JULIAN POINT OF VIEW Ang tahimik ng opisina ko. Sarado ang blinds, kaya walang liwanag mula sa labas ang pumapasok. Tanging ilaw lang ng monitor ko ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ang mga papel sa lamesa ay nakakalat, pero hindi ko magawang intindihin. Mas gumugulo ang isip ko kaysa sa kahit anong strategy na dapat kong pag-aralan. Pumikit ako saglit, pilit na inaalis ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Matagal ko nang ginagawa ‘to—gaming, tournaments, training—pero bakit ngayon parang may kulang? Dati, sapat na sa akin ang manalo, ang mapanatili ang pangalan ko sa mundo ng e-sports. Pero habang tumatagal, parang nawawala ang sigasig ko. Hindi ko lang alam kung dahil ba sa pressure o dahil may kung anong bagay na bumabagabag sa akin. Nasa ganito akong kalalim na pag-iisip nang bigl

