Lhira POV Kahit hindi pa ako magpatingin sa doctor alam ko may nabubuhay na sa aking sinapupunan. Ngunit dahil sa pananakit ng aking tiyan. Nararamdaman kong malapit na rin siyang bumitaw. Hindi ko na siya kaya pang protektahan dahil mas tinatalo ng isip “Bun-tis ka?” Paos na tanong niya sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi. Upang pigilan ang mapahagulgol. Dahan-dahan ang naging pagtango ko. “Walang hiya ka talaga Miguel!” Galit na sigaw ni Papa. Paniguradong narinig niya ang lahat ng sinabi ko. “Kunin niyo si Lhira!” Utos ni Papa. Sa kabila ng sakit na aking nararamdaman mas naging mahigpit nag pagyakap ko sa kanya at ganun din siya sa akin. “Kung gusto mong patayin si Miguel, isama mo na ako Papa. Kung yun lang ang paraan para tumigil ka na at bumalik sa dati. Handa kong tangapin

