althea's Pov.
habang andito ako nakaupo sa may garden namin at nagmemeryenda, biglang tumunog ang cellphone ko,nung tignan ko kung sino ay ang best friend ko lang pala. Kaya sinagot ko na agad ang tawag niya.
"hello best, napatawag ka? may problema ba?" tanong ko pagkasagot sa tawag, kasi malay niyo my problema siya.
"Wala naman best, may tatanong lang ako! porket ba tumawag may problem na agad?!"
"sensya na best akala ko kasi meron eh, tsaka ano ba yung itatanong mo sakin?" tanong ko.
"ah,eh, tatanong ko lang naman sana kung ano meron sa inyo dyan bukas kasi diba? 18 birthday mo na bukas?" "huh!"
"anong huh?! ka dyan. teka wag mong sabihin nakalimutan mo birthday mo!" Sabi niya, napaisip naman ako. ??? ay oo nga pala kaarawan ko na pala bukas nawala sa isip ko, simula kasi nung nakaraan ang nasa isip ko lang ay ang kakaibang pakiramdam ko sa katawan ko e.
"Hindi ko rin alam kung ano meron bukas best, nakalimutan ko kasi na bukas na pala kaarawan ko, Isa pa wala namang binabangit sakin sila mommy tungkol sa birthday ko." sagot ko.
"ah, ganon ba? pero punta parin ako d'yan bukas kahit wala kang handa, kasi may regalo ako para sayo at sure ako na magugustuhan mo ito." Sabi niya at pinatay na ang tawag.
andito na ako sa kwarto ko ngayon at nakahiga na ako, dahil gabi na rin, pero may nararamdaman nanaman akong kakaiba sa katawan ko, na para bang ang bigat, na Hindi ko maipaliwanag. akala ko nawala na ito pero ngayon bumalik na naman. pero inisip ko nalang na baka gusto lang akong lagnatin at medyo nag-aalala din kasi bukas kaarawan ko na tapos mukhang makakasakit pa ata ako. napabuntong hininga nalang ako, bahala na nga itutulog ko nalang to kasi baka pagot lang ako at kulang sa pahinga.
"good morning Mom,dad.. good morning din kuya Glenn at kuya alex." masayang bati ko sa kanila.
"good morning anak, happy birthday kumain kana ng almusal tapos mag beauty rest ka muna dun sa kwarto mo para mamayang gabi kapag aayusan kana ng mommy mo hindi ka stress at haggardo tignan. dahil may hinanda kameng party para sayo mamaya sa birthday mo anak." nakangiting pahayag ni daddy habang nakatingin sa akin.
"mom,dad hindi naman na po kailangan mag celebrate ayos lang naman po sa akin kahit walang handa, at Isa pa hindi din naman po ako mahilg sa party alam niyo naman po yun diba? basta magkasama lang tayong lahat okay na po ako masaya na po ako sa ganun." paliwanag ko habang nag pa pout, dahil ayoko talaga sa maga engrandeng party at wala din ako sa mood.
"anak syempre kailangan yun dahil 18 birthday mo kaya yun at isa pa ikaw ang princess namin, isang beses kalang din kasi mag dedebut kaya pumayag kana anak." sabi ni dad na nagsusumamo mga mata.
"oo nga bunso, ikaw ang princess namin dito at ngayon lang namin ito gagawin ang engrande mong party, sigurado ako na mag eenjoy ka mamaya sa birthday party mo, na hinanda namin, isa pa ayaw mo bang ma-expirience ang sumayaw sa 18 roses mo.?!" Sabi naman ni kuya Glenn.
"sige na nga, kayo talaga, Isa pa hinanda niyo na kaya wala na akong magagawa pa para pigilan kayo." sagot ko naman sa kanila.
"Mahal ka namin princess, Kaya din namin hindi sinabi agad sayo kasi alam namin na hindi ka papayag." Sabi din ng isa ko pang kuya na si kuya alex. sabay gulo sa buhok ko kaya napasimangot nalang ako, kasi naman nakakapagot kaya mag suklay tapos gugulohin niya lang. tuwang tuwa naman ang mokong dahil sa itsura kong magulo Ang buhok nag mukha tuloy akong mananangal kainis..
" Tama na yan mga anak kumain na kayo." sabi samin ni mommy. kaya kumuha na ako ng sinagag, hotdog, ham at nagsimula ng kumain, hindi ko na pinansin ang pasaway kong kuya.
pagkatapos kong kumain ng almusal at uminom ng tubig ay umakyat na ako papuntang kwarto ko. pagdating ko sa kwarto kinuha ko agad ang aking cellphone para tawagan si Jane.
"good morning best! HAPPY 18 BIRTHDAY !!!!" Yan agad ang sigaw niyang sagot sa tawag ko.
"best naman gusto Mo ba akong mabingi sa araw ng birthday ko? pero thank hehehe" Sabi ko kahit ang sakit sa tenga ng sigaw niya.
"best punta ka dito samin mamaya okey? wag kalimutan." dagdag kong sabi.
" oo naman no! ako pa ba best! kahit hindi mo sabihing pumunta ako d'yan, pupunta parin ako kahit may handa man o wala, diba sabi ko sayo kahapon pupunta ako d'yan kahit walang handa kasi hindi naman yun importante sa akin, ang importante sakin maibigay ko ang gift ko sayo." sagot niya sakin.
"thank you best, okey sige hihintayin nalang Kita dito mamaya, oh, siya sige na bye best love you." paalam ko.
"love you to best, see you later." sagot niya at pinatay na ang tawag.