JULIAN POINT OF VIEW Naglalakad ako sa loob ng tournament venue, ramdam ang bigat ng responsibilidad sa balikat ko. Sa wakas—narito na kami. Ang CK Club, ang team na itinayo ko mula sa wala, ay nasa harap na ng pinakamalaking laban sa mundo ng e-sports. Final battle. World Championship. Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao. Ang sigawan, ang excitement, ang pressure—lahat ng ‘yon ay parang bumabalot sa lugar. Pero kahit gano’n, hindi ko maiwasang mapangiti. Dahil ito na ang katuparan ng matagal ko nang pangarap. “Boss! This is it!” sigaw ni Greg habang inaayos ang headset niya. “Huwag kang kabahan, Greg. You got this,” sabi ni Monique, na nakatayo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Mula sa unang araw na sumali siya sa buhay ko, hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Siya ang da

