Monique’s Point of View Maingay ang buong CK Club lounge, puno ng halakhak at sigawan. Halos mapuno na ang lamesa sa dami ng pagkain at inumin. Nagwagi na naman ang CK Club sa regional tournament at syempre, hindi puwedeng palampasin ang victory celebration. Pero kahit gaano kaingay, may isa pa ring tahimik sa gilid — si Julian Marco Fernandez. Nasa pinakadulong parte siya ng lounge, umiinom ng beer at nakasandal sa upuan na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Iyon ang natural na Julian. Kahit kailan, hindi siya sumasabay sa kasiyahan ng team. “Si boss talaga, ang sungit pa rin kahit panalo na tayo,” bulong ni CJ na katabi ko, sabay nginuso si Julian. Napatawa ako. “Baka kasi hindi pa kayo sanay. Grumpy talaga ‘yan by default.” “Pero ate Monique,” sabat ni Greg, “di ba dapat s

