JULIAN POINT OF VIEW Tahimik akong nakaupo sa loob ng opisina ko sa CK Club, nakatitig sa computer screen pero hindi talaga nagpoproseso ang utak ko sa kahit anong nasa harapan ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan ang pagkalat ng mga iniisip ko—mga bagay na hindi ko noon inaalala pero ngayon ay bigla na lang bumibigat sa dibdib ko. Ang relasyon namin ni Monique. Dati, ang alam ko lang ay gusto ko siya. Noong una, inisip ko lang na paghanga lang ‘yon, na maaaliw lang ako sa kanya sandali. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lumalalim ang nararamdaman ko. Hindi lang siya basta babaeng nakilala ko—siya ang dahilan kung bakit parang nagkakaroon ulit ng kulay ang buhay ko. Pero… kaya ko ba talaga ‘to? Napabuntong-hininga ako at tumingala sa kisame. "Damn it," mahina kong bulon

