JULIAN POINT OF VIEW Mukhang hindi na talaga ako makakatakas sa usapang ‘to. Simula nang may nasabi ang mga players ko tungkol kay Monique at sa kung paano raw ako nagbabago dahil sa kanya, hindi ko na sila mapatahimik. Kahit anong pilit kong iwasan ang mga biro nila, paulit-ulit nilang sinasabi na ako raw ang dahilan kung bakit palaging nakangiti si Monique. Wala naman akong sinasabi, pero sa totoo lang, alam kong may katotohanan ang mga sinasabi nila. Ngayon, nandito ako sa isang café, kasama si Monique. Hindi ko alam kung paano niya ako napilit sumama, pero narito na ako, nakaupo sa isang sulok at iniisip kung paano ako makakatakas. "Relax, Julian," sabi ni Monique habang iniinom ang kape niya. "They’re my friends. They won’t bite." "Hindi naman ako kinakabahan," sagot ko, pero ha

