JULIAN POINT OF VIEW Simula nang sabihin ni Monique na gusto niya ako, hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ang sinabi niya. I mean, bakit ako? Bakit siya? We don’t match. She’s too young, too cheerful, too persistent. Ako naman? Matanda na ako compared sa kanya, masungit, tahimik, at wala akong alam sa romance. Hindi ko alam kung paano ko dapat mag-react, kaya ang ginawa ko? Nilagay ko na lang sa isip ko na hindi totoo. Na nagbibiro lang siya. Pero bakit hindi ko maalis sa isip ko ‘yung sinabi niya? Bakit sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik ‘yung eksaktong moment na sinabi niyang gusto niya ako? I groaned in frustration, rubbing my temples habang nakaupo sa loob ng kotse ko. Hindi ko na kaya ‘to. Kailangan ko n

