh," paalam ko sa kanya.
"ha! teka punta muna tayo sa clinic best" sagot naman nito. pero hindi ako pumayag at sinabing uuwi nalang ako sa bahay at dun nalang iinom ng gamot kaya hindi nalang niya ako pinigilan, kasi alam naman kasi ni Jane na kapag ayaw ko ayaw ko talaga. lumabas na ako ng library at nag lakad na pa uwi. pwede naman kasi itong lakarin Kung gustuhin lang kasi malapit lang din naman.
malayo layo na ako ng konti sa campus, habang naglalakad ako tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag, pag tingin ko c kuya Glenn pala, nag taka naman ako, bakit kaya napatawag c kuya Glenn kasi sa ginitong oras my klase siya, Kaya agad kong sinagot ang tawag, ngunit nung sinagot ko ang tawag niya naririnig ko ang pag singhod singhud ni kuya Kaya kinabahan ako.
"hello kuya ok ka lang ba bakit parang umiiyak ka yata?" tanong ko ngunit hindi parin siya nag sasalita.
"kuya naman kinakabahan na ako, ano bang problema? kuya?" tanong ko ulit at sa puntong ito sumagot na siya.
"Althea my klase ka pa ba?" tanong ni kuya sakin.
"Wala kuya, Wala kasi ang propesor namin may importante daw na inaasikaso, pauwi na rin ako ngayon, bakit kuya my problema ba?" sagot ko Kay kuya.
"Althea kasi, wag Kang mabibigla sa sasabihin ko sayo ha, promise?" Sabi ni kuya sakin Kaya bumundol na naman Ang kakaibang kaba sa dibdib ko.
"sige promise kuya, ano po ba iyon?" sagot ko nalang kahit ang totoo ay kinakabahan talaga ako ng sobra.
"Althea kasi sila mommy at daddy" sagot niya at narinig ko na naman ang iyak niya.
"kuya naman ano ba kasi iyon!? at anong sila mommy at daddy please sabihin mo ng diretso!" inis kong tanong kasi naman binibitin niya ako, na lalong napapakaba sa akin. lalo ng naririnig ko ang mahinang niya hagulgol.
"Althea sila mommy at daddy wala na! naaksidente sila kanina habbang papuntang trabaho pagkatapos Kang ihatid sa school! huhuhu" dahil sa sinabi ni kuya parang tumigil ang mundo ko at nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako at umiyak ng umiyak.
"kuya saan dinala ang bangkay nila huhuhu...pupunta ako dyan ngayon huhuhu" tanong ko habang humahagulgol.
"andito ang kanilang katawan ngayon sa morgue, pumunta ka nalang dito at parating narin ang kuya Alex mo dahil tinawagan ko na rin siya kanina." sagot ni kuya kaya nag madali akong pumunta doon, habang papunta ako doon wala akong ibang iniisip kundi ang mommy at daddy ko, iniisip ko na kanina lang ang sweet pa ni daddy sakin pero ngayon wala na sila hindi makandamayaw sa pag tulo ng aking luha.
pagdating ko doon nakita ko sila kuya Glenn at Alex sa labas ng morgue na umiiyak at hinihintay akong dumating.
niyakap ko silang dalawa pareho at pareho rin kaming umiiyak.
pagkatapos ko silang yakapin pumasok ako sa loob ng morgue at nakita ko ang katawan ng mga magulang ko. patagbo akong lumapit sa bangkay ni daddy, niyakap ko siya at iyak ng iayak. nakita ko ang ko naman lumapit din si kuya Alex sa katawan ni mommy at niyakap.
"mommy paano na kame ngayon wala na kayo huhuhu..." narinig Kong Sabi ni kuya Alex habang umiiyak.
"kuya Glenn ano po ba ang nangyari? bakit sila nahantong sa ganito?" tanong ko.
"Ang sabi ng witness sa aksidente na nangyari kila mommy at daddy may aso daw na tumagbo sa gitna ng kalsada, nakita rin daw nila na iniwasan nila daddy ang aso, sakto naman daw na may nakasalubong na ibang kotse at nabangga sa kotse nila mom at dad hanggang sa nagpa gewang-gewang na ang sinasakyan nila daddy at nabungo sa malaking puno, na kinasawi nila." sagot sa akin ni kuya habang pinapatatag niya ang kanyang boses habang nagpapaliwanag.
hindi parin kame tumitigil sa kakaiyak. niyakap ko ulit ang katawan ni daddy, pumikit ako at inisip ang mga masasayang araw na kasama pa namin sila,
"dad, kahapon lang ang saya pa natin at kaninang umaga ang sweet mo pa nga sakin diba? b-bakit ngayon iniwan niyo na kame, dad paano na po kame ngayon, paano na ako wala na pong yayakap sa akin tuwing umaga sa pag gising ko at tuwing gabi bago ako matulog k-kasi w-wla na k-kayo." hirap kong sabi, naramdaman ko naman na niyakap ako ni kuya Glenn at kuya alex., panay lang ang iyak namin tatlo lumapit naman ako Kay mommy at hinalikan siya sa noo at sinabing Mahal na Mahal ko sila ni daddy. hindi ko nga alam kung ilang balde na ba ang nailuha ko e, sobrang sakit.
"mom, dad ipinapangako ko po na aalagaan namin si althea, ipina pangako ko po na hindi ko siya pababayaan." Sabi ni kuya Alex pati si kuya Glenn, habang nakatingin sa mga magulang namin.