Lhira POV Marahang haplos sa pisngi ang gumising sa akin. Nakangiting nakatunghay sa akin si Miguel. Hawak niya ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakalapat sa aking pisngi. Nangilid agad ang luha ko dahil sa nakita ko siyang ligtas. Nang mawalan siya ng malay sa bundok ay ipinag-pasa diyos ko ang lahat. Dahil alam kong hindi maganda ang lagay naming dalawa. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Okay na ako Miguel. Bakit ka nandito? Diba dapat nagpapahinga ka sa kwarto mo?” Wika ko sa kanya. Matindi ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga tauhan ni Papa at nabaril pa siya nito kaya nag-aalala pa rin ako sa kanya. “I’m okay, lalo na ngayon nakita na kita.” Wika niya na tuluyang nagpatulo ng pinipigilan kong luha. “Salamat sa diyos ligtas kayo ng anak na

