Lhira POV Natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakangiting naliligo sa ilalim ng shower. Pinagmasdan ko ang sing-sing na bigay niya sa akin. Para kasing hangang ngayon nanaginip pa rin ako. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa akin labi. Mabuti na lamang at napilit ko siyang lumabas muna ng kwarto ko. Gusto ko tuloy tanungin kay Mama kung bakit niya pinayagan na umakyat si Miguel sa kwarto ko samantalang kagabi lang harap-harapan niyang sinabi sa akin na baka may ibang babae si Miguel. Kaya nasayang tuloy ang luha ko pero worth-it naman ang naging kapalit dahil sa binigay niyang sing-sing. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na ako ng kulay puting dress na lagpas sa tuhod may kwelyo din ito at may butones sa harapan. May maiksing mangas, kailangan ko na kasing magsanay na magsuot ng dres

