“Ano ‘yan?” tanong ni Julian, ang kanyang tono ay hindi maikakaila ang pagiging grumpy. “Coffee machine!” Sagot ni Monique na may kislap ang mga mata. “Gusto ko sanang magbigay ng coffee break sa lahat. Magandang ideya, di ba? Para hindi na kami laging lumabas at gumastos.” Si Julian ay nakatayo pa rin, hindi alam kung paano sasagutin si Monique. Hindi siya sanay na may ganitong klase ng energy na pumapasok sa paligid ng kanyang team. “I don’t need coffee,” sagot niya ng prangka. “Pero the team does!” Sabay tawa ni Monique. “Kaya nga I’m going to make coffee for everyone. Starting today, I’ll make sure that we save money and have coffee here na lang.” Mabilis na nilapitan ni Monique ang coffee machine at naghanap ng kuryente. Pinagmamasdan siya ni Julian mula sa malayo. Hindi siya maka

