Althea Pov.
"ganda talaga ng best friend s***h sister ko." Sabi ni jane habang tinitignan akong pababa ng hagdan, dahil tapos na akong ayusin ni mommy at nakabihis na rin ako.
"best matagal na akong maganda ngayon mo lang ba napansin ang taglay kong kagandahan?!" Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"syempre napansin ko! pero mas maganda kasi ako sayo dati, pero ngayon mas maganda kana sa akin hahaha at ang ganda ng suot mo girl bagay na bagay sayo." loka loka talaga tong kaibigan ko mas maganda daw kasi siya sakin.
"oh, sya! halina kayong dalawa lumabas na tayo dahil magsisimula na ang celebration." singit ni mommy sa usapan namin ni jane.
"tita ang ganda niyo rin ngayon blooming na blooming." Sabi ni jane kay mommy, tignan niyo pati si mommy dinamay sa pambobola, pero maganda naman talaga ang mommy ko.
"ikaw talagang bata ka! maloko ka talaga, pati ako binobola mo." sagot ni mom.
"nako tita hindi po ako nagbibiro totoo po Ang sinasabi ko."
"hahaha oo na! salamat!" sagot ni mom. Kay jane tapos nauna nang lumabas. sumunod naman kami sa kanya papunta sa labas ng bahay at tinungo ang malawak na garden dito kasi sa garden gaganapin ang celebration party. paglabas ko nakita ko si kuya alex na nasa maliit na stage na ginawa nila, my hawak siyang microphone, dahil siya ang magsisilbing MC.
"ladies and gentlemen,good evening sa inyo, let's all welcome our one and only princess who celebrate her 18 birthday tonight, let's all welcome our birthday girl Althea nakova." sabi ni kuya at nagpalakpakan naman Ang mga tao.
"guys let's all sing a happy birthday for the birthday celebrant." Sabi ulit ni kuya sa mga tao na andito at kumanta naman silang lahat.
tinignan ko naman lahat ang mga bisita na nandito, ang iba kilala ko pero ang iba hindi kasi ngayon ko lang sila nakita. well ang iba kasi ay maga katrabaho lang nila mom at dad. yung iba pamilya lang din namin.
nakita ko naman sa my gilid si Allie na katabi ni Jane, inimbita kasi namin siya at isa rin siya na isasayaw ako mamaya sa 18 roses dances. hihihihi ngayon palang kinikilig na ako sa isipin na sasayaw kame mamaya.
pero nagtaka ako sa klase ng tingin niya Kay jane parang my something, my gusto ba siya kay jane? di kaya si jane ang mytery girl niya? sa isipin yung parang kumirot ng konti yung dibdib ko.
lumapit naman si kuya alex sa akin at binati muna ako bago ibigay sa akin ang microphone para sa speech ko.
"good evening everyone, ummhp..thank for coming to help me celebrate my 18 birthday party tonight, please enjoy the party and also I want to give thanks to my parents and brother's for all of this, for your efforts to make this adorable party for me, I love you always and also to my 2 friends who's here tonight Allie and Jane." Sabi ko na maluha-luha, ang ganda kasi ng ginawa nilang decorations, andami ring handa ang akala ko simple lang ang hinandang ginawa nila pero hindi pala.
"oh, wag ka munang iiyak dyan hindi pa tapos ang party magsisimula palang tayo, sasayaw ka pa sa 18 roses dances mo!" Sabi pa ni kuya alex kaya tumawa naman Ang mga busita na nandito.
pinapunta na nila ako sa gitna dahil magsisimula na daw ang 18 roses dances.
una akong isinayaw ni daddy " Ang ganda talaga ng princess namin." Sabi pa ni daddy habang isinasayaw ako. "syempre po mana Kaya ako sayo." sagot ko naman kaya nagtawanan kame ni dad, Kung tutuusin mas close ako kay dad kaysa sa mom ko, daddy's girl kasi ako. pagkatapos ni dad, sila kuya Glenn at Alex naman ang kasayaw ko at Wala talaga silang tigil sa kakulitan.sumunod naman ang mga pinsan ko, at ang last dance ko ay si allie. Kaya ayun walang tigil ang kanilang kantiyawan lalong lalo na si Jane at ang mga kuya ko alam kasi nila na crush ko si Allie.
siguro kung wala lang akong blush onn ay kitang kita na ang pagka pula ng mukha ko sa kahihiyan buti nalang hindi halata at hindi mapapansin ni Allie ang pagkapula ng mukha ko na nilamangan pa ang kamatis sa pagka pula.
habang isinasayaw ako ni Allie ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa hiya at kaba hanggang sa natapos nalang kaming sumayaw hindi parin ako makatingin sa kanya pero nagpasalamat naman ako sa kanyang pagpunta.