Julian Marco’s Point of View Tahimik na gabi. Ang CK Club building ay halos wala nang ingay maliban sa mahihinang hakbang ng ilang players na naglalakad sa hallway. Karamihan sa kanila ay nasa mga kwarto na, nagpapahinga para sa training bukas. Ako? Nasa opisina pa rin, nakatingin sa mga records ng team. Napahinto ako sandali at napatingin sa mug ng kape sa gilid ng mesa. Naka-ukit pa rin sa isip ko ang maliit na heart design na ginawa ni Monique kaninang umaga. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip niya para gawin iyon, pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko mabura sa utak ko ang eksena na ‘yon. Napailing ako at binalik ang tingin sa monitor. “Boss.” Napatingin ako sa pinto. Si Greg, ang temporary captain ng team, ang nandoon. Medyo pawisan pa, halatang kakatapos lang mag-pract

