Lhira POV Napikit ako nang haplusin niya ang nag-iinit kong pisngi. Kung makatitig kasi siya sa akin para na akong natutunaw na yelo na imbis lamig ay init ang nararamdaman ko. Sa unang pagkakataon ay nasa komportable, malinis at maputing kama na kami. Pero naging memorable din naman yun eksena namin sa buhanginan at sa batuhan ngunit iba ngayon. Bawat paghagod niya sa katawan ko ay may pag-iingat. Para akong babasaging bagay dahil sa magaang pagdampi ng kanyang kamay sa aking pisngi. Hangang sa maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi. Puno ng pagmamahal ang bawat pagalaw ng kanyang labi na waring may sinasabayang ritmo ng malumanay na kanta. Hindi ko mapigilan ang mahinang pag-ungol ng mas palalimin niya ang kanyang halik. Yun ang naging hudyat niya upang pumasok ang kanyang dila sa

