JULIAN POINT OF VIEW Napatingin ako sa screen, nakakunot ang noo. Isang minuto lang ang nakalipas mula nang magsimula ang match, pero may mali. Ramdam ko agad. Ang interface ng game ay hindi normal—may lag, may mga error notification na hindi dapat lumalabas. Sa isang kompetisyong ganito kahalaga, kahit isang maliit na technical issue ay pwedeng makasira sa buong laro. “Tangina,” bulong ko, mabilis na kinuha ang headset. “Greg, do you see this? The frame rate is dropping.” “Yes, boss. Something’s wrong,” sagot ni Greg, ang temporary team captain habang wala si Lucas. Halata sa boses niya ang kaba. “We’re experiencing serious lag. Our skills are not registering properly.” Napatayo ako. Hindi ito simpleng problema. Sa isang pro-level tournament, ang ganitong klaseng isyu ay maaaring mag

