JULIAN POINT OF VIEW Ang buong venue ay nag-uumapaw sa kasiyahan. Sa bawat sulok, may nagsisigawan, may nagsasayaw, at ang ilan ay hindi pa rin makapaniwala sa tagumpay ng CK Club. Ang unang world championship ng team ko—ng team na itinayo ko mula sa wala. Sa gitna ng ingay at saya, nakatayo lang ako, pinagmamasdan ang paligid, habang unti-unting lumulubog sa akin ang katotohanan. Champion na kami. "Boss! We did it!" sigaw ni Greg, halos yakapin ako. "Putangina, we’re world champions!" "Language," sabat ni Troy, pero nakangiti rin siya. "Pero tama si Greg—panalo tayo, Boss!" "I told you, kaya natin 'to," dagdag ni Justine, inaakbayan si Lucas na nanginginig pa rin sa tuwa. "Boss, first time mong ngumiti sa stage, nakita ko 'yon!" "Huwag niyo akong gawing eksena," sagot ko, pero halat

