Julian’s Point of View Tahimik ang buong CK Club matapos ang victory party. Maliban sa ilang natutulog na players sa lounge, halos ako na lang ang gising. Nakaupo ako sa opisina, ang tanging liwanag ay mula sa desk lamp na nakatapat sa mga papeles na hindi ko pa nasisimulan. Inikot ko ang upuan at tumingin sa malaking bintanang tanaw ang city lights. Sa labas, buhay na buhay pa rin ang siyudad kahit dis-oras na ng gabi. Pero sa loob ko, may bigat na pilit bumabalik — isang alaala na matagal ko nang tinatangka kalimutan. Sampung taon na ang nakalipas. Noong panahong hindi pa ako ang Julian Marco Fernandez na kilala ngayon bilang boss ng CK Club. Bata pa ako noon — isang batang may matinding passion para sa gaming. "Isa pa! Isa pa!" sigaw ni Adrian, ang pinakamagaling naming sniper noon

