Lhira POV Gaya nga ng sinabi ni Miguel, pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagtungo kami sa city jail kung saan nakakulong si Papa. Sa totoo lang hindi pa ako handang makita siyang muli. At alam kong ganun din si Miguel. Pero kailangan naming harapin ang araw na ito. Para mawala na ang agam-agam sa aming sarili. Nakahawak lang siya sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya dahil bahagyang nagpapawis ang kamay niya. Sa tingin ko parehas kaming humuhugot ng lakas sa isa’t-isa. Pagkarating namin sa kulungan ay nag-request na agad si Miguel ng visiting pass sa warden. Ngayon lang ako nakapasok sa kulungan na gaya nito. May kalakihan siya at paga-gala lang ang mga tao sa labas. Pero napakataas ng pader at may mga valve wire din sa dulo ng pader. Marami din ang nagkalat sa paligid na armadong

