chapter 15

781 Words
someone's Pov. Natapos na ang celebration party ni Althea, yung ibang maga bisita niya ay umuwi na kasama na pati si Allie, kasi gabing-gabi na rin. "thank god tapos na din ang party" Yan ang nasabi ni Althea habang pasalampak na umupo sa couch. "ok ka lang ba anak? mukhang napagod ka?" tanong ng kanyang mommy. "opo okey lang po, napagod man ako pero nag enjoy naman po ako." sagot niya sa kanyang mommy. "masaya kami dahil nagustuhan mo ang hinandang ginawa namin para sa special na araw mo anak." "syempre naman po kayo kaya ang gumawa at nag handa nun. salamat sa inyo mom,dad at mga kuya, hinding hindi ko makakalimutan ang special na kaarawan Kong ito. promise..dahil sobrang naging masaya ako ngayon at yun ay dahil sa inyo salamat po ulit." sabi niya na kahit napagod siya ay naging sobrang masaya siya. "oh siya sige na, magpahinga kana dun sa kwarto mo dahil alam namin na napagod ka kanina, good night anak." Sabi ng kanyang daddy sabay halik sa kanyang ulo. Nakahiga na sa kama at matutulog na Sana si Althea ngunit narinig niya na may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto. kaya naman bamangon uli siya upang pagbugsan ang kung Sino man yung kumakatok. pagbukas niya nakita niya na ang kanyang best friend pala ang kumakatok. "ikaw lang pala yan best, kala ko si mommy, akala ko umuwi kana? " sabi ni Althea at agad naman niyang pinapasok ang kanyang kaibigan. "Hindi pa ako umuwi, my kinausap lang ako dun na gwapong guy! alam mo naman ang bff mo dahil sa sobrang kagandahan ay maraming gwapo ang lumalapit hahaha.." bulalas nito habang kinikilig na parang bulati na tinadtad ng asin. "dito ka nalang matulog best, bukas ka nalang umuwi sa inyo kasi gabing gabi na rin." paanyaya ni Althea. "naku! gustuhin ko man dahil marami sana akong ikukwento sayo, ang kaso hindi pwede kasi remember may pasok pa tayo tomorrow, don't you worry about me okey, kasi nagpasundo na ako sa driver namin." "ganun ba? okey sige basta ingat ka sa pag uwi." Sabi ni Althea. "I will best, pero pumunta ako dito sa kwarto mo kasi para ibigay sayo ang gift ko, at para magpaalam na rin para umuwi hehehe." Sabi nito. "talaga!? ano pala yang regalo mo para sakin?" excited na tanong ni Althea. "here oh, slowly open para hindi siya mahulog at masira coz that's special gift." "wow!!! snow globe! ang ganda nito best! teka san mo ito nabili? sigurado Mahal ito." Saad ni Althea na makikita mo ang ningning sa kanyang mga mata sa saya, habang pinagmamasdan ang snow globe. "pumunta kasi si daddy nung nakaraang linggo sa US dahil sa kanyang business, Kaya sabi ko bilhan niya ako ng snow globe at yun nalang ang pasalubong niya para sakin. tapos naisip ko na malapit na pala ang kaarawan mo kaya sabi ko dalawa nalang ang bilhin niya, para tig-isa tayo at sabi ko yung pwede ipang regalo sa friend kaya yan ang binili niya at yan ang regalo ko sayo para kapag malayo man tayo sa isat-isa, tignan lang natin yan at yakapin, para narin natin kasama ang isat-isa." mahabang salaysay nito. "wow!! sobrang salamat talaga best! ang ganda nito, promise iingatan ko talaga to.!" "Kaya nga ibinigay ko sayo yang Isa dahil alam ko na iingatan mo, at same tayo ng snow globe para bff forever, para kung namimiss natin ang isat-isa dahil pag dating ng college life natin alam kong hindi na tayo pwedeng magkasama lagi dahil maging busy na tayo pareho kaya yan nalang ang yayakapin natin." Sabi nito, at nag yakapan naman silang dalawa. "oo nga no?, thank you talaga best love mo talaga ako kahit topakin ako minsan." Sabi naman ni Althea. "syempre naman para na kasi tayong magkapatid." "the best ka talaga best!" "asus, binola mo pa talaga ako." sagot naman nito ng naka ngiti. "thank you talaga best sobra! yaan mo sa birthday mo ako naman ang magbigay sayo." Sabi nito sa kaibigan. "okey sige Sabi mo yan huh!" "oo naman promise." sagot nito na nakataas pa ang kanang kamay. "best uuwi na ako, nandyan na kasi sa baba ang driver namin, malalim narin ang gabi, kita nalang tayo bukas sa school." paalam nito sa kaibigan at yumakap tapos tumayo na para umuwi pero bago ito lumabas ng pintuan my sinabi pa muna. "best pwede na maging kayo ni Allie kasi 18 kana hahaha" kantyaw pa nito sa kaibigan bago lumabas ng kwarto. "heh!!! baliw ka talaga, mukhang ikaw naman kasi ang type nun eh!," Yan nalang ang nasabi niya dahil lumabas na Ang kanyang kaibigan sa kawrto niya, kaya humiga siya ulit at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD